Novels


THE FIRST TIME I LOVED FOREVER
Unang kita pa lamang ni Nathan sa malaking billboard ni Alexa sa Edsa ay nabighani na siya sa kagandahan ng babae. Pakiramdam niya ay ang babae na ang matagal na niyang hinahanap na soulmate.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkita sila ng dalaga nang muntikan na niyang mabangga ang sinasakyan nitong Ducati bike. At nang magkamalay na ito sa ospital na pinagdalhan niya ay nakaramdam siya ng pag-asa na may patutunguhan ang paghanga niya sa dalaga. Ngunit nagkamali siya sa inaakala sapagkat engaged na pala ito sa lalaking pinili ng ama nito.

Aasa pa ba siya o tuluyan na niyang kakalimutan ang pag-ibig niya para kay Alexa?

CHAPTER LIST:

Copyright 2012 by Selena Archangel. All Rights Reserved




           ALMOST OVER YOU
Lumaki si Selene sa piling lamang ng kanyang ama sapagkat iniwan sila ng kanyang ina noong bata pa lamang siya. Sabik na sabik siya sa pagmamahal at kalinga ng isang ina kaya nang tumuntong siya sa edad na bente ay nagpasya siyang hanapin ito. Napag-alaman niyang doon na ito naninirahan sa lungsod ng Baguio kapiling ang bagong pamilya nito. Sa halip na mag-focus sa pagkikita nilang mag-ina ay nagulo ang buong sistema niya nang makilala ang anak ng may-ari ng guest house na tinutuluyan nila na si Rohann. Wala itong alam gawin kundi guluhin ang nanahimik niyang puso hanggang sa tuluyan na rin siyang nahulog dito. Ngunit ang lahat palang iyon ay palabas lamang para sa paghihiganti ng taong may kaugnayan sa kanya. Nilisan niya ang naturang lugar na wasak na wasak ang pagkatao lalo na ang puso niya.

Makalipas ang limang taon, muling nagtagpo ang landas nilang dalawa ni Rohann. Sa pagkikitang iyon ay muling naungkat ang nakaraang matagal ng kinalimutan niya. Muling umusbong sa puso niya ang sakit na dulot niyon. Kahit anong gawin niyang pag-iwas sa lalaki ay ito naman ang gumagawa ng paraan upang mapalapit uli ito sa kanya.

Hahayaan ba uli niyang masaktan siya o gagawin rin niya kay Rohann ang ginawa nito noon sa kanya?


CHAPTER LIST:
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12

Epilogue


Copyright 2012 by Selena Archangel. All Rights Reserved



A Love Story in Sagada


Nilisan ni Cailey ang Davao nang itaboy siya ng kanyang mga magulang at ng asawa niyang si Aaric dahil lamang sa mga kasinungalingan at paninira ng madrasta ng kanyang asawa. Sa ginawa niyang pag-alis ay doon siya napadpad sa Baguio at nakatagpo niya si Kean kung saan ito ang nagligtas sa kanya nang muntikan na siyang mapahamak sa kamay ng mga lalaking lango sa alak. Nang dalhin siya ng lalaki sa hospital ay doon lamang napagtanto niyang siya ay dalawang buwan ng nagdadalang tao. Hindi niya napigilang maawa sa sarili sa sinapit niya. Dahil na rin siguro sa awa ni Kean sa kanya ay hindi ito nagdalawang-isip na isama siya sa Sagada sapagkat doon naninirahan ang lalaki.

Makalipas ang limang taon, nakasanayan na niyang mamuhay mag-isa sa Sagada kasama ang kanyang anak. Itinuring na rin siyang kapamilya nina Kean at ng apat pa niyang naging kaibigan kung saan nagmamay-ari na rin sila ng isang guesthouse roon. Pero sa kabila niyon ay hindi pa rin niyang maiwasang malungkot at umasa na sana ay makasama pa rin ng kanilang anak si Aaric.

Mukhang dininig naman ng Diyos ang panalangin niya sapagkat hindi niya inaasahang magkikita muli silang dalawa ni Aaric at doon pa mismo sa guesthouse nila naka-check in ang lalaki.

May chance pa ba silang dalawa na ibalik ang dating pagmamahalan o tuluyan na itong nawala sa paglipas ng panahon?

Copyright 2012 by Selena Archangel. All Rights Reserved



IF YOU ASKED ME TO


Isang sikat na romance writer si Rhyce Estrella sa Sweet Haven Publishing Company. Maraming readers ang nakakakuha ng mga inspirasyon at tips tungkol sa pag-ibig dahil sa mga nobelang sinusulat niya. Ngunit hindi alam ng lahat na kung gaano puno ng pag-ibig at pagmamahalan ang mga sinusulat niya ay kabaligtaran iyon sa tunay niyang nararamdaman. Hindi siya naniniwala sa happily ever after . Nasaksihan niya kasi noon kung paano nasaktan at nasira ang buhay ng kanyang ina at kapatid nang dahil sa pag-ibig.
Ngunit dumating sa buhay niya si Phoenix Mondragon nang minsang nagbakasyon ito sa probinsiya nila at nagpabago ng lahat lalo na sa paniniwala niya pagdating sa pag-ibig. For the first time in her life, tulad ng mga bidang lalaki at babae sa nobela niya ay naranasan din niya sa piling ni Phoenix kung paano magmahal at mahalin ng isang tulad nito.

Tuluyan na ba siyang maniniwala sa happily ever after o hahayaan na lang niya na sirain ito ng mga wicked witches tulad ng sa fairy tales?

CHAPTER LIST:

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4


Copyright 2013 by Selena Archangel. All Rights Reserved



        TILL WE MEET AGAIN
             PART II

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5

Copyright 2013 by Selena Archangel. All Rights Reserved





NEXT TIME I FALL

Capt. Chayce Mijares is in-love with Xianne del Valdeverro since he set foot on Monte Cristo Shipping Lines, Inc. three years ago. He was a notorious playboy pero pagdating kay Xianne ay natotorpe siya sa harap nito. Hindi siya makaporma ng maayos sa harap ng dalaga. Katakot-takot na pangangantyaw ang inaabot tuloy niya mula sa mga kasamahan niya sa barko. Lalong hindi siya makalapit sa dalaga nang magkaroon na ito ng nobyo. Paano na siya ngayon? Isusuko na ba niya ang pagmamahal sa dalaga o maghihintay pa rin siya hanggang sa maging malaya na uli ito?





Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Finale

Copyright 2013 by Selena Archangel. All Rights Reserved

21 comments:

  1. question lang po,, paano niyo po nagawa yung ganitong background? salamat po.. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi, Alex!

      First of all, thanks sa pag-visit sa blog ko. :)

      Nag-search lang ako sa google ng .gif file then apply ko lang dito sa blog.

      :)

      Delete
  2. Two thumps up talaga ang mga gawa mo sis, ang gaganda. hehehe.

    ReplyDelete
  3. Two-thumps up talaga ang mga gawa mo, sis. Ang gaganda. hehehe...

    ReplyDelete
  4. Hi ms selena, where can i find the next chaptera and ending of till we meet again and next time i fall? Tnx :)

    ReplyDelete
  5. Hi, Amy!

    Wait lang ha yung Next Time I Fall. Parang nai-hide ko. Check ko sa blog ko kung bakit nawala.

    Anyway, thanks for reading my stories!

    ReplyDelete
  6. Hi Ms Selena, i love reading your stories. they are great. but i can't find the continuation of "If You Asked me to" and Till we meet again part 2". Can you open it please...waiting :)

    ReplyDelete
  7. Hi, Amy!

    Thank you for reading my stories. It's highly appreciated. By the way, promote ko na rin yung published novel ko under My Special Valentine with title of A Love Story in Sagada.

    Anyway, wala pang kasunod ang If You Asked Me To and Till We Meet Again. Gagawin ko pa. Natigil lang pagsusulat ko kasi naging busy ako sa work.

    Again, thank you sa pagvisit sa blogsite ko.

    God bless!

    ReplyDelete
  8. Hi miss Selena kailan. Po ang. Next. Chapter. Ng. If You ask me to

    ReplyDelete
  9. Hi miss Selena. Ask ko lang po. Kailan po. Ang next. Chapter ng if you ask me to. Ang ganda. Kc. Ng story. Thank you

    ReplyDelete
  10. Hi miss Selena. Ask ko lang po kailan po ang next. Chapter. Ng if you ask me to

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi, Abigail!

      Thank you for reading my stories. It's highly appreciated. By the way, promote ko na rin yung published novel ko under My Special Valentine with title of A Love Story in Sagada.

      Anyway, wala pang kasunod ang If You Asked Me To. On-going pa. Natigil lang ang pagsusulat ko kasi busy ako sa work ngayon.

      Again, thank you sa pag-visit sa blogsite ko.

      God bless!

      Delete
  11. Ms. Selena,bakit po cannot be found yung laman ng chapters ng almost over you po? Thank you and God bless =) love you and your stories po

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi, Louise!

      Thank you for reading my stories. It's highly appreciated. About dun sa story ko na Almost Over You, for publish na kasi siya under My Special Valentine kaya cannot be found na siya. Nabago na rin title niya under the new title na "A Love Story in Baguio".

      By the way, promote ko na rin yung published novel ko under My Special Valentine din na ang title naman eh "A Love Story in Sagada".

      Thank you again. God bless!

      Delete
  12. Hello po I've read your stories and all of it are amazing. Nag try ako maghanap nang A Love Story in Sagada sa National Bookstore kaya lang hindi ko makita :( sayang sobrang curious pa naman ako and excited mabasa yon. Thank you po sa pagsusulat nang mga stories. God Bless you po...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi, Llorenz!

      Thank you for reading my stories. It's highly appreciated. Check mo sa Precious Pages Stores kung meron pa silang stock ng novel ko na A Love Story in Sagada. Alam ko available pa din yung book sa online shop ng My Special Valentine. Again, thank you very much and hope to meet you in person! God bless. :)

      Delete
    2. Hello Po thank you poh :) Susubukan ko pagnakapunta ako nang SM. Ai gusto ko yan makita kau para makapag pa autograph narin eheheh pero Taga Cebu po ako heheehh. If God's willing po sana mameet ko kau. Love ko ang pocketbook eh. Thank you po for inspiring us. God bless po

      Delete
    3. Hi, Llorenz!

      Nasa Cebu ako last December 30, 2015 to January 2, 2016. I've stayed in Danao then in Harold's Hotel, Lahug. Napadestino kasi dyan ang husband ko kaya d'yan na kami nag-celebrate ng New Year. May office din kami sa Mandaue near CDU. :)

      Delete
  13. Hello po, bakit di na po makita yung chapters ng almost over you? di na po ba pwede i-view yung story? thank you po

    ReplyDelete