Saturday, November 23, 2013

Next Time I Fall - Chapter 6

NASA village na sila ni Xianne ngunit hindi pa rin ito umiimik sa kanya. Itinigil muna niya sa isang tabi ang minamaneho niyang Ford Explorer. Nagtatakang nilingon siya ni Xianne.
            “Chayce, what are you doing? I want to go home.”
            Napabuntong-hininga siya. “We need to talk, Xianne. And I want to say sorry for what happened while we’re in Calapan but I’m not sorry for the kiss.”
            “Naguguluhan lang ako kasi unang-una wala naman tayong relasyon but we shared kisses already.” Teary-eyed na si Xianne habang nagsasalita kaya kinabig niya ito para mayakap niya.
            “Xianne, sweetheart, please don’t cry. Mahal na mahal kita.” Sa huling binanggit niya ay agad kumalas mula sa pagkakayakap niya si Xianne. Tinitigan siya nito na tila pinag-aaralan kung seryoso siya sa sinabi niya.
            “Chayce, huwag ka namang magbiro. Kagagaling ko lang sa isang broken relationship.”
            “I’m not kidding, Xianne. Matagal ko ng itinatago ang pagmamahal ko sa’yo. It’s been three years I’ve been holding these feelings for you! It broke my heart when that ex of yours became your boyfriend. Kung alam mo lamang ang sakit na naramdaman ko noon. Halos mag-resign na ko ng time na ‘yon pero tiniis ko ang lahat dahil sinabi ko sa sarili ko na hindi dapat ako mawalan ng pag-asa kasi hindi pa naman kayo naikakasal. Titigil lamang ako sa kahibangan ko kapag ikinasal ka na sa lalaking ‘yon.”
            “Chayce…”
            “Xianne…” Hinawakan niya ang mga kamay ng dalaga at masuyong hinalikan ang mga iyon. “Mahal na mahal kita.” Pinagmasdan niya si Xianne ng buong pagmamahal. “Hindi kita minamadali na mahalin din ako but I’m willing to wait until you’re ready.”
            “Makakapaghintay ka kahit matagal na matagal?”
            “Yes, Xianne. Tatlong taon akong nakapaghintay na maipagtapat feelings ko sa’yo. Now, that I have a chance, kahit ilang taon pa uli akong maghintay, maghihintay ako kasi ganoon kita kamahal.”
            “Thanks for understanding, Chayce.” Nginitian siya ng dalaga kaya hindi niya napigilang yakapin uli ito.
            “But in one condition, Xianne. Don’t stop me when I want to kiss you. I’m already used to your kisses. Tiyak na hahanap-hanapin ko lalo na kapag magkasama tayo.” Tiningala siya ni Xianne kaya nagsalubong ang mga mata nila. Ngumiti ito sa kanya at marahang tumango kaya hindi na niya napigilan pa ang sariling halikan ang mga labi ng dalaga. Napaungol siya nang tumugon si Xianne sa mga halik niya. Pagkatapos ng halikan nila ay niyakap niya ito ng mahigpit at sunod-sunod ang pagbuntong-hininga niya kaya hindi napigilan ng dalaga na mapahagikhik. Tinitigan niya ang dalaga habang sapo ng dalawang kamay ang mukha nito.
            “It’s not funny, Xianne. Kung alam mo lang, todo-todo ang pagpipigil ko sa sarili ko. I’m trying to be a gentleman here ‘coz if I’m not, I can ravish you right here, right now.”
            “You’re blushing, Chayce.” Hinaplos ni Xianne ang pisngi niyang namumula. Bago uli niya hinarap ang manibela ay ginawaran uli niya ng halik ang dalaga. Napailing na lamang si Xianne at kinindatan naman niya ito bago nilisan ang lugar na iyon.

XIANNE woke up the next day with a smile on her face and it’s all because of Chayce.  Napaka-sweet talaga ng binata lalo na kagabi habang nag-late dinner sila sa bahay nila. Kulang na lamang ay subuan siya nito. Kinikilig naman sina Yaya Loring at Dea habang pinapanood silang dalawa.
“Hay…” She sighed.
Bago nakauwi ang binata ay nakailang halik ito sa kanya bago pa niya naitaboy pauwi sa bahay nina Rad na pansamantalang titigilan nito. Pinigilan lamang niya ang sarili na bumigay agad sa binata sapagkat natatakot pa siyang pumasok muli sa isang relasyon. Masakit pa rin sa kanya ang nangyari sa kanila ni Jeffrey ngunit unti-unti na iyong nababawasan dahil sa presensya ni Chayce.
“Chayce…” Napayapos na lamang siya sa unan at napapunta na naman siya sa dreamland na ang nasa isip niya ay ang binata.

HINDI alam ni Xianne na nasa kusina nila si Chayce na abalang-abala sa pagluluto ng almusal na babaunin nila. Sosorpresahin niya si Xianne sa pamamagitan ng pagyayaya niya dito na doon sila magbe-breakfast sa park ng village. Kahit puyat na puyat siya noong nagdaang gabi pero pakiramdam niya ay masiglang-masigla ang pagkatao niya. Ganadong-ganado siya sa pagluluto habang tinutulungan siya nina Yaya Loring at Dea. Napansin din niya sa buong kabahayan ang mga bulaklak na ipinapadala niya sa dalaga. Desidido na rin siyang ipagtapat sa dalaga ang tungkol kay Superman. Grabe, excited na siya sa official date nilang dalawa ni Xianne.
            “Iho, sinagot ka na ba ng alaga ko?” Tanong ni Yaya Loring sa kanya. Umiling lamang siya kaya napalatak ang matanda. “Susmaryosep, hanggang ngayon eh hindi pa rin kayo?”
            “Yaya, nasa stage pa lamang kami ng getting-to-know-each-other. Hinay-hinay lamang po at ayaw ko naman pong madaliin si Xianne.”
            “Oo nga naman, Yaya Loring.” Sabat naman ni Dea. “Tama naman si Kuya Chayce. Pansin ko rin naman na hindi pa ready si Ate Xianne sa panibagong relationship. Saksi tayo kung paano niya iniyakan si Kuya Jeffrey.”
            Napatiim-bagang naman siya dahil sa binanggit ni Dea. “Oras na lumapit at saktan pa uli ng lalaking iyon si Xianne, ako na ang makakaharap at makakalaban niya.” Hindi nakapag-react sina Yaya Loring at Dea sa sinabi niya. Nabasag ang katahimikang namayani sa kanila nang biglang sumulpot si Xianne sa kusina.
            “Chayce?” Gulat na sabi nito. “What are you doing here?”
            Nilapitan niya ito at walang-alinlangang hinapit niya ang baywang ng dalaga palapit sa kanya. “Good morning, sweetheart!” Bati niya at ginawaran niya ito ng masuyong halik sa labi na ikinatili nina Yaya Loring at Dea. Napansin niyang pulang-pula ang mukha ng dalaga at hinampas siya nito sa kanyang dibdib.
            “Chayce, ano ba? Nakakahiya kina Yaya.” Sita ng dalaga sa kanya. Tumawa lamang siya at marahang kinabig uli niya ito palapit sa kanya.
            “Iha, bagay na bagay talaga kayo ni Chayce. T’yak magaganda at pagkaguguwapo ang magiging mga anak ninyo!” Kinikilig na sabi ni Yaya Loring.
            “Yaya! Mag-behave nga kayo. Nakakahiya kay Chayce.”
            “Ate, nagpapakatotoo lamang si Yaya Loring.” Segunda naman ni Dea.
            “Tumigil na nga kayo.” Binalingan naman siya nito. “And what are you doing here? Ba’t ka umalis sa bahay nina Sir Rad?”
            Nginitian niya ito sapagkat naaaliw siya sa pamumula ng dalaga. “We’re going to have a picnic at the park. Kaya nagluto ako ng babaunin natin. This is our first official date, sweetheart.”
            Napatango naman ito. “Do I have the right to say no?”
            Nawala ang pagkakangiti niya sa tinuran ni Xianne kaya napahagalpak ng tawa ang dalaga. “Hay naku, Chayce! Nagbibiro lang ako. Sino ang hindi makaka-resist sa charm ni Capt. Chayce Mijares?”
            Nagliwanag na uli ang mukha niya. “You really amaze me, Xianne.” Pinigilan na lamang niya ang sarili na halikan uli ito. “So, let’s go?” Tinanguan lamang siya ng dalaga. Hinawakan niya ang isang kamay ng dalaga habang bitbit naman niya sa kabilang kamay ang picnic basket na naglalaman ng baon nilang pagkain. Nagpaalam na silang dalawa kina Yaya Loring at Dea na hanggang makaalis sila ay kinikilig pa rin sa kanilang dalawa.

“CHAYCE, kumain ka na. Okay na ako.” Sabi ni Xianne sa binata sapagkat ayaw paawat ito sa pag-aasikaso ng pagkain niya. Nang hindi ito makinig sa kanya ay pinigilan niya ang kamay nito na may hawak na pagkain. Napatingin naman sa kanya ang binata. “Chayce, ako na.” Hindi na niya hinintay itong makasagot at siya naman ang nag-asikaso sa pagkain nito. Habang ipinaghahanda niya ito ng pagkain ay matamang nakatitig ito sa kanya na animo’y pinag-aaralan ang bawat kilos niya.
            “That ex of yours was a fool for letting you go.” Maya-maya’y nasabi nito na ikinalingon niya. “Kung ako siya, I will not let you go.” Kiming nginitian niya ito at ipinagpatuloy na lamang ang ginagawa niya.
            “Ang problema, hindi ikaw siya.” Napabuntong-hininga siya at tumingin uli sa binata. “Chayce, huwag na natin siyang pag-usapan kung ayaw mong masira ang picnic natin.”
            “I’m sorry, sweetheart.” Kinabig siya nito at niyapos siya ng binata.
            “It’s okay, Chayce.” Tiningala niya ito kaya nagkaroon ito ng pagkakataong mahagkan uli siya. To be honest with herself, hinahanap-hanap na rin niya ang mga halik at yakap ng binata. Unti-unti na ring nahuhulog ang loob niya dito. Hindi niya maiwasang maikumpara ito sa dating nobyo.
“Thanks, Chayce for coming into my life…”

Thursday, November 21, 2013

Next Time I Fall - Chapter 5

MALAPIT na silang rumampa sa Calapan Port ngunit hindi pa rin nakakausap ni Chayce si Xianne upang makagpaliwanag dito. Ilang beses na niyang hinanap ang dalaga sa kabarkuhan ngunit sadyang pinagtataguan siya nito. Ilang beses din niyang tinanong si Rad kung nasaan ang dalaga ngunit negatibo ang sagot nito. Pati na rin si Axe ay napagtanungan na rin niya pero ganoon din ang sagot. Nasaan kaya ang dalaga? Malamang na back to zero na naman ang estado ng pagporma niya sa dalaga.
Napapabuntong-hininga na lamang siya sa nangyari. Nilingon niya si Rad na abala sa pagbibigay ng instruction sa mga crew nila sapagkat rarampa na sila. Napalingon siya ng biglang bumukas ang pinto ng pilot house at iniluwa mula doon si Xianne. Blangko ang ekspresyon ng mukha nito ng bumati sa kanya ngunit ngumiti naman ito kay Rad ng makita ang huli. Nag-uusap ang mga ito at may kasama pang tawanan kaya naiirita siya. Napapatiim-bagang na rin siya sapagkat nababalot na ng selos ang buong pagkatao niya. Parang gusto niyang itapon palabas ng pilot house si Rad ng oras na iyon. Maya-maya pa’y narinig niya na nagpaalam na ang dalaga kay Rad. Napalingon siya at nakita niyang lumabas na sa kabilang pintuan ng pilot house si Xianne.
            “Habulin mo na kasi, pare.” Untag ni Rad sa kanya kaya napatingin siya dito. “Chayce, huwag mo na kasing sikilin ang nararamdaman mo kay Xianne. She’s free now, what are you waiting for?” Tuloy-tuloy na sermon nito sa kanya ngunit hindi man lamang siya tinatapunan nito ng tingin. “Mahirap na, baka maunahan ka na naman ng iba.” Pagkasabi niyon ni Rad ay dali-dali siyang lumabas ng pilot house at hinabol si Xianne. Narinig pa niya ang paghihiyawan ng mga tao niya na sinasabihan siya ng good luck.

NAKAUPO pa rin si Xianne sa open area accommodation ng barko. Hinihintay niyang humupa muna ang mga pasahero bago bumaba. She was looking at the ocean in front of her. Nagbibigay kapayapaan sa kanya ang pagmamasid sa malawak na karagatan. Ngunit hindi pa rin niya maalis sa isipan niya si Chayce. Alam niyang kanina pa siya hinahanap nito ngunit kinutsaba niya ang mga crew para hindi siya ituro kung nasaan siya. Sumunod naman ang mga ito sa kanya. Alam na marahil ng mga ito kung ano ang nararamdaman niya.
Nang umuwi siya sa Australia nitong nakaraang linggo ay nakapag-isip-isip siya. Hindi na niya ma-contact si Jeffrey at hindi na rin siya umaasang magpapakita pa ito sa kanya ngunit nagpadala siya ng sulat sa lalaki thru courier at email na nagsasaad na nakikipaghiwalay na siya dito. Kalakip din ang mga litratong natanggap niya ngunit nag-iwan siya ng sariling kopya para kung sakali na itanggi iyon ng binata ay may maipapakita siyang ebidensya. Habang nasa Australia siya ay si Chayce lamang ang laman ng isip niya. Nagi-guilty siya sapagkat hindi man lamang siya nakapagpaalam at nakapagpasalamat dito. Balak niyang bumawi at sorpresahin sa pagbabalik niya ngunit siya ang nasorpresa. Nasaktan siya sa nakita sapagkat nagsisimula na niyang magustuhan si Chayce. She thought that they were starting to play sweet music together but she’s wrong. Nawala lamang siya ng ilang linggo ay marami ng nabago sa pagbabalik niya. Napapabuntong-hininga siya sabay usal sa sarili na:
“Hay… si Superman na lang kaya?”
Hindi niya napigilang mapatawa ng maisip ang taong nagpapadala sa kanya ng mga bulaklak. Nagmumukha na ngang flower shop ang cubicle niya. Naipahakot na rin niya yung iba sa driver nila para madala sa bahay.
“Superman, whoever you are…come out, come out.”
Napailing siya at nagpasya ng umalis na ngunit pagharap niya ay muntikan na siyang mabangga sa kung sino. Hindi na niya naituloy ang balak na pagtataray ng mamukhaan niya kung sino ang nakaharang sa dadaanan niya. It was none other than Chayce, who is intently looking down on her.
            “Excuse me, Capt.” Sabi niya at nagtangka siyang humakbang palayo dito ngunit hinarangan siya nito. “What do you want now, Capt.?”
            Napataas ang gilid ng labi nito. “You just called me Capt. a while ago, huh?”
            “Yun naman ang dapat kong itawag sa’yo, di ba? After all you’re the Master of this vessel.”
            “Xianne, let’s drop the Capt. thing. Napag-usapan na natin, di ba?”
            “Sabi mo, tatawagin lamang kita sa pangalan mo kapag wala tayo sa trabaho. Nasaan tayo ngayon, nasa work pareho.” Tinaasan niya ito ng kilay. Nagulat siya sapagkat tumawa ito.
“Anong nakakatawa sa sinabi ko? Nababaliw na yata ang lalaking ito.” Tumatawa pa rin ito ng tumingin uli ito sa kanya. “Capt.?”
            Napabuntong-hininga ito at umiiling-iling pa. “Ikaw lang ang babaeng nakakapagpatawa sa akin ng ganito, Xianne.” Pagkasabi nito ay dahan-dahan itong lumapit sa kanya at itinuon ng lalaki ang dalawang braso sa magkabilang tabi niya kaya ang nangyari ay nakakulong siya sa pagitan nito at railings ng barko. Nagsisimula ng maging uneasy ang tibok ng puso niya sapagkat magkalapit na magkalapit ang mukha nila ni Chayce. Ramdam na ramdam niya ang mabangong hininga ng binata kaya lalong nagrigodon ang puso niya.
            “Chayce…” Napapikit siya at nang magmulat siya ng mata ay napansin niyang hawak-hawak na ni Chayce ang isa niyang kamay at inaalalayan na siya nito paalis ng lugar. Nagtataka siya kung saan siya nito dadalhin. “Where are we going, Capt.?” Pilit niyang inaalis ang kamay niya mula sa pagkakahawak dito ngunit ayaw talaga siyang bitawan. “Let me go, Chayce!” Tumigil sila sa paglalakad at nilingon siya nito.
            “Now, you call me Chayce and that’s better!” Ipinagpatuloy na nito ang paglalakad ngunit hindi pa rin siya nito binibitawan. Nakarating sila sa sariling kabina nito at doon na siya kinabahan lalo na ng i-lock na nito ang pintuan. She called the attention of Chayce nang nasa loob na sila.
            “Chayce!” Hinarap siya nito.
            “What now, Xianne?” Tila naiinip nitong tanong sa kanya.
            “Wh-what are we doing here?”
            Nakakalokong ngumiti ito sa kanya ngunit hindi ito sumagot. Naiinis na siya sa binata dahil oras na gumawa ito ng kalokohan ay tatawag na siya ng tulong. Nagulat na lamang siya ng biglang isinandal siya nito sa dingding at nakakulong na uli siya sa pagitan ng mga bisig nito. Matamang tinitigan siya nito ngunit naandoon pa rin ang nakakalokong ngiti ni Chayce.
            “Chayce…please. Ano bang gusto mo?”
            “Matagal ko ng gustong gawin ito pero lagi akong nauunahan ng hiya.”
            Naguguluhan siya sa sinasabi nito. “What do you really want, Chayce?” Hinaplos ng binata ang kanang pisngi niya.
            “Xianne, you didn’t know what I feel inside my heart. It’s been years holding back my feelings. Hindi ko na kaya pang itago ang nararamdaman ko.” Pagkasabi nito ay sumubsob ito sa balikat niya. Pakiramdam niya ay sasabog na ang puso niya sa sobrang kaba. Nahuhulaan na niya ang gustong iparating ng binata sa kanya.
            “Chayce…” Tumingin uli ito sa kanya at naaninag niya sa mga mata ng binata ang pagmamahal na nararamdaman nito sa kanya. Napalunok siya sapagkat unti-unti nang bumababa ang mukha nito patungo sa mukha niya. She closed her eyes when his lips finally descended on her for a mind-blowing kiss.

Tuesday, November 19, 2013

Next Time I Fall - Chapter 4

XIANNE woke up in the middle of the night. Masama pa rin pakiramdam niya. Nang tingnan niya ang bedside clock niya ay alas-dos pa lamang ng madaling-araw pero napakasama pa rin ng panahon. Nagpasya siyang bumangon at napansin niya na nasa sarili na siyang kuwarto. Sumandal muna siya sa headboard niya at inabot ang switch ng lampshade na nakapatong sa bed table niya. Nang kumalat ang liwanag sa kanyang silid ay nagulat na lamang siya sapagkat nakita niya si Chayce na nakaupong natutulog sa lazy boy niya. Nilapitan niya ito at pinagmasdan niyang mabuti. Habang pinagmamasdan niya ang natutulog na binata ay hindi maiwasang sumikdo ang puso niya.
            “Nagsisimula na yata akong main-love sa lalaking ito!”
            Napahawak siya sa kanyang dibdib at naramdaman niyang napakalakas ng tibok ng puso niya. Hindi niya maiwasang ikumpara ang kanyang nobyo sa binata. Daig pa nito si Jeffrey sa ipinakitang pag-aalala sa kanyang. Ni minsan nga ay hindi siya nabantayan ni Jeffrey kapag nagkakasakit siya. Ang dami nitong dahilan kapag pinakikiusapan niya ito. Nalungkot siya sa isiping iyon sapagkat nanumbalik lahat ng mga hinanakit niya sa nobyo. Napatingin siya uli kay Chayce at hindi niya napigilang mapaluha.
            “Sana ikaw na lang si Jeffrey…” 
            Pinagmamasdan pa niya ito ng biglang nagmulat ito ng mata. Ngumiti ito sa kanya ngunit nawala agad ang mga iyon nang mapuna nito na umiiyak siya. Dali-dali naman niyang pinahid ang mga luhang namalisbis sa mukha niya at ngumiti siya dito.
            “Sorry kung nagising kita, Chayce.” Tumungo siya upang hindi nito makita ang pamumula ng mga mata niya. Tumayo ito sa harapan niya at iniangat ang mukha niya paharap dito.
            “He has no right to hurt you, Xianne. No one does.” Nakatiim-bagang ito. He gently brushed off with his thumbnail the tears on her cheeks. Dahil sa ipinakitang gesture nito sa kanya ay tuluyan na siyang napahagulhol. Kinabig agad siya ni Chayce palapit dito. Chayce wrapped her gently in his arms. Yumakap na rin siya sa binata habang nakasubsob siya sa malapad na dibdib nito at patuloy na tumatangis.

CHAYCE felt her pain. Naninibugho siya sa nobyo ng dalaga. Huwag lamang itong magpakita sa kanya ay makakapanghiram ito ng mukha sa aso. Hindi man sabihin sa kanya ng dalaga ang dahilan ng paghihirap nito ay dama na niya kung sino ang may kagagawan niyon. Hinigpitan pa niya lalo ang pagkakayakap sa dalaga hanggan pangkuin na niya ito patungo sa lazy boy. Naupo siya doon kaya ang nangyari ay nakakalong sa kanya ang dalaga na magpahanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pag-iyak sa dibdib niya. Hinayaan na lamang niya ito upang mabawasan ang bigat na dindala nito sa dibdib.

HINDI naiwasan ni Yaya Loring na mapangiti ng umagang ‘yon nang magpasya siyang silipin ang alaga sa silid nito. Pinagmamasdan niya sina Chayce at Xianne na nasa lazy boy. Nakatulugan na ng mga ito ang ganoong posisyon. Kalong-kalong at yakap-yakap ng binata ang kanyang alaga habang nakahilig sa dibdib naman nito ang huli. Agad naman niyang tinawag si Dea at kinilig din ang dalaga sa nakitang eksena. Inutusan din niya ito na kuhanan ng larawan ang dalawa sa pamamagitan ng cellphone nito. Kahit sa larawan ay bagay na bagay ang dalawa. Una pa lamang niyang kita kay Chayce ay naramdaman agad niya na ito ang nakikita niyang lalaki para kay Xianne. Hindi tulad ni Jeffrey na parang basahan lang ang turing sa dalaga. Pinakikisamahan lamang niya ang lalaki sapagkat mahal ito ni Xianne. Inutusan na niya si Dea na maghanda na ng almusal sapagkat anumang oras ay gigising na ang dalawa. Tumalima naman agad ito at mukhang kinikilig pa. Kukumutan na sana niya ang dalawa ng biglang magising si Chayce. Medyo nagulat pa ito ng makita siya at agad namula ang mukha nito na animo’y nakagawa ng isang malaking kasalanan. Dahan-dahan naman itong kumilos upang hindi magising si Xianne.
            “Ilipat mo na siya sa kama, iho.” Pabulong na sabi niya kay Chayce.
            “Oo nga po.” Sagot naman nito na pabulong din. “Baka po nangangalay na siya.” Tumabi naman si Yaya Loring upang bigyang daan si Chayce na nakatayo na at pangko-pangko ang dalaga na himbing na himbing sa pagkakatulog. Pinagmamasdan naman niya ang binata habang dahan-dahan nitong inihihiga sa kama si Xianne. Agad nitong nilagyan ng unan ang dalawang tabihan ng dalaga at kinumutan din nito. Bago ito humarap sa kanya ay nag-iwan din ito ng halik sa noo ni Xianne.
            “Yaya, aalis na ako. Kailangan ko ng bumalik sa vessel namin.” Paalam nito nang makalabas na sila sa silid ng dalaga at patungo na sila sa komedor.
            “Mag-almusal ka na muna.”
            “Hindi na, yaya. Sa susunod na lang. Baka ho nagkakagulo na ang mga tao ko doon.”
            “Ipagbabalot na lamang kita ng almusal. Padadalhan ko rin sina Rad at Axe.”
            “Huwag na, yaya. Nakakahiya na sa inyo.”
            “Walang kaso ‘yon, iho. Para ko na kayong mga anak.”
            “Kayo po ang bahala. And salamat ho.” Dali-daling ipinagbalot niya ng almusal ito. Wala rin itong nagawa ng ipahatid niya ito sa driver nila sa patutunguhan nito sapagkat masama pa rin ang panahon. Ngunit bago umalis ang binata ay marami itong ipinagbilin tungkol kay Xianne at nangako rin itong babalik.

BAGO magtanghali ay unti-unti nang gumaganda ang panahon. Ayon sa operations ay pag tuluyan ng gumanda ang panahon bago mag-hapon ay sila ang babyahe patungong Calapan kaya sila ay naghahanda na. Nag-iikot siya sa vessel upang malaman niya kung may napinsala dito ngunit nasa isipan pa rin niya ang dalaga. Piping hiling niya na sana ay mabuti na ang kalagayan nito. Natitiyak din niyang oras na magising ito ay hahanapin siya. Pag maaga silang nakabalik galing Calapan ay babalik siya sa bahay ng mga ito. Ilang oras pa lamang siyang nawawalay kay Xianne ay namimiss na agad niya ito.
            Unti-unti ng umuusbong ang pag-asa sa kanyang dibdib sapagkat nararamdaman niya na may pagtingin din sa kanya ang dalaga. Hindi niya maiwasang mapangiti sa isiping iyon. Ang dami na niyang naiisip na plano para sa kanila ni Xianne. Sa babaeng ito lamang siya nakaramdam na gusto na niyang lumagay sa tahimik.
            Hindi niya kinakaila na isa siyang merciless playboy when he was in college lalo na ng maging mataas na opisyal siya sa isa sa pinakamayamang international shipping lines sa buong mundo. Women come and go after him. Iba-iba pang lahi kung tutuusin. He experienced wild sex with them pero maingat naman siya. Hindi niya hinahayaang makabuntis siya sa mga naging lovers niya. Lagi siyang may dalang condom tuwing sesession niya.
            Everything changes when he saw Xianne in his brother-in-law’s office three years ago. Binisita niya si Treize ng araw na ‘yon upang ipaalam dito na nakauwi na siya galing ibang bansa at niyaya niya ito na mag-lunch sa labas. Palabas na sila noon ng makasalubong nila si Xianne sa labas ng opisina ng mga ito. She is the most beautiful woman he had ever seen in his entire life. He can’t get his eyes off her while she was talking to Treize. Simula noon ay hindi na niya tinigilan si Treize tungkol dito. Tinalikuran niya ang kanyang career sa ibang bansa para lamang sa babae. Sinusuwerte din siya ng panahong iyon sapagkat may opening para maging Master ng M/V Empress Aurora na kakabili lang mula sa Japan. And the rest is history. Napangiti na naman siya nang maalala ang babae. Nasa sa ganoon siyang hitsura ng makasalubong niya si Emil, ang Chief Steward nila.
            “Capt., good day po!” Bati nito sa kanya. “Ang ganda ng aura n’yo yata ngayon. Mukhang inspired na inspired.” Patuloy nito na ikinatawa niya.
            “Halata ba, Emil?” Tanong niya. “In love na ang kapitan n’yo!” Napalakas yata ang sabi niya kaya napa-“uy” ang mga crew niya. Hindi niya naiwasang mamula kaya lalo siyang inulan ng tukso ng mga ito.
            “Hala, in-love na nga si Capt.!”
            “Capt., sino ang nakasungkit sa mailap mong puso?”
            “Si Ma’am Keeshia ba?” Tukoy ng mga ito sa sekretarya ng Operations Department ng kumpanya. Natatawa lamang siya sa mga pangungulit ng mga ito. Lalo ng nagkagulo ang mga ito ng sabihin ni Emil kung sino ang itinitibok ng puso niya. “Mga eng-eng pala kayo! Si Ma’am Xianne ang iniirog ni Capt.!”
            “Naku, karibal pala namin kayo kay Ma’am Xianne. Crush po kasi naming lahat siya!” Tinaasan niya ng kilay ang nagsabi tungkol doon. Natahimik naman ito at sabay-sabay na humingi ng paumanhin sa kanya.
            “Guys, walang problema sa akin kung humahanga kayo kay Xianne.” Sabi niya sa mga ito. “Basta, sa akin lang siya!”
            “Yes, Capt.! Kami ang bahala sa inyo. Tutulungan namin kayo sa pagdiskarte kay Ma’am Xianne!”
            “Okay, good!” Pumalakpak naman siya. “Get back to work, guys!” Umalis na siya sa car deck pabalik sa pilot house na patuloy pa rin ang panunukso sa kanya.

Sunday, November 17, 2013

Next Time I Fall - Chapter 3

GUSTO ng mag-walk out ni Xianne sa meeting na ‘yon. Tiningnan din niya ang mga kasamahan niya at mukhang ganoon din ang gustong gawin ng mga ito. Kamiting kasi nila ang mga opisyales ng M/V Empress Belle. Kung sa M/V Empress Aurora ay nagsama-sama ang mga guwapo at mababait na mga opisyales, sa barkong ito naman nagsama-sama ang mga hambog at masasamang ugali. Kalat na kalat na sa buong kumpanya ang mga kalokohang ginagawa ng mga ito lalo na sa mga bagong saltang kadete. Lingid sa kaalaman ng mga ito ay inaayos na ng management kung ano ang mga dapat gawin sa mga ito na naaayon sa batas. Kumukuha pa rin ang mga ito ng sapat na ebidensiya para lalong mapadiin ang mga ito sa mga kabulastugan na ginagawa. Ang ikinaiinis pa niya, halos siksikin na siya ng kapitan kung saan doon pa nito napiling umupo sa tabi niya. Ilang beses na siyang umisod palayo sa lalaki ngunit palapit ng palapit pa rin ito. Mukha namang nakahalata ang department head niya sapagkat biglang kinuha nito ang atensiyon niya.
            “Xianne, pumunta ka nga pala muna sa HR at itanong mo kung meron silang law regarding harassment. Ihingi mo na rin ako ng copy at nang mapag-aralan ko para just in case may nangha-harass sa  inyo ay alam ko na kung ano ang gagawin.”
Pagkasabi pa lamang nito ay agad na lumayo sa kanya ang naturang kapitan ng barko at napatawa naman ang mga kasamhan niya sapagkat obvious na namutla ito. Nakahinga naman agad siya ng maluwag at tumayo na siya upang sundin ang iniutos sa kanya ni Sir Treize.

“THANK God, lunch break na!”
Nag-inat si Xianne mula sa kinauupuan sapagkat ilang oras din siyang nakababad sa kanyang cubicle. Hindi na siya pinabalik pa ni Sir Treize sa meeting. Pabor naman iyon sa kanya sapagkat ayaw niyang makita ang pagmumukha ng manyakis na ‘yon. Pagtayo na pagtayo pa lamang niya ay nakita niya si Miley na binubuliglig ang isang delivery boy. May bitbit itong medyo kalakihang bouquet ng iba’t-ibang klaseng imported flowers.
“Nice flowers. Suwerte naman ng pagbibigyan.” Abala na siya sa pag-aayos ng gamit niya ng tawagin siya ni Miley. Nagtataka siyang tumingin sa kaibigan.
“Yes po?”
            “Oy mare, delivery para sa’yo!” Kinikilig nitong sabi. Sa sobrang lakas ng boses nito ay nakuha agad ang atensyon ng mga tao doon. Sabay-sabay na nagsilabasan ng cubicle ang mga ito upang makiusyoso.
            “Naks naman, Xianne. Ang sweet naman ng boyfriend mo!” Sabi naman ni Teri.
            “Uuuuy!” Sabi naman ng mga kalalakihan doon. Maya-maya pa’y lumapit na sa kanya ang delivery boy at kasunod naman nito sina Miley, Elvie at Teri. Pinirmahan naman agad niya ang delivery receipt at iniutos na lamang niya na ipatong na lamang ang mga bulaklak sa ibabaw ng table niya. Binasa agad niya ang maliit na card na kasama ng mga bulaklak. Napakunot-noo siya ng mabasa ang nilalaman niyon.
            “Kanino galing? Kay Jeffrey ba?” Sabay na tanong ng tatlo. Umiling siya. “Eh kanino?” Ibinigay niya sa tatlo ang card upang mabasa ng mga ito.
            Since the first time I saw you, I already knew that I want to spend the rest of my life with you. I can’t get you out of my mind and in my heart ‘coz you already made a marked on me.
                                                                                                                                 Your Superman
Nagulat na lamang siya ng biglang nagtitili ang tatlo. Napalabas naman ng opisina ang kanilang department head. Nakakunot-noo ito at pinamaywangan sila.
            “What’s the commotion all about?” Tanong ni Sir Treize sa kanila. Nilapitan naman ito ni Teri.
            “Sir, may nagpadala kasi ng flowers kay Xianne.”
            “Natural naman na padalhan siya ng kanyang boyfriend ng mga bulaklak.” Sumabat naman si Elvie kaya bumaling uli sa direksyon ang bossing nila.
            “Hindi galing kay Jeffrey ang mga bulaklak, sir. Galing kay Superman.”
            “Superman?” Nagpasya na siyang makisali sa usapan ng mga ito.
            “Superman ho kasi ang nakalagay sa card, Sir.” Kinuha niya ang mga bulaklak at napansin niyang lahat ay mga paborito niyang kulay at uri ng bulaklak. Napaisip tuloy siya kung kanino galing ang mga iyon. Miminsan lang kasi siyang binigyan ni Jeffrey at hindi pa mga paborito niya. Ibinaba na uli niya ang mga bulaklak at itinago na niya ang card sa drawer ng table niya. Pag-angat niya ng tingin ay matamang nakatingin sa kanya ang apat. “What?”
            Unang nagsalita si Sir Treize. “It seems na may admirer ka pang iba, Xianne. I bet hindi ang kapitan ng Empress Belle ang nagpadala ng mga ‘yan.”
            “Korak si Sir, Xianne. Sino kaya ‘yan at may pa-Supersuperman pang nalalaman.” Sabi naman ni Miley.
            “Suwerte mo naman, Xianne. Ang haba ng hair mo, ha!” Sambit ni Teri. Napailing na  lamang siya at nagyaya na siyang mag-lunch.
            “Tama na nga ‘yan. Kung sino man si Superman, thanks to him ‘coz he brightens my day!” Tipid niyang nginitian ang mga ito. “Mabuti pa, mag-lunch na tayo.”
            “Naku, lunch break na pala!” Sabay nina Miley, Elvie at Teri. Nauna na ang mga ito sa paglabas ng opisina. Sumunod naman sila ni Sir Treize sa dalawa.
            “Sasabay na ako sa inyong mag-lunch.” Sabi naman ni Sir Treize. Binalingan naman siya nito. “Before I forgot, we need to go to Calapan, Xianne.”
            “Bakit po, Sir? Anong problema doon?”
            “Ayaw daw gumana ng auxiliary engine ni Empress Jasmine. Ikaw na lang ang isasama ko kasi wala si Bleu. S’yanga pala, okay lang ba sa’yo?”
            Tumango siya. “Okay lang, Sir.”
            “Sige, 2:00 pm trip tayo.”
            “Okay.”

NASA sa kanyang kabina si Chayce ng mga oras na ‘yon nang marinig niya ang sunod-sunod na pagkatok sa pintuan ng kanyang silid. Mukhang hindi makahintay ang mga ito kaya dali-dali niyang pinagbuksan kung sino man ang gustong gumiba ng pinto niya. Handa na siyang manermon ng bumungad ang mga mukha ng mga kaibigan niya na akala mo’y hinabol ng sampung bakla ang mga hitsura. Agad na nagsipasok ang mga ito sa kabina niya at agarang umupo sa sofa doon.
            “Anong ginagawa n’yo dito? May problema ba?”
            “Chayce pare, walang problema pero may good news kami sa iyo.” Hinihingal na sabi ni Axe. “Grabe, napagod ako sa pagtakbo ah!”
            Binalingan naman niya si Rad. “Tungkol saan ang ibabalita n’yo?”
            “Bago namin sabihin sa’yo, ipangako mo munang magpapa-burger ka. Pramis?
            “Oo na!” Bored niyang sang-ayon sa dalawa. “Ano ‘yon? Siguraduhin n’yong good news talaga. Kung hindi, malilintikan kayo sa akin. Now, spill it out!”
            “Natanggap na ni Miss Xianne ang mga bulaklak na ipinadala mo.” Sabi sa kanya ni Axe. Nagliwanag ang kanyang mukha.
            “Talaga?” Nasambit na lamang niya. “Malaman kaya niya na ako ‘yung nagpadala?” Napansin niyang napakunot-noo ang dalawa.
            “What do you mean by that?” Tanong ni Rad.
            Napakamot sa batok siya at hindi makatingin ng diretso sa dalawa. “Hindi ko kasi inilagay ang pangalan ko sa card. Inilagay ko lang eh your Superman.”
            Napahagalpak ng tawa ang dalawa. “Your Superman?! Hopeless case ka na nga, Chayce!”
            “It’s not yet time to reveal who am I. Baka lumayo agad sa akin si Xianne.”
            “Sabagay, may point ka rin.” Sang-ayon naman ng dalawa sa kanya.
            “Ano pa good news n’yo?”
            “Wala na. Mamaya na lang uli. Para surprise.” Sabi ni Axe.
            “Spill it out now, Axe. Or you will be dead.” Banta niya.
            “Sorry, pare. Para kabahan ka naman kahit konting oras lang.”
            “Babalik na kami sa baba. Nagsisimula na kasing mag-loading para sa byaheng Calapan.” Paalam naman ni Rad sa kaniya. Bago lumabas ng kanyang kabina ang dalawa ay hinabol pa niya ang mga ito.
            “Siguraduhin n’yo lang na good news ‘yung mamaya.”
            Nakakalokong ngumiti sa kanya ang dalawa. “Opo.”

HALOS isang oras ng bumabyahe ang M/V Empress Aurora ng magpasya si Chayce na mag-ikot sa vessel upang tingnan ang kalagayan ng mga pasahero. Nakita rin niya ang bayaw niya na si Treize na may kausap sa cellphone nito. Papunta daw itong Calapan sapagkat nagka-problema ang Empress Jasmine. Alam din nito ang lihim niyang pagtangi kay Xianne ngunit nangako naman ito sa kanya na ititikom ang bibig pagdating sa bagay na ‘yon. Patuloy pa rin siya sa paglilibot ng may mataan siyang pamilyar na pigura na naglalakad patungo sa open area accommodation.
“Kumusta na kaya siya?” Ipinilig niya ang kanyang ulo dahil baka nagkakamali lamang siya na si Xianne ang nakita niya. Ipinagpatuloy na lamang niya ang ginagawang paglilibot upang mawaglit sa isipan niya ang mga bagay na bumabagabag sa kanya.

Friday, November 15, 2013

Next Time I Fall - Chapter 2

BAD mood pa rin si Chayce hanggang sa makabalik na siya sa barko. Dalawampung minuto na lamang at babyahe na sila patungong Calapan. Inaayos lamang ng mga crew niya ang mga trucking na sasakay sa kanila. Nasa car deck siya ng mga oras na ‘yon at pinagmamasdan ang mga nangyayari sa paligid ngunit hindi pa rin naaalis sa isip ang nakita niya kanina sa parking area.
“Nakakasama talaga ng loob!” Napapabuntong-hininga na lamang siya para mabawasan ang pamimigat ng dibdib niya. Hindi niya namalayan na nakalapit na sa kanya si Rad. Nagulat pa siya ng tapikin siya nito.
            “Pare, ang lalim ‘ata ng iniisip mo?”
            “Don’t mind me, Rad. Bumalik ka na sa puwesto mo.”
            “S’yanga pala, nakapunta ka na ba sa opisina? Nai-submit mo ba ‘yung mga report natin?” Umiling lamang siya at bumuntong-hininga uli. “Bakit? Wala pa bang tao doon?”
            “Meron na. May nakita kasi akong nakaka-bad trip.”
            “Di ba, excited ka pa kanina na pumunta sa opisina? Ang tagal-tagal mo ngang maligo at magbihis. Para kang lumalakad na air freshener dahil sa pabango mo. Mukhang ‘yun ang ipinanligo mo eh. Ano bang nakita mo?”      
            “Basta.” Itinaboy na uli niya ito dahil wala siyang balak na ipalam dito ang nakita niya. Natitiyak niyang walang katapusang pangangantiyaw na naman ang matatamo niya kina Rad at Axe. “Bumalik ka na sa puwesto mo.”
            “Pare, kung anuman ang ikinasama ng araw mo eh may kapalit ‘yang maganda. Tandaan mo ‘yan.” Sabi pa nito bago bumalik sa puwesto nito. Nilingon pa nito ang isang magandang pasahero at nagpa-cute pa. Napailing na lamang siya sa ginawi ng kaibigan. Umiral na naman kasi ang pagiging pabling nito. Tumingin siya sa kanyang relo at nagpasya na siyang umakyat papuntang pilot house.

ARAW ng Linggo noon. Day off ni Xianne kaya nagpasya siya ng umagang iyon na maagang gumising. Naabutan niyang nagluluto ng almusal ang Yaya Loring niya katulong ang isa pa nilang maid na si Dea. Ito na lamang ang kasama niya sa bahay nila sapagkat ang mga magulang niya at ang dalawang nakatatandang kapatid ay pawang nasa Australia na lahat. Naandoon din ang mga asa-asawa nito pati mga pamangkin niya. Siya lang ang naiwan sa bahay nila na nakatayo sa isang exclusive village sa Batangas. Noong una ay ayaw pumayag ng mga ito na maiwan siya na kasama lang ay isang yaya, katulong at driver. Ngunit sa bandang huli ay napapayag na rin niya ang mga ito. Nangako naman siya sa mga ito na oras na siya na ang magsawa sa kanyang trabaho ay hindi siya magdadalawang isip na sumunod sa mga ito. Ayaw rin naman niyang iwan agad si Jeffrey ng mga panahong iyon. Nangako rin ang kasintahan sa kanya na kapag nakaipon na itong sapat na pera ay sasama ito sa kanya sa Australia. Ayaw din daw kasi nitong maging pabigat sa pamilya niya pagdating doon. Kaya heto siya, hawak-hawak pa rin ang pangako sa kanya ni Jeffrey. Nilapitan niya ang Yaya Loring niya at yumapos siya sa matabang katawan ng matanda.
            “Yaya, good morning!” Nilingon naman siya ng matanda at ngumiti sa kanya.       
            “Maupo ka na para makapag-almusal ka na.”
            “Yaya, mamaya na lang. Ipapasyal ko muna si Maximus sa buong village.” Ang tinutukoy niya ay ang alaga niyang asong Golden Retriever.
            “Uminom ka na muna ng gatas para mainitan ang tiyan mo.” Iniwan nito ang niluluto kay Dea upang iabot sa kanya ang naka-ready ng timplang gatas. Agad naman niyang iniabot iyon at dali-daling inubos ang laman. Sumipol siya at tinawag naman agad ang alaga niyang aso. “Max!” Agad namang lumabas ito mula kung saan at umikot-ikot sa sa harap niya. Nilambing naman niya ito at iginiya na palabas ng bahay. Palabas na sila ng gate ni Maximus ng humabol sa kanila si Yaya Loring.
            “Iha, mag-iingat kayo. Bumalik din kayo kaagad.”
            Kumaway siya kay Yaya Loring. “Yes, Yaya.” At unti-unti na niyang kinondisyon ang katawan niya sa nakasanayang pagdya-jogging tuwing umaga.

CHAYCE woke up early. Doon sila natulog ni Axe sa bahay nina Rad sa isang exclusive village na ‘yon. Humingi silang tatlo ng day off ng Linggong iyon. Nagpapasalamat sila sa may-ari sapagkat pinayagan silang tatlo na sabay-sabay na mag-off ng araw na iyon. Sinigurado lamang sa kanila na babalik sila bago maghapon at iiwan nila ang barko nila sa pinagkakatiwalaan nilang tauhan. Nangako naman sila na susundin ang mga bilin nito. Bumangon na siya mula sa kama at nagtungo siya sa banyong kanugnog ng kuwartong inilaan sa kanila ni Axe. Pagkatapos niyang mag-banyo ay nagbihis na siya ng itim na shorts at puting cut-off hooded shirt. Isinuot din niya ang kanyang baong medyas at Nike running shoes. Balak kasi niyang mag-jogging sa paligid ng village nina Rad. Pagkatapos niyang humugot ng towel mula sa duffel bag niya ay nilingon muna niya si Axe na himbing na himbing pa sa pagtulog bago niya nilisan ang kuwarto.

NAKA-LOTUS sit si Xianne sa isang bench malapit sa basketball court ng village nila. Isa iyon sa mga paborito niyang tambayan sapagkat nasa sa pagitan iyon ng dalawang puno ng acacia. Napakalilim at napakahangin doon kahit sa tanghaling tapat. Nagpasya na siyang magpahinga sandali bago bumalik sa kanilang bahay. Halos treinta minutos din siyang nag-jogging. Alas-syete pa lang ng umaga subalit napakarami ng mga taga-village ang nagkalat doon. May mga batang naglalaro na sa park kasama ang kani-kanilang mga yaya. May mga naglalaro ring mga kabataan at mga nagbabata-bataan ng basketball sa bandang likuran niya. At ang natitira pang iba ay katulad din niyang nakatambay din lamang at nagmamasid sa paligid. Binalingan naman niya si Maximus na nakadapa sa tabi niya na mukhang napagod din sa pagtakbo.
Tatayo na lamang siya mula sa kinauupuan nang marinig niya ang sabay-sabay na pagsinghap ng mga kadalagahang malapit sa kimauupuan niya. Nilingon niya ang mga ito at napansin niyang may tinatanaw ang mga ito sa ‘di kalayuan. Tumingin din siya sa paligid na animo’y biglang nag-freeze ang lahat ng tao lalo na ang mga babae doon at nakatingin din sa direksyong tinitingnan kanina ng mga katabi niya. Na-curious siya kung sino o anong nilalang ang naging dahilan ng pagtigil ng mundo ng mga kapitbahay niya at pati na rin si Maximus ay mukhang nahawa na rin. Nakita niyang napahinto sa pagtakbo ang lalaki. Napansin siguro nito na nagmukhang ewan ang mga tao roon. Nang tingnan niya ng mabuti ang lalaki ay napagtanto agad niya kung sino ito.
“Captain Chayce Mijares? Ano ang ginagawa nito sa abang village nila? ” Pumalakpak siya upang kuhanin ang atensyon ng lahat. Mukhang nagulat pa ang mga ito at awtomatikong bumalik sa mga dating ginagawa. Ngunit ang mga kababaihan doon ay tila natutulala pa rin sa kapitan.

NAGSIMULA na naman siyang mailang sa oras na iyon. Pinagtitinginan kasi siya ng mga tao na pawang residente ng village na ‘yon. Natitiyak niyang bago siya sa paningin ng mga ito. Inignora na lamang niya ang mga ito at sinimulan na uli ang naudlot niyang pagtakbo. Nakasunod pa rin sa kanya ang tingin ng lahat. Liliko na sana siya pabalik sa daan patungo sa bahay nina Rad ng biglang naramdaman niya ang kakaibang pintig ng puso niya. Kinakabahan siyang ‘di mawari. Ganoon ang nangyayari sa kanya kapag nasa sa paligid lamang ang babaeng mahal niya. Dahan-dahan siyang lumingon at nakita niya ang nag-iisang babaeng nagpatibok ng pihikan niyang puso. Nakatayo ito at nakatingin din sa direksyon niya.
“My sweet Xianne…” Usal niya. Nabahala agad siya ng makitang paalis na ang dalaga sa kinatatayuan nito. Hindi na siya nagdalawang-isip at hinabol niya ang dalagang itinatangi.
“Xianne!”

Thursday, November 14, 2013

Till We Meet Again (Part II) - Chapter 5

“PANAHON na para umibig kang muli, Skye.”
            Mahinahon ngunit mariing sabi ni Jonah sa kanya habang nag-aagahan sila sa employee’s mess hall. Napapailing na lamang siya at walang ganang nilalaro ang pagkaing nasa harapan niya. Naikwento niya sa kaibigan ang naging pagtatagpo nila ni Kevin ilang gabi na ang nakakaraan. Nahihirapan na kasi siya sa sitwasyon lalo na’t nagkikita sila ng lalaki doon. Walang tigil din ang ginagawang panliligaw nito sa kanya. Araw-araw din siyang nakakatanggap ng mga bulaklak at chocolates mula dito. Ang lalaki rin ang nagpapadala ng breakfast, lunch at dinner niya pati merienda. Hiyang-hiya na siya sa mga ginagawa nito lalong-lalo na sa management at mga kasamahan niya. Tila teleserye ang nangyayari sa kanilang dalawa ng lalaki sapagkat nakaantabay lagi ang mga tao roon kung ano ang sunod na mangyayari sa istorya nilang dalawa. Napag-alaman din niya na sa loob ng pitong taon ay palaging nadalaw doon si Kevin. Na-conclude agad ni Jonah na siya ang hinihintay nito. Nakaramdam siya ng kilig sa nalaman ngunit agad din niyang pinawi ang masayang nararamdaman dahil nakatali pa rin siya sa alaala ng namatay na kasintahan. Iniisip rin niyang baka may pamilya na rin si Kevin at mali ang ginagawa nito. Pilit niyang tinatak sa isipan niya na hindi sila pwedeng maging sila kahit isinisigaw ng isang bahagi ng puso niya na ito na ang tamang panahon para sa kanilang dalawa.
            Napailing na muli siya at huminga ng malalim. “Jonah…”
            Itinaas nito ang isang kamay at iniwasiwas sa harapan niya na ikinatikom naman agad ng bibig niya.
“Skye, makinig ka. It’s been seven years mula ng mawala si Rhuelle sa’yo. Alam kong masakit mawalan ng kasintahan lalo na’t ikakasal na dapat kayo pero may dahilan siguro ang Diyos kung bakit nangyayari ang  mga iyon.”
Akmang magsasalita siya ngunit inunahan siya ng kaibigan.
“At ito lang ang masasabi ko bilang kaibigan mo.” Patuloy nito. “Panahon na para buksan mo uli ang puso mo sa panibagong pag-ibig. At natitiyak kong iyon din ang gustong mangyari ni Rhuelle kung nasaan man siya. Move on, girl!”
Hindi niya napigilang mapangiti sa sinabi ni Jonah. “Kupido, ikaw ba ‘yan?”
Inirapan naman siya nito. “Seryoso ako, Skye.”
Nagkibit-balikat na lang siya. “Maiwan na muna kita. Need ko ng pumunta sa coffee shop. Doon daw muna ako sabi ni Boss. Doon din kasi dinisplay ang mga pastries and goodies na binake ko.”
“Aaayyyiiieee!” Biglang tili nito. “Doon lagi nagtatatambay si Kevin mo!”
Napatawa naman siya sa ginawi nito at tumayo na. “Kumain ka na nga lang d’yan. Maiwan na kita at kailangan na ako doon.”
“Just remember what I’ve said, girl… move on!”
“Whatever!” Sabi na lamang niya bago lumabas sa pintuan ng mess hall.

“SKYE…”
            Napaangat ang tingin niya mula sa binabasa niyang recipe book patungo sa mukha ng lalaking nasa harapan niya. Namesmerize na naman siya sa kagwapuhan ni Kevin na tila nadadagdagan lalo sa mga araw na nagdadaan.
            “Yes, sir.” Sagot agad niya ng mahimasmasan. “What can I do for you?”
            “Stop calling me sir!” Mahina ngunit mariin nitong sabi sa kanya. Hindi niya maiwasang mapatawa sa hitsura nito na naiinis. She found it cute! “Anong nakakatawa sa sinabi ko?”
            Napakagat-labi siya bago tumikhim at sagutin ito. “Natatawa ako sa hitsura mo. Did you wake up at the wrong side of the bed?”
            “Tsk!” Napapailing na sabi nito. Nakakunot din ang noo ng lalaki. Dumukwang siya mula sa counter na nakapagitan sa kanila at hinaplos ang noo nito na ikinagulat ng huli. “What are you doing?”
            “There!” Sambit niya ng lumambot ang ekspresyon nito. “Lalo kang gumugwapo kapag hindi nakakunot ang noo mo. Ba’t ba napaka-grumpy mo? Ngumiti ka nga!”
            “Skye…”
            “Hmmm?”
            “I miss you…”
            Bahagya siyang natigilan sa sinabi nito ngunit agad ding nginitian si Kevin. “OA mo naman! Eh araw-araw naman tayong nagkikita dito sa resort ah!” Sabi na lamang niya para mabawasan ang kabang kanyang nararamdaman sapagkat nagririgodon na naman ang puso niya.
            “I miss spending time with you. I want to be with you.”
            Napataas naman ang kilay niya sa idineklara nito. “Hmmm…”
            “Wala ka na bang ibang alam sabihin kundi hmmm?”
            Napabuntong-hininga siya at matamang tumingin dito. “Ok, let’s have dinner tonight.” Halatang nagulat naman ito sa sinabi niya pati siya ay nagulat din at hindi makapaniwalang nasabi niya iyon sa lalaki. Patay kang bata ka, Skye! Ano bang pumasok sa isip mo at niyaya mong mag-dinner ‘yung tao!
            “Are you sure?”
            “Oo naman!”
            Lumawak ang pagkakangiti nito. Nagulat na lamang siya nang biglang dumukwang ito palapit sa kanya at ginawaran siya ng halik sa pisngi. “Thanks!”
            “Kevin!”
            He just grinned at her. “I’ll see you tonight. Aalis na muna ako.”
            “Oo na!” Nakukulitan ng sagot niya sa lalaki. “Tsupi na!”
            “You don’t even know how you made me happy, sweetheart!”
            She just rolled her eyes. “Yeah, right!”
            “I love you! Bye!” Huling sambit nito bago ito umalis na ikinatahimik naman niya. Pakiramdam niya ay pinamulahan siya mula ulo hanggang paa dahil halos ipagsigawan iyon ng lalaki sa loob ng coffee shop kung saan may mga customers na sila ng mga oras na iyon. Halos silang dalawa ang pinapanood ng mga naandoon at mga mukhang kinikilig pa ang tao sa nangyari kanina.
            Alanganing nginitian niya ang mga customers bago pasimpleng umibis patungo sa kitchen ng coffee shop.

Wednesday, November 13, 2013

Next Time I Fall - Chapter 1

“MAGANDANG umaga po, Ma’am Xianne!”
Bati sa kanya ng Guard-On-Duty sa barkong binibisita niya ng araw na ‘yon. Binati at nginitian din niya ang guwardiya. Limang taon na siyang nagtatrabaho bilang isa sa mga technical staff ng Monte Cristo Shippping Lines. Isinunod ito sa pangalan ng paboritong pelikula ng may-ari at big boss nila at ang mga pangalan naman ng mga barko ay isinunod sa pangalan ng mga Disney princess. Sa kumpanyang ito lamang siya nag-enjoy ng husto kaya umabot siya ng ilang taon sa pagtatrabaho dito. Wala naman siyang mairereklamo sa pamamalakad at pasuweldo sa kanila sapagkat fair naman ang mga may-ari sa mga benefits ng mga empleyado.  Kahit halos wala na silang holiday, ay okay lang sa kanila sapagkat double pay naman. Ngunit ang pinaka-importante sa lahat ay nage-enjoy siya sa pagiging technical staff niya. Kaya, heto s’ya ngayon, isa na siya sa maituturing na senior technical staff. Namalayan na lamang niya na nakaakyat na siya sa second deck ng M/V Empress Aurora. Agad siyang sinalubong ng mga crew nito at inasikaso agad siya. Ganoon kahigpit ang management sa mga crew pagdating sa kagandahang-asal.
            “Good morning, Ma’am Xianne!” Magiliw na bati sa kanya ng Chief Steward. “Ano po ang maipaglilingkod namin sa inyo?”
            “Good morning, Emil.” Ganting bati naman niya. “I just came here to check and hear your concerns. Alam mo na, follow-ups of job orders, requests etc.” Luminga-linga at lumibot-libot  siya sa paligid upang tingnan kung may makikita siyang sirang upholstery at iba pa habang kasunod pa rin niya ang chief steward na si Emil. “May follow-up ka pa ba? ‘Yung mga ini-request mo eh napadala na daw lahat dito sabi ng warehouseman natin. Kung may kulang pa, sabihin mo lang sa akin para ako na lang ang mag-follow up sa kanila.” Sunod-sunod niyang sabi habang nag-susulat siya sa kanyang record book na palagi niyang bitbit sa tuwing magpi-field siya.
            “Eh ma’am, kompleto na naman po. Next week po, baka po mag-request na uli kami ng consumables kasi end of the month na po.”
            “Okay. Basta, siguraduhin n’yo lang na hindi kayo masyadong aksayado sa paggamit ng mga consumables. Kelangan pa rin nating magtipid. Also, don’t forget to submit your monthly inventory.”
            “No problem, ma’am!” Saludo pa nito sa kanya na ikinatawa niya.

CHAYCE was busy watching the monitor in front of him. Naandoon siya sa pilot house ng M/V Empress Aurora at abalang-abala sa panonood sa bawat kilos ng babaeng itinatangi niya sa ilang taong pagtatrabaho niya bilang kapitan ng barko. Napaka-suwerte din niya sapagkat ito ang tumatayong coordinator sa barko nila. Hindi man siya ang palagi nitong kinakausap, kontento na siya sa pagbabatian nila at pagtanaw-tanaw niya dito. Pero minsan, hindi niya maiwasang magselos sa mga co-officers niya lalo na kapag nagpapakita ang mga ito ng interes sa dalaga. Takaw-pansin kasi ang kagandahan ni Xianne. At nang magsabog ang Diyos ng lahat ng kagandahan ay ito lamang yata ang nakasalo ng lahat ng iyon. Kahit saan mang anggulo ay napakaganda nito. Napakaamo ng mukha nito ngunit nakikita sa mga mata nito ang maawtoridad na personalidad, aristokratang ilong at maninipis na labi na animo’y laging nag-aanyaya ng halik. Bumagay din rito ang lagpas-balikat na buhok na pwedeng maging modelo ng isang shampoo.
“My sweet Xianne…” Usal na lamang siya. Maya-maya ay pumasok ang Chief Mate na naging matalik na niyang kaibigan. Napailing na lamang ito nang makita nito kung sino ang pinapanuod niya mula sa monitor. Hindi na lihim dito ang matagal na niyang pagtangi sa dalaga.
            “Hopeless case ka na, pare.” Biro ni Rad sa kanya. “Ayaw mo pa kasing ligawan.”
            “Sira-ulo ka pala. Kita mo ng may boyfriend pa ‘yung tao.”
            “Sus, hindi pa naman sila kasal. P’wede mo pang agawin.”
            “Tigilan mo nga ako, Rad.”
            “Bahala ka. Ikaw rin, baka maunahan ka ng taga-kabilang barko. Balita ko eh nagpapakita na ng motibo ‘yung hambog na ‘yon kay Miss Xianne.” Hindi niya maiwasang sumimangot sa sinabi ng kaibigan niya. Ang tinutukoy nito ay ‘yung isa niyang kasamahang kapitan sa M/V Empress Belle at tama si Rad sapagkat malaki pa ang yabang nito sa katawan.
            “Hindi naman siya papansinin ni Xianne.” Usal na lamang niya.
            “Naks, first name basis na kayo ni Miss Xianne! Close kayo?” Pang-aasar pa rin ni Rad sa kanya. Matalim niya itong tiningnan ngunit tinawanan lamang siya nito. Nasa ganoong eksena sila ng pumasok naman ang kaibigan nilang Chief Engineer ng barko ding ‘yon na si Axe.
            “Inaasar mo na naman ang pogi nating kapitan.” Dito naman nabaling ang atensiyon ni Rad.
            “Paano kasi, itong kaibigan natin eh hindi pa ligawan si Miss Xianne. Natotorpe pa yata.” Reklamo nito kay Axe. “Mauunahan na kasi ng iba.”
            Inakbayan naman siya ni Axe. “Oo nga naman, pare. Ilang taon mo na rin namang itinatago ang damdamin mo kay Miss Xianne. Sige ka, pag hindi ka pa kumilos, ako na lang manliligaw sa… Aray!” Hiyaw nito sapagkat siniko niya ito sa tagiliran. “Ang sakit no’n ha!” Sabi pa nito habang hinihimas ang parting nasaktan niya.
            “Malala ka na talaga, pare!” Tatawa-tawang sabi naman ni Rad.
            “Pa-kiss nga, pare! Ang guwapo-guwapo mo talaga!” Panunukso uli ni Axe sabay kabig sa kanya upang bigyan siya ng kunwaring halik. At sa ganoong eksena sila naabutan ni Xianne na halatang ikinagulat nito.

NAPATAAS ang isang kilay ni Xianne sa eksenang natagpuan niya sa loob ng pilot house ng M/V Empress Aurora. Naghaharutan ang mga pangunahing opisyal ng barko. Kung makikita lamang ang mga ito ng mga subordinates nila ay malamang na hindi na igalang ang mga ito.
“Boys will be boys…” Napailing na lamang siya at bahagyang nginitian ang mga ito na nakamata pa rin sa kanya. Halatang hiyang-hiya ang mga ito sa kanya kaya dali-daling umayos ang mga ito ng kilos. Pinigilan niyang mapatawa ng sabay-sabay siyang nginitian ng mga ito. Napansin din niya na pulang-pula ang mukha ng kapitan.
            “Good morning, gentlemen.” Bati niya sa mga ito.
            “Good morning, Miss Xianne!” Sabay-sabay pang sambit ng mga ito. Unang bumawi sa pagkapahiya ang Chief Mate ng barko at malugod siyang pinaupo sa isa sa mga silya ng mini-conference area doon.
            “Miss Xianne, maupo muna kayo. Ano po ba maipaglilingkod namin sa inyo?”
            “As usual, Sir Rad, follow-up of job orders and requests.”
            “Ah…” Napapatangong sabi nito sabay lingon sa dalawa na natahimik na simula nung dumating siya. Tiningnan din niya ang dalawa na parang naestatwa na sa kinatatayuan.
            “Imik naman d’yan kahit mali.” Untag ng Chief Mate sa dalawa.
Waring natauhan naman ang dalawa at pinandilatan ng mga ito ang opisyal na tatawa-tawa lamang. Binalingan uli siya ng opisyal at humingi ng pasensya sa kanya.
“Pasensya ka na ha? Ganyan talaga ang mga ‘yan kapag nakakakita ng magandang dilag, parang naeengkanto lalong-lalo na si Kapitan.”
Napansin niyang lalong namula ang mukha ng tinutukoy. Maya-maya pa’y namaalam na ito sa kanila at hinila na rin nito ang Chief Engineer palabas ng pilot house na halatang wala pa rin sa huwisyo. Tatawa-tawa naman ang Chief Mate na kausap niya.
            “Okay lang sila, Sir?”
            “Don’t mind them especially Captain Mijares. Mahiyain kasi ang mga ‘yon. Ano, magsimula na tayo?”
            Napatango na lamang siya at nagsimula na siyang mag-jot down ng mga notes at concerns ng opisyal tungkol sa barko ng mga ito.

“PARE, parang mga tanga tayo doon kanina sa loob!”
Reklamo ni Axe sa kanya. Doon sila nagpasyang tumigil sa open area accommodation ng barko. They needed air to breathe especially him. Totoo naman ang sinabi ni Axe kani-kanina lang na nagmukha silang tanga sa harap ni Xianne. Luko-luko talaga ang mga kaibigan niya lalo na si Rad na especially mention pa siya sa dalaga!
            “Ang gulo-gulo n’yo kasi.” Naiinis niyang sabi. “Nakakahiya kay Xianne.”
            Nakakalokong nginitian siya ni Axe. “Iisipin siguro ni Miss Xianne na bading ka.” At humalakhak ito ng nakakaloko. “Turn off na ‘yon sa’yo.” Binatukan niya ito ngunit hindi alintana dito ang ginawa niya.
            “Kasalanan mo ‘yun, Axe!”
            “Wala akong kasalanan, Chayce. Hindi naman natin akalain na biglang susulpot doon si Miss Xianne. Teka, ‘di ba monitored mo naman siya sa camera?”
            “Oo na, kasalanan ko rin.”
            “Huwag na nga tayong magturuan kung sino ang may kasalanan. At saka, ba’t nga pala umalis tayo doon? Dapat naandoon ka rin at nakikipag-usap sa kanya, halip na si Rad.”
            “Kaya na ‘yon ni Rad.”
            “Torpe ka lang. Sabagay, baka nga naman bigla ka na lang bumulagta sa harap ni Miss Xianne. Mas kahiya-hiya ka na talaga!”
            “Ewan ko sa’yo.” Tinalikuran na niya ang madaldal na kaibigan at nagsimula na siyang maglakad papunta sa kabina niya.
            “Hoy, saan ka na pupunta?”
            Nilingon niya ito. “Bumalik ka na sa engine room. Baka nagkakagulo na doon ang mga tao mo.”
            “Sasabay na ako sa’yo!” Habol nito sa kanya at magkaagapay na nilang nilisan ang lugar.