Published Novels



Out na po ang aking FIRST PUBLISHED NOVEL under My Special Valentine (Bookware Publishing). Available po ito sa National Bookstores and Precious Pages Stores nationwide. 

Thank you and enjoy reading!


TEASER:

A Love Story in Sagada

Nilisan ni Cailey ang Davao nang itaboy siya ng kanyang mga magulang at ng asawa niyang si Aaric dahil lamang sa mga kasinungalingan at paninira ng madrasta ng kanyang asawa. Sa ginawa niyang pag-alis ay doon siya napadpad sa Baguio at nakatagpo niya si Kean kung saan ito ang nagligtas sa kanya nang muntikan na siyang mapahamak sa kamay ng mga lalaking lango sa alak. Nang dalhin siya ng lalaki sa hospital ay doon lamang napagtanto niyang siya ay dalawang buwan ng nagdadalang tao. Hindi niya napigilang maawa sa sarili sa sinapit niya. Dahil na rin siguro sa awa ni Kean sa kanya ay hindi ito nagdalawang-isip na isama siya sa Sagada sapagkat doon naninirahan ang lalaki.

Makalipas ang limang taon, nakasanayan na niyang mamuhay mag-isa sa Sagada kasama ang kanyang anak. Itinuring na rin siyang kapamilya nina Kean at ng apat pa niyang naging kaibigan kung saan nagmamay-ari na rin sila ng isang guesthouse roon. Pero sa kabila niyon ay hindi pa rin niyang maiwasang malungkot at umasa na sana ay makasama pa rin ng kanilang anak si Aaric.

Mukhang dininig naman ng Diyos ang panalangin niya sapagkat hindi niya inaasahang magkikita muli silang dalawa ni Aaric at doon pa mismo sa guesthouse nila naka-check in ang lalaki.

May chance pa ba silang dalawa na ibalik ang dating pagmamahalan o tuluyan na itong nawala sa paglipas ng panahon? 


Just click the link below for further details:

1 comment:

  1. hi po san po ako pwede makabili ng book nyo by ebook format? meron sa bookware kaso hardcopy naman. nasa ibang bansa po kasi ako at gusto kong mabasa itong story na ito.

    ReplyDelete