Wednesday, December 25, 2013

Sana Ngayong Pasko


“PASKO na naman, ngunit wala ka pa. Hanggang kailan kaya ako maghihintay sa iyo?”

PAKIRAMDAM ni Yachi ay tila isinasampal sa kanya ang lyrics ng kantang kasalukuyang tumutugtog sa stereo ng kanilang kapitbahay. Gusto sana niyang sugudin ang mga taong nakatira doon upang papalitan ng masasayang awitin ngunit pinigilan niya ang sarili. Ayaw niyang sirain ang magandang atmosphere ng araw na iyon sapagkat halos lahat ng tao ay nagdidiwang sa araw ng kapaskuhan maliban sa kanya. Sa halip na makisaya siya ay mas pinili niyang magkulong na lamang sa loob ng kanyang silid at sarilinin ang kamiserablehang nararamdaman niya. Kung tutuusin, ang araw ng Pasko ang pinakapaborito niyang araw sa buong taon maliban sa kaarawan niya. Noon iyon, iba na ngayon. Ang Pasko na ang pinakaitinuturing niyang sumpa sa kanyang buhay mula nang iwan siya ng kanyang asawang si Drachen at ipinagpalit sa ibang babae. Dalawang taon na ang nakakaraan ngunit hindi pa rin niya malimutan ang mga pangyayari noon. Sariwa pa sa alaala niya kung paano siya iniwan ng asawa sa mismong araw ng Pasko. Hindi man lamang ito nakapaghintay na makalipas ang Bagong Taon bago siya iniwan. Hindi niya maiwasang mapaluha muli habang unti-unting bumabalik sa alaala niya ang nangyari noon.


BISPERAS noon ng Pasko at masaya siyang naghahanda ng mga pagkain para sa media noche nilang mag-asawa. Si Drachen naman ay kasalukuyang nasa sa kuwarto nila at noong huli niyang silipin ito ay nakahiga pa ito sa kama nila. Nag-aalala kasi siya sa asawa sapagkat nang dumating ito buhat sa trabaho ay tila napakalalim ng isip nito at mukhang pagod na pagod. Hindi na nga siya nagawaran ng halik nang dumating ito. Tinanguan lamang siya nito bago tumuloy sa kanilang silid. Inintindi na lamang niya ito kahit may kaba na siyang nararamdaman nang dumating ito katulad ng mga nakalipas na buwan. Hindi man niya sinasabi ngunit tila nanlalamig na ito sa kanya. Tila nakalimutan na rin nito ang mga dating gawa at mga paglalambing na pinaparamdam sa kanya ni Drachen tulad noong sila ay maging mag-nobyo hanggang sila ay maikasal. 

     Anim na taon na silang kasal ngunit hindi pa rin nabibiyayaan kahit isang supling. Ayon sa doctor nila, pareho naman silang walang diperensya. Pareho silang healthy. Stress lang daw sila pareho sa trabaho. Masinsin silang nag-usap noon at nagpaubaya na siya na lamang ang magreresign sa trabaho niya upang sila ay makabuo na ng pamilya. Ngunit magpasahanggang ngayon ay hindi pa rin sila nabibiyayaan ng anak. Ang asawa pa niya ang nagpapalakas ng loob niya tuwing siya ay nalulungkot kapag nasasabik na siyang magkaroon ng anak. Ginawa na rin nila ang lahat para magkaanak lamang tulad ng pagsasayaw sa Obando pagnonovena at pagsisimba sa iba’t-ibang simbahan. Magkatulong silang dalawa at patuloy na umaasang magkakaanak din sila balang-araw.

     Ngunit nitong mga nagdaang buwan ay tila nag-iba na ng pakikitungo ni Drachen sa kanya at tila unti-unti na itong lumalayo sa kanya. Hindi na ito ang malambing at mapagmahal na asawa. Lagi na lamang itong nakaangil sa kanya. Konting pagkakamali lamang niya ay sobra na agad ang galit sa kanya. Hindi na rin siya nito niyayakap at hinahalikan. Inaamin naman niya sa sarili na sobrang nami-miss na niya ang dating Drachen.

Friday, December 20, 2013

Next Time I Fall - Epilogue

One year later…
Xianne lovingly surveyed the blissful scene before her. She was surrounded by the people she loved. Halos lahat ng mga mahal nila sa buhay ay naandoon sapagkat binyag ng kanilang five-month-old na panganay na anak nila ni Chayce at kasalukuyang ginaganap ang reception sa malawak na hardin ng bahay nila sa Tagaytay Highlands. She and Chayce were blessed with a baby boy named Xander Caldwell. Carbon copy ng asawa niya ang panganay nilang anak and both of them were very proud of their son. And yes, masusundan na ang panganay nila. She was two months pregnant now kaya abot-abot ang kantyaw na natamo nilang mag-asawa mula sa kani-kanilang pamilya at mga kaibigan. Tinanaw niya mula sa buffet able ang kaniyang mag-ama. Pinadedede ni Chayce ang baby nila habang abala ito sa pakikipagkwentuhan kina Rad at Axe. Mukhang na-miss ng mga ito ang isa’t-isa. Habang pinagmamasdan niya ang asawa at anak ay hindi niya maiwasang maalala ang nakaraan.
Sa loob ng isang taon ay maraming nangyari sa buhay nila. Bago itakda ang kasal nila ni Chayce ay sinampahan ng kaso ng Monte Cristo Shipping Lines sina Capt. Garcia at Keeshia kasama na ang kasong physical abuse at attempted rape. Matapos makunan ng salaysay silang dalawa ni Chayce pati na rin si Jaq ay pinasalamatan sila ni Sir Vince at sinabihan na ipapatawag na lamang sila kapag may schedule na ng hearing. Kasabay noon ay nag-file na sila ng resignation upang pagtuunan ang pag-aayos ng kasal nila. Ayaw man silang payagan ni Sir Vince ay walang magawa ang lalaki sapagkat ayon kay Chayce ay mas pagtutuunan na lamang nito ng pansin ang magiging pamilya nila at ang mga negosyo ng kanilang pamilya ganoon din siya na mas piniling maging plain housewife na lamang at tutulungan si Chayce sa mga negosyo nito. She and Chayce got married in a simple ceremony attended only by their families and immediate friends. Jaq was Chayce’s bestman while Miley was her maid of honor. Groom’s men naman sina Rad at Axe habang sina Elvie at Teri ay bride’s maids niya. They vowed toeach other that they will give each other a really warm, loving, nurturing home. Their own family.
“Xai…” Narinig niyang tawag ni Jaq na ikinalingon niya. Inakbayan siya nito at tinanaw din sina Chayce. “Very proud daddy ang kumpare ko ah.” Natatawang sabi nito sabay inom sa juice na hawak nito.
Napangiti naman siya sa tinuran nito. “That’s why I love him.”
Tiningnan siya ng kaibigan at nginitian din siya. “I’m happy for you, Xai.”
“Thanks, Jaq-Jaq!” Pagkasabi niyang iyon ay napansin niyang nawala ang pagkakangiti nito. Sinundan niya kung ano ang ikinaseryoso nito at ang nakita niya ay ang cute at makulit na pinsan ng asawa na palapit na sa kanila. Naramdaman niyang na-tensyon sa tabi niya ang binata at hindi na maipinta ang mukha nito. Nginitian siya ni Colleen samantalang tinaasan lamang nito ng kilay si Jaq.
“Hi, Colleen! Thanks for coming!” Bati niya sa dalaga sabay halik sa pisngi nito. “Kumain ka na ba?”
“Yes, ate Xianne.” Sagot nito nang biglang nangislap ang mga mata nito. “I heard you’re pregnant again. Grabe, si kuya Chayce ah! Balak n’yo bang bumuo ng isang football team?” Sabi nito sa kanya na ikinapula ng mukha niya. Sumabad naman si Jaq na mukhang iritado pa rin.
“Ano namang masama kung makabuo sila ng isang team? Palibhasa, wala kang matris.”
Napanganga naman si Colleen sa tinuran nito at tiningnan ng masama si Jaq. “Aba’t…”
Nagpasya siyang pumagitna sa dalawa. “Guys, tama na. Ayaw ko ng eskandalo sa binyag ng anak ko. Mapapagalitan kayo ng asawa ko.” Speaking of her husband, heto na nga at nakalapit na agad ito sa kanila. Pagkatapos siyang halikan ay hinarap na nito ang dalawa habang karga-karga pa rin ang anak nila. “Maghiwalay nga kayong dalawa.” Utos ni Chayce sa mga ito. “Colleen, tigilan mo na si Jaq.”
Nahindik naman si Colleen sa paninita ng asawa niya. “What?! Why me?!”
Hindi naman ito pinansin ng lalaki at hinarap din nito si Jaq. “Ikaw naman, Jaq, tigilan mo na rin si Colleen.” Mahinahong sabi Chayce na ikinawalang-kibo lamang nito. Maya-maya pa’y napangiti ang asawa niya. “Hindi kaya, may gusto lang kayo sa isa’t-isa kaya kayo nagkakaganyan?” Pagkasabing iyon ng kanyang asawa ay lalong nagpalitan ng maaanghang na salita ang dalawa at pasimple na nilang iniwan ang mga ito. Nakarating sila ni Chayce sa nursery room sapagkat nakatulog na ang anak nila. Maingat na inilapag ng asawa niya sa crib si baby Xander. Inakbayan siya nito at pinagmasdan nila ang natutulog na anak. Naramdaman niyang hinalikan siya ng asawa sa ulo niya kaya nilingon niya ito. Sinalubong naman siya nito ng halik sa labi. He groaned when she deepened their kiss. She giggled when she saw the longing expression of her husband.  “Chayce ha…”
“Let’s go to our room. Tulog na naman si baby. I want to make love with you.”
“Sweetheart, hindi pa pwede. May mga bisita pa tayo.”
“Hayaan mo muna sila. Hindi nila mapapansin na wala tayo doon.”
Niyakap niya ang kanyang asawa at masuyong hinalikan sa mga labi. “Thank you for coming into my life, sweetheart.”  He chuckled then he became serious. Kinuha nito ang kamay niya at masuyong dinala ang mga iyon sa mga labi nito.
“I’m also thankful and I love you so much. I’ll always be here for you, sweetheart.”
“I love you too, Capt. Chayce Romualdo Mijares.”


- Wakas -

<<<Previous

Wednesday, December 18, 2013

Next Time I Fall - Chapter 14

“SHIT, I should’ve killed him!”
“Tama na, Chayce, hindi na siya gumagalaw.”
“Jaq, tulungan mo ako. Ikaw na ang bahala sa taong ‘yan at dadalhin ko sa ospital si Xianne.” Sumisingit sa kamalayan ni Xianne ang mga boses ng dalawang taong nag-uusap. Pinipilit niyang idilat ang mga mata niya pero nanaig pa rin ang pagkahilo niya. Kasunod niyon ay naramdaman niyang may mga kamay na maingat na bumuhat sa kanya at wala na siyang alam pagkatapos niyon.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal nakatulog. Hilong-hlio pa rin siya nang magising siya. Nang igala niya ang paningin ay hindi pamilyar sa kanya ang kuwartong kinaroroonan niya. Nang bumangon siya mula sa kama ay nakita niya si Chayce na nakatayo sa pinaka-veranda ng kuwarto at nakatanaw sa kawalan. Hindi nito namalayan ang paglapit niya at nagulat pa ito nang yumapos siya mula sa likuran nito. Nang humarap ito sa kanya ay nangangalumata ang hitsura nito at mukhang wala pang tulog. Masuyo siyang niyakap nito at naramdaman niyang naging emosyonal ito.
“Ssshhh…” Alo niya sa nobyo. “I’m fine now.” Tinitigan siya ng binata ng may mga luha sa mga mata nito at masuyong hinaplos nito ang gilid ng labi niya na may sugat at pasa.
“Nang mawala ka kagabi ay kinabahan na agad ako. Palihim ka naming hinanap ni Jaq upang hindi kami makakuha ng atensyon sa mga tao na may nangyayaring kaguluhan. Nang makita namin si Keeshia na dali-daling umalis kagabi galing sa kinaroroonan ng mga suite room ay lalo kaming kinabahan ni Jaq. Papunta pa lang kami ay narinig na namin ang sigaw mo at kalabugan. Nang makita namin ang ginagawang pananakit sa’yo ng lalaking ‘yon ay nagdilim ang paningin ko. Kung hindi lang ako napigilan ni Jaq, t’yak sa morgue na siya pupulutin ng mga oras na ito. I’m blaming myself for what happened to you, Xianne!”
Pinahid naman niya ang mga luhang nananalandas sa mukha nito. “Huwag mo ng sisihin ang sarili mo, Chayce. Nothing serious happened to me. Konting pasa at sugat lang ang natamo ko. Hindi naman natuloy ang balak niyang masama kasi dumating agad kayo ni Jaq.” Pagkasabi niyang iyon sa binata at niyakap uli siya nito ng mahigpit.
“I’m sorry, sweetheart. Ipinapangako ko na hindi ka na masasaktan kahit kalian. Mahal na mahal kita, Xianne.”
“Mahal na mahal din kita, Chayce.” Nang magtama ang kanilang paningin ay masuyo siyang hinalikan nito sa mga labi. Agad naman niyang niyakap ang mga braso niya sa leeg nito upang pailalimin ang mga halik nito. Mula sa masusuyong halik nito ay naging mapusok na ang mga labi nito sa paghalik pati ang mga kamay nito ay malaya ng naglalakbay sa katawan niya. Tuluyan ng nagningas ang apoy sa katawan niya ng dumako ang mga labi ni Chayce sa leeg niya habang abala naman ang isang kamay nito sa pagdama ng kaumbukan ng dibdib niya. Napaungol siya sa sensasyong pinadarama nito sa kanya.
“Chayce…” Nang banggitin niya ang pangalan ng nobyo ay napatigil ito sa ginagawa sa ipinagtaka niya. Inapuhap naman niya ang mga butones ng suot nitong polo at dahan-dahang tinatanggal. Naramdaman niya na nanigas ang katawan ng nobyo at pinigilan ang mga kamay niya.
“Xianne sweetheart, are you sure you want to do this?”
Tumango siya bilang pagsagot niya. “Ayaw mo ba?”
“Kung alam mo lamang, sweetheart, na I want to make love with you. Ikaw lang ang inaalala ko. Inaalala ko rin ang kalagayan mo dahil sa nangyari kagabi. Nahi---” Hindi na nito naituloy ang sasabihin sapagkat hinalikan niya ito at tuluyan na niyang hinubad ang polo nito. Naramdaman na lamang niya na pinangko siya ni Chayce papasok sa kuwarto and they made love ‘till they couldn’t lift a finger anymore.

CHAYCE couldn’t believe that he made love to the woman he always dreamt of. He couldn’t take his eyes away from the beautiful lady beside him. Xianne is peacefully sleeping beside him habang nakayakap ito sa kanya. Bakas sa mukha nito ang kasiyahan at the same time ay nababakas din dito ang pagod. Hindi na sila nakakain ng agahan at tanghalian sapagkat nasabik sila sa isa’t-isa. Hindi sila tumigil sa pagnanamnam sa isa’t-isa hangga’t sila na ang kusang sumuko. Napansin din niya ang pulang mantsa dulot ng kanilang pagniniig. Gusto na niyang itigil ang ginagawa nang makita ang sakit sa mukha nito ngunit lalo naman nitong inialay ang sarili sa kanya.
After making love with Xianne, he felt contentment and completeness in his life. Mabini niyang hinaplos ang pisngi ng kasintahan at masuyo rin niyang hinalikan ang mga labi nito. Nasa ganoon siyang sitwasyon ng tumunog ang door bell sa main door ng hotel room na tinutuluyan nila. Naisip niya na baka dumating na ang pagkain na ini-order niya kaya hindi na siya nag-abalang magdamit at nagtapi na lamang siya ng tuwalya. Nang buksan niya ang pinto ay laking gulat niya nang mabungaran niya sina Jaq kasama ang buong pamilya niya pati na rin ang pamilya ni Xianne. Halata rin ang pagkagulat sa mga mata ng mga ito dahil sa hitsura niya. Unang nakabawi sa pagkabigla si Jaq.
            “Pareng Chayce, ang macho natin ah! Ehehehe!” Alanganing sabi ni Jaq. Pigil naman ang tawa ng mga kapatid niya at ni Xianne. Hindi naman siya makatingin ng maayos sa mga magulang nila sapagkat blangko na ang ekspresyon ng mga ito.
            “Ahmmm… come in, guys.” Habang pinapapasok niya ang mga bisita nila ay eksakto namang lumabas si Xianne mula sa kuwarto na mukhang naalimpungatan at kipkip ang kumot na nakabalot sa hubad nitong katawan. Napatda naman sa pagpasok ang kanilang mga bisita. Humilig pa ito sa hamba ng pinto na nakapikit ang mata.
            “Chayce, sino ang kausap mo?” Pagkasabing iyon ni Xianne ay dali-dali niya itong nilapitan at masuyong kinabig palapit sa kanya upang matakpan ang katawan nito. Binulungan niya ito upang sabihin na naandoon ang mga pami-pamilya nila na ikinagising ng diwa nito. Nanlalaki ang mga mata ni Xianne nang balingan ang mga bisita nila at napasubsob na lamang ito sa mga dibdib niya upang itago ang pagkapahiya.
            “Oh my God!” Usal na lamang nito. 

Monday, December 16, 2013

Next Time I Fall - Chapter 13

KINABUKASAN ay may dumating na imbitasyon para kay Xianne na galing kay Sir Vince na ang nilalaman ay tungkol sa kaarawan nito sa susunod na araw. Nagpasyang siyang dalhin ang imbitasyon sa kuwarto niya nang biglang sumulpot si Jaq sa may pintuan ng bahay nila.
            “Jaq-Jaq!” Magiliw niyang bati sa lalaki. Mukhang atubili pa itong pumasok at bumati sa kanya. Napabuntong-hininga na lamang siya sapagkat alam na niya ang dahilan kung bakit ito nagkakaganito. “Ano pang itinatayo-tayo mo d’yan? Pumasok ka nga!”
            “Hindi ka na galit sa akin? Bati na tayo?”
            “Bati na ----…” Hindi pa niya natatapos ang sasabihin nang bigla na lamang siyang mahigpit na niyakap ng lalaki. Napangiti na lamang siya at gumanti na rin siya ng yakap dito.
            “Xai, I missed you so much! Akala namin ay hindi ka na babalik!” Kumalas ito ng yakap sa kanya at tinitigan siyang mabuti. “Ba’t lalo ka atang gumanda? Don’t tell me, may bago ka ng inspirasyon?”
            “Jaq, wala akong bagong inspirasyon, okay?”
            “Okay sabi mo eh. T’yak matutuwa si pareng Chayce sa pagbabalik mo.”
            “At kalian pa kayo naging mag-kumpare ng lalaking ‘yon?” Kunot-noo niyang tanong.
            “Aba, Xai, mag-bestfriends na kami ng iniirog mo. After nung bugbugan namin, nag-usap kami ng masinsinan habang dinadaan namin sa ma-boteng usapan.”
            “Kumusta naman siya after umalis ako ng bansa?”
            “Kung nakita mo lamang ang reaksyon ni pareng Chayce nang malaman niyang umalis ka ng bigla. Kulang na lamang ay palubugin niya ang mga barko ng Monte Cristo. Araw-araw kaming pabalik-balik dito para malaman kung nakabalik ka na. Napagalitan pa nga siya nung bayaw niya at amo ninyo. Lagi kasing tulala parang naka-shabu.”
            “Nasaan s’ya ngayon? Gusto ko siyang makausap to clear things out.”
            Tumingala si Jaq na parang nasa kisame ang kasagutan ng tanong niya. “Ang alam ko eh may meeting sila ngayon sa department n’yo. Nag-tetext kasi ‘yon araw-araw sa akin upang makabalita.”
            Xianne crossed her two fingers in front of Jaq’s face. “As in ganito na kayo ka-close? Don’t tell me naging kayo habang wala ako.” Biro niya sa binata na ikinanuot ng noo nito.
            “Gawin ba kaming bakla ni Chayce. Hay naku, Xai-Xai, nanggaling ka lang bakasyon kung anu-ano na ang pumapasok sa isip mo.”
            Habang naglilitanya ang kaibigan ay biglang naalala ni Xianne ang sinabi ni Jeffrey sa kanya noong huling dalaw nito sa kanya. “Jaq, maiba ako. May gusto lang akong itanong sa’yo and please, answer me the truth.”
            “Tungkol ba saan?”
            “What did you do to Jeffrey?” Hindi inaasahan ni Xianne ang naging reaksyon ng kaibigan nang banggitin niya ang pangalan ng dating nobyo. Tama ang hinala niya na may kung anong kalokohan ang ginawa nito sa lalaki.
            “Aba nga naman at naglakas-loob pa talaga ang magaling na ‘yon na magpakita sa’yo matapos ka niyang lokohin at pagtaksilan! Ang kapal-kapal talaga ng mukha niya! Hindi pa talaga nadadala sa ginawa ko!”
            “Anong ginawa mo sa kanya, Joaquinn Montemayor?”
            Napakamot-batok ito nang makitang seryoso na siya. “Eh ano… binigyan ko lang naman ng konting leksyon. Konting bugbog lang naman.”
            Napailing siya sa rebelasyon nito. “Paano at kailan mo nakilala si Jefferey eh hindi ko naman siya pinapakilala sa’yo?”
            “Nag-hire ata ako ng private investigator para malaman ko kung ano ang mga nangyari sa’yo noong mga panahong nagkahiwalay tayo. Kasama na doon pati lovelife mo.” Pagmamalaki pa nito.
            “Hay naku, I don’t know what to do with you, Jaq! You really amazed me!” Naiiling niyang sabi sa lalaki. “Kawawa naman ‘yung tao. Huwag mo ng uulitin ‘yon! Nagkapatawaran na kaming dalawa. Leave Jeffrey alone, okay?”
            “Pramis!” Sabay taas ng kanang kamay nito. “Basta, huwag ka lang n’ya uling guguluhin.”
            “Hindi na ‘yon magpapakita kahit kailan. Ewan ko sa’yo, Jaq-Jaq!” Pagkasabi niyang iyon ay ngingisi-ngisi lang ang binata.

GINANAP ang kaarawan ni Sir Vince sa open accommodation ng 3rd deck ng M/V Empress Mulan. Dumalo halos lahat ng shore-based and shipboard personnel ng kumpanya pati ang pami-pamilya ng mga ito. Grecian inspired ang tema ng birthday party ni Sir Vince. Ang mga kasuotan ng mga kababaihan ay Grecian inspired din at ang mga lalaki naman ay nagkikisigan sa suot ng mga ito na tuxedo.
Nakisama naman ang panahon sa pagdiriwang ng kaarawan ng may-ari ng Monte Cristo Shipping Lines na kung saan nagkikislapan ang mga bituin sa langit ngunit may dalawang tao ang hindi nasisiyahan sa nangyayari. Hinihintay nila ang pagkakataong makaganti sa dalawang taong kinamumuhian nila. Abala naman sina Chayce, Rad at Axe sa pakikipagkwentuhan sa mga taga-Maintenance Department habang hinihintay nila ang pagdating nina Jaq at Xianne.
            “Pareng Chayce, excited ka ng makita si Ms. Xianne, ‘no?” Tanong ni Axe sa kanya. Napangiti at napakibit-balikat lamang si Chayce sa tanong ni Axe. “Pa-cute ka pa d’yan!” Pang-aasar ni Axe dito.
            “Capt., may pag-asa pa bang magkabalikan kayo ni Xianne? Kasi nagkaliwanagan na kayo ni Sir Jaq tungkol sa totoong relationship nila.” Sabad naman ni Miley na lalong ikinangiti ng lalaki.
            “Oo nga naman, Capt. Nanghihinayang nga po kami nung mag-break kayong dalawa. Kilig na kilig pa naman kami sa love team nyo ni Xianne.” Sabi naman ni Elvie na ikinatukso ng lahat.
            “Huwag kayong mag-alala. Ipinangangako sa inyo na ngayong gabi ay magkakabalikan na uli kami ni Xianne.” Nakangiting sabi ni Chayce sa mga ito. Kanina pa rin hinihintay ng binata sina Jaq at Xianne. “Bakit kaya wala pa ang dalawang iyon? Sabi ni Jaq parating na sila.” Naiinip nitong tanong sa mga kasamahan. Pagkasabi niyang iyon ay narinig niyang napasinghap ang mga kasamahan nang mapadako ang paningin ng mga itosa pinaka-entrance ng lugar. Ganoon na lamang ang pagkagulat ng binata nang makita ang suot ni Xianne na off-white Grecian gown adorned with Swarovski crystals. Napaka-seksi kasi ng pagkakayari ng gown ng dalaga. It was an empire cut gown that enhances her cleavage and showing her long shapely legs while walking. Men are ogling wih Xianne and Chayce didn’t like it a bit.  
            “What the f---k?!” Maanghang na sambit ni Chayce at binalingan ang mga kasamahan. Gusto nitong batukan sina Rad at Axe na natulala na pagkakita sa dalaga. “Guys!!!” Natauhan naman ang mga ito at binalingan ang binata.
            “Pare, ang swerte mo! Ang ganda-ganda ni Ms. Xianne!” Humahangang sabi nina Rad at Axe. “Ang suwerte-suwerte mo!”
            Tiningnan ng masama ni Chayce ang dalawa bago ito lumapit kina Jaq at Xianne.

HUMIGPIT ang pagkakapit ni Xianne kay Jaq nang makita niyang palapit sa kanilang dalawa si Chayce. Habang palapit ito ay napagmasdan niya ito ng mabuti at hindi niya maiwasang humanga sa kakisigan ng dating nobyo. Guwapong-guwapo na sana ito ngayong gabi kung hindi lang nakakunot-noo ito. “Ano na naman kaya ang problema ng lalaking ito?” Nang makalapit na ito sa kanila ay hindi pa rin maipinta ang mukha nito.
            “Pareng Chayce!” Masayang bati ni Jaq dito at nakipag-kamay pa ito.
            “Jaq!” Bati naman nito saka siya binalingan. “Good evening, Ms. Xianne.” Pormal na bati nito sa kanya.
            “Good evening too, Capt.Mijares.” Malamig niyang tugon. Tumikhim naman si Jaq upang kunin ang atensyon nilang dalawa.
            “Maiwan ko muna kayo. Babatiin ko lang si Sir Vince.” Pagkasabing iyon ni Jaq ay iniwan na silang dalawa ni Chayce. Nang mag-angat siya ng paningin ay matamang nakatitig ito sa kanya.
            “Can we talk? In private.” Untag ng binata sa kanya. Napatango na lamang siya sa tanong ng binata at hinayaan niya itong igiya siya paalis ng bulwagan.

NAKARATING sila ni Chayce sa second deck ng vessel kung saan walang katao-tao doon at malaya silang makakapag-usap ng maayos. Inalalayan siya nitong maupo sa sofa na naroroon at hinayaan na lamang niyang hawak-hawak nito ang mga kamay niya sapagkat na-miss niya ng husto ang lalaki. Mataman naman siyang tiningnan ni Chayce na wari’y minimemorya nito ang mukha niya.
            “Xianne…” Mahinang usal nito sa pangalan niya. Hinaplos nito ang kanang pisngi niya at hindi niya maiwasang mapapikit sa sensasyong dulot niyon. “I miss you so much…” Napamulat siya at tumingin sa binata. “And I still love you.”
            “Chayce…”
            “Xianne sweetheart, sorry sa lahat ng mga nagawa kong pagkakamali sa relasyon natin lalong-lalo na sa’yo. I should have avoided Keeshia that time. Pero hinayaan ko siyang gawin ang mga bagay na iyon sa akin. But I swear na hindi ko iyon ginusto. Ikaw lang ang gusto ko at pinakamamahal ko. I want you to be part of my life forever. Will you take me back in your life?”

Saturday, December 14, 2013

Next Time I Fall - Chapter 12

NASAKTAN si Chayce nang makita sina Jaq at Xianne na magkayakap habang nagsasayaw sa sundeck. Napahigpit ang hawak niya sa bull cap na isasauli sana niya kay Xianne at napatiim-bagang na lamang siya. Napagdesisyunan niya kanina na hindi niya isusuko ang dalaga kahit kaninong Poncio Pilato. Harangan man siya ng kanyon ay hindi niya isusuko ang pag-ibig niya sa dalaga. Ilalaban niya ng patayan ang dalaga. Handa rin siyang mamatay para dito kahit alam niyang masaya na ito sa piling ni Jaq. Matapos sulyapan uli ang dalawa ay nagpasya na siyang umalis at iniwan na lamang niya ang bull cap sa tabi ng hagdan na dadaanan ng mga ito.

ILANG linggo nang hindi nakikita ni Xianne si Chayce at alalang-alala na ang dalaga sa binata. Hindi naman siya makapagtanong sa mga kasamahan niya lalo na kay Sir Treize sapagkat nauunahan siya ng hiya. Miss na miss na rin niya ang binata at mahal na mahal pa rin niya ito. Hindi niya maiwasang makadama ng takot sapagkat baka tuluyan na itong mawala sa kanya. Huli na niyang na-realize na nasaktan din niya ito ng labis. Nabalot na ng galit ang puso niya noong panahong iyon kaya hindi niya ito binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag sa kanya. Napansin rin niya na simula ng maghiwalay sila ay tumigil na rin sina Keeshia at Capt. Garcia sa panggugulo sa kanilang dalawa. Pero naroon pa rin ang pangamba niya na baka may binabalak ang mga ito na hindi maganda sa kanya. Naiibsan lamang ang kanyang nararamdaman sapagkat laging nasa sa tabi niya si Jaq na nakaalalay sa kanya. Napapabuntong-hininga na lamang siya habang umiinom ng kape sa coffee shop na nasa labas ng village nila. Maya-maya pa’y natanawan niya si Jaq na papasok ng establishment na iyon. Agad siya nitong nilapitan at ginawaran ng halik sa pisngi. Nginitian naman niya ito ng maupo ito sa silyang katapat niya.
            “Wala ka bang work ngayon, Jaq-Jaq?”
            “Wala.Nag-file ako ng one week leave. I need a break.” Sagot ng binata sa kanya. “What do you want to eat, Xai? Oorder ako.”
            “Coffee na lang uli.Tinatamad akong kuma-…” Hindi na niya naituloy ang sasabihin sapagkat natanawan niya sina Chayce, Rad atAxe na papasok sa coffee shop. Ang hindi niya inaasahan ay may makita niya si Chayce na may kasamang maganda at sopistikadang babae at magkaakbay ang dalawa. Hindi nakaligtas kay Jaq ang sakit na naramdaman niya kaya sinundan nito ang tinitingnan niya. Napakunot-noo ito at hindi na rin maipinta mukha. Hindi niya inaasahan ang mga hindi magagandang salita na namutawi sa bibig nito. Tiningnan siya ng may pag-aalala sa mukha sabay kabig sa kanya palapit dito.

HINDI rin maipinta ang mukha ni Chayce ng makita niyang magkasama sina Jaq at Xianne. Gusto na niyang sumugod sa kinauupuan ng mga ito lalo na ng yakapin ni Jaq ang dalaga. Tiningnan siya ng masama ng lalaki pero hindi siya nagpatalo at tiningnan n’ya rin ito ng masama. Narinig niyang pasimpleng nagtawanan ang mga kasama niya lalo na ang pinsan niyang si Colleen na kararating lang galing Amerika.
            “Kuya Chayce, is that ate Xianne? Ang super ganda pala n’ya! Bakit mo pa pinakawalan? Ikaw kasi eh, pumatol ka pa sa Keeshiang ‘yun kaya ka dinump ni ate Xianne! Tsk, tsk, tsk! Ikaw kasi!” Paninisi pa ni Colleen sa kanya na may kasama pang pag-iling. Umandar na naman ang pagiging madaldal nito. “Hayan tuloy, ang ipinalit sa’yo eh mas mukhang mapagmahal at mas guwapo pa sa’yo.” Sa sinabing iyon ng pinsan niya ay hindi na napigilan pa nina Rad at Axe na mapahagalpak ng tawa. Tiningnan niya ng masama ang mga ito.
            “Tumigil na nga kayo!” Asar na saway niya sa tatlo ngunit hindi man lamang natinag ang mga ito.
            “Hay naku, kuya! Nagiging grumpy ka na rin. Sabagay, ganyan naman daw talaga ang malapit nang maging matandang binata.”
            “Ouch, pareng Chayce!” Sabi ni Rad. “Matandang binata ka na raw?”
            “Papayag ka ba namang masabihang matandang binata ng pinsang mong ito?” Sabi naman ni Axe.
            “Ewan ko sa inyo!” Singhal niya sa mga ito. Napatigil lamang sa pagsasalita ang mga ito nang makita nilang inaalalayan na ni Jaq si Xianne palabas ng coffee shop at mukhang hindi maganda ang lagay ng dalaga. Hindi niya maiwasang mag-alala para kay Xianne. Akmang susundan niya ang mga ito nang magsalita si Axe.
            “Napapansin ko lately, tamlayin si Xianne at samain ang lasa. Pansin mo rin ‘yun, pareng Rad?”
            Napaisip naman si Rad sa sinabi ni Axe. “Oo nga! Ilang linggo na siyang ganyan. Tuwing bibisita sa barko natin eh matamlay at namumutla.”
            “Bakit naman kaya, mga kuya?” Sabad naman ng pinsan niya. Sabay na napalingon sa kanya ang tatlo.
            “What?” Kunot-noo niyang sabi sa mga ito. “I don’t know what you’re talking about.”
            Nagkibit-balikat naman ang mga ito. “Sabagay, tama ka. Wala ka talagang alam kasi two weeks ka rin namang nawala sa sirkulasyon.” Sabi ni Rad.
            “Baka naman kaya ganoon si Xianne eh nagdadalang-tao na!” Sagot naman ni Axe.
            Namilog naman ang mga mata ni Colleen. “Ha?! You mean, you got her pregnant, kuya? Tapos ayaw mong panagutan kaya ka nag-hibernate sa Tagaytay. Tsk, tsk, tsk! That’s bad, kuya Chayce. Lagot ka kina Tita kapag nalaman nila kung gaano ka kairesponsable. No wonder, umayaw sa’yo si ate Xianne.”
            Marahas niyang nilingon si Colleen at pinipigilan niyang masakal ito. “Tigilan n’yo nga ang pag-iisip ng kung anu-ano. For your information, kahit kalian ay hindi ko naisip na gawin ko iyon kay Xianne kasi iginagalang ko siya. At kung may mangyari man sa amin ay sisiguraduhin kong sa araw mismo ng kasal namin.”
            “Eh kung hindi ikaw, baka dahil nung Jaq?” Patuloy pa rin ng pinsan niya.
            “Hala, lagot!” Sabay na singhap nina Rad at Axe.
            Natahimik bigla siya at nakaramdam ng panlalamig ng katawan dahil sa sinabi ng pinsan niya.

NAG-ALALA ang mga kasambahay ni Xianne nang makita ng mga ito na binuhat ni Jaq palabas ng sasakyan ang dalaga. Sinalubong ang dalawa nina Yaya Loring at Dea.
            “Ano’ng nangyari sa alaga ko, Jaq?” Nag-aalalang tanong ni Yaya Loring habang pumapasok ang mga ito sa bahay.
            “Nakatulog na po si Xianne sa sasakyan. Hindi na napigilan ang sobrang pagod sa trabaho nitong mga nagdaang linggo, Yaya.” Sagot ni Jaq sa matanda habang paakyat na sila patungo sa kuwarto ng dalaga. Dali-dali namang binuksan ni Dea ang pinto sa kuwarto ni Xianne upang makapasok ang mga ito. Pagkapasok ay dahan-dahang inihiga sa kama ni Jaq ang natutulog pa ring dalaga. Nang lingunin nito si Yaya Loring ay namumutla ang matanda at hindi maiwasang mag-aalala ni Jaq. “Yaya, may problema ba? Namumutla kasi kayo.” Nagulat na lamang ito ng biglang umiyak si Yaya Loring. “Bakit po kayo umiiyak?”
            “Iho, baka buntis ang alaga ko at si Chayce ang ama!”
            “Ho?!” Nagimbal si Jaq sa sinabi ng babae. “Eh paano nangyari? I mean, ba’t naman po nasabi ninyo na baka buntis si Xai?”
            Si Dea ang sumagot sa binata sapagkat hindi na makaimik ang matanda sa kaiiyak. “Kuya, kasi nitong mga nagdaang araw eh lagi pong matamlay si ate Xianne at namumutla. Narinig ko minsan na nagsusuka sa banyo tapos sobrang sakit daw ng sikmura at ulo niya.” Hindi nakaimik si Jaq sa sinabi ng babae at naikuyom nito ang mga kamay. Bumuntong-hininga muna ito bago nagsalita.
            “Mapapatay ko na talaga ang Chayce na ‘yon! Puro pasakit na lamang ang ibinibigay niya sa bestfriend ko.”
            “Ano bang problema mo, Montemayor?” Nagulat ang lahat ng makita nila si Chayce na nakatayo sa may pintuan ng kuwarto ni Xianne at hindi na maipinta ang mukha. Hindi naman natinag si Jaq sa ipinakikitang galit ni Chayce dito. Hinarap nito ang huli at pinamayawangan pa.
            “Ikaw ang problema ko, Mijares! Puro na lamang pasakit ang ibinibigay mo kay Xianne. Matagal ko ng pinipigilan ang sarili kong bugbugin ka dahil ang iniisip ko ay ang damdamin ng kaibigan ko!”
            Naikuyom ni Chayce ang mga kamay niya at pinipigilan din niyang sumiklab ang galit niya sa lalaki. “P’wes, problema din kita, Montemayor! Simula ng dumating ka sa buhay namin ni Xianne ay hindi na kami nabigyan ng pagkakataong magkaayos! Pilit mong pinaglalayo kaming dalawa!”
            Napailing naman si Jaq sa tinuran ni Chayce. “Ako pa ang may kasalanan sa nangyari sa inyong dalawa?! Eh sino kaya sa ating dalawa ang nanloko kay Xianne?! Hindi ba’t ikaw?!” Akmang susugudin ni Chayce si Jaq nang biglang pumagitna sa dalawa sina Yaya Loring at Dea.
            “Magsitigil kayo!” Nagagalit na awat ni Yaya Loring. “Kung gusto ninyong mag-away, huwag dito sa pamamahay namin.”

Thursday, December 12, 2013

Next Time I Fall - Chapter 11

NAGSIMULA na ang shooting ng commercial para sa advertisement ng Monte Cristo Shipping Lines. Simula noon ay hindi na sila masyadong nagkikita nina Jaq at Chayce sapagkat naging abala na sila sa kani-kanilang trabaho lalo na siya sapagkat may bagong dumating na barko ang kanilang kumpanya. Kasabay din niyon ay humupa na ang mga tsismis tungkol sa kanilang tatlo kaya nakahinga na si Xianne ng maluwag kahit papaano. Kahit patuloy pa rin sa pagpapadala sa kanya ng kung anu-ano ang dalawang lalaki ay pangkaraniwan na iyon ngayon sa araw-araw na pangyayari sa kumpanya. Nagkaroon ng bayanihan ang Monte Cristo Shipping Lines ng dumating ang bagong barko na kung saan nagsasama-sama ang lahat ng empleyado sa paglilinis ng mga natitira pang kalat sa barko sa pamumuno na rin ng kanilang amo na si Sir Vince. Isa ang departamento nina Xianne ang abalang-abala sa pangangasiwa sa paglilinis ng barko. Na-assign sila ni Bleu sa pagpipinta ng mga life raft at life jacket na nasa sa fwd second deck ng barko.
            “Xianne, magpaganda ka mamaya ha?” Sabi ni Bleu.                          
            “At bakit naman kailangang magpaganda mamaya? Sino ba ang dadating? Si Channing Tatum?” Tukoy ni Xianne sa paborito at crush niyang Hollywood actor.
            “Mas higit pa kay Channing Tatum.” Sagot naman ni Bleu. “Si Capt. Mijares!”
            “Yeah, right.” Sagot ni Xianne sabay ikot ng mga mata. “Ba’t naman ‘yun mapapaligaw dito?”
            “Wala silang schedule ng byahe ngayon kaya inutusan din sila ni Sir Vince na tumulong dito. Kaya,paganda ka mamaya ha?”
            “Shut up,Bleu. Trabaho ang ipinunta ko dito, hindi ang lumandi.”
            “Ito naman!” Sagot ni Bleu. “Sabagay,kahit nga naman na hindi ka na magpaganda ay talagang maganda ka na. Hindi tulad ng iba na kailangan pang maglagay ng kung anu-ano sa mukha para lang gumanda. Alam mo ba na narinig ko kanina sa mga crew dito na pinag-uusapan ka nila.”
            “Ano na naman ang tsismis na bago sa akin?”
            “Hindi tsismis, Xianne. They’re admiring you kasi napaka-sexy daw ng dating mo sa suot na cover-all.”
            Napailing na lamang si Xianne sa tinuran ni Bleu. “Hayaan mo sila.”
            “Hay Xianne, hindi ka talaga napa-flattered sa mga papuri sa’yo.”
            “Napa-flattered lang ako kapag napupuri ako sa trabaho ko, hindi sa physical appearance.”
            “Sabagay, tama ka naman.” Sabi na lamang ni Bleu sa kanya. Nagpatuloy na lamang ang dalawa sa pagpipinta ng maramdaman na lamang nila na naandoon na si Jaq sa tabi nila nang maisuot nito sa ulo ni Xianne ang bull cap na suot nito.
            “Jaq-Jaq!” Bati ng dalaga sa bestfriend. “What are you doing here?”
            “I just brought you that cap. Alam ko kasing maiinitan ka sa pagpipinta.” Paliwanag ni Jaq dito. “Ang ipinagtataka ko lang, Xai-Xai, ay kung bakit ikaw ang nagpipinta ng mga ‘yan eh ang dami-daming apprentice ang dapat gumawa n’yan.” Nakakunot-noo na sabi nito habang nakapameywang sa harapan nina Bleu at Xianne. Hindi maiwasan ng dalawa na matawa sa hitsura ng lalaki.
            “May nakakatawa ba sa sinabi ko?” Nilapitan naman ni Xianne si Jaq at humilig sa balikat nito. “Hindi mo ako makukuha sa paglalambing mo, Xianne Marie!”
            “Ito namang si Joaquinn, napaka-mainitin ng ulo. Kaya nga sinabing bayanihan. Di ba ang ibig sabihin ng bayanihan ay pagtutulungan? Para ka namang hindi ka nagkaroon ng Filipino subject noon.” Lumambot naman ang expression ng mukha ng huli sa tinuran ni Xianne at hinaplos ang pisngi ng dalaga na namumula na dahil sa init ng araw.
            “Ayaw ko lang kasi na magkasakit ka. Alam mo naman kung gaano ako ka-protective sa’yo. Ayaw ko ring mapapahamak ka at masasaktan. Kasi pag may nangyari sa’yong hindi maganda, baka makapatay ako.”
            “Don’t worry, Jaq-Jaq, okay?”
            “Just take good care for me, Xai-Xai.” Pagkasabi niyon ay nginitian na ng binata ang dalaga ng may biglang nagsigawan malapit sa kanila na ikinagulat ng dalawa at nang tingnan nila kung sino ang mga ‘yon ay nakita nila ang mga ka-departamento ni Xianne sa pangunguna ni Bleu.
            “Wow, sobrang cheesy!” Sabay nagtawanan din ang mga ito.
            “Grabe, na-out of place ako kanina kaya umalis na lamang ako ng hindi nila namamalayan.” Kantyaw ni Bleu sa dalawa na ikinatawa ng lahat. Nasa ganoong eksena ang lahat nang dumating ang grupo nina Chayce habang ang lalaki ay may dala-dalang pack lunch para kay Xianne. Napakunot-noo si Chayce nang makita sina Jaq at Xianne na magkadikit ang katawan. Natahimik naman ang lahat ng makita ang binatang kapitan at alanganing binati ito habang paipis-ipis na umalis sa lugar. Hindi naman natinag sa kinatatayuan si Jaq at nginisian pa nito si Chayce.
            “Magandang tanghali na, Capt. Mijares!” Bati pa ni Jaq sa binata. Sunod na binati nito sina Rad at Axe na tatawa-tawa sa likuran ni Chayce.     
“Magandang tanghali din sa’yo, Sir Jaq.” Walang kangiti-ngiting bati naman ni Chayce. Tiningnan naman nito si Xianne na walang imik sa tabi ni Jaq. Lumambot naman ang puso ng binata pagkakita sa dalaga ng bahagyang ngumiti ito sa kanya. “Xianne, sweetheart…” Tumikhim naman si Jaq upang magpaalam.
            “Guys, I have to go. In five minutes, magreresume na kami ng shoot.” Pagkasabi nito ay bumaling it okay Xianne at inayos ang bull cap na suot nito. “Don’t take this off, okay? Tinanguan lamang ito ng huli. “So, I have to go now. See you later, Xai-Xai.” Bago tuluyan na itong umalis ay hinalikan muna nito sa pisngi si Xianne na lalong ikinasama ng mukha ni Chayce. Pagkaalis ni Jaq ay agad na hinarap ni Chayce si Xianne.
            “What’s that for? Why did he kiss you?”
            “Capt. Mijares, it’s none of your business.” Binalingan naman ni Xianne sina Rad at Axe na tatawa-tawa pa rin. “Good afternoon, Sir Rad, Sir Axe!” Pagkabati sa dalawa ay binalingan uli ng dalaga si Chayce.
            “It’s my business because you’re my fiancĂ©e.”
            “Since when?”
            Naihilamos ni Chayce ang kamay nito sa mukha. “Since two months ago!” Iling lamang ang naisagot ni Xianne sa binata. Tinalikuran na n’ya ito upang puntahan ang mga kasama sa lunch.
            “Where are you going?”
            “Magla-lunch.” Nilingon uli ni Xianne ang binata. “Maglunch ka na rin, Capt. Mijares. T’yak nagugutom ka na kaya napakainit ng ulo mo.” Aalis na lamang siya ng biglang hinawakan ni Chayce ang kamay niya. “What are you doing?”
            “Sabay tayong magla-lunch kaya kita dinalhan ng pagkain. Hindi ka pwedeng sumabay sa iba. Tayo lamang dalawa dahil kailangan na nating mag-usap!” May diing sabi ni Chayce kay Xianne. “Whether you like it or not.”
            “Ba-bahala ka.” Nasabi na lamang ni Xianne na ikinangiti ng binata.

DINALA niya si Xianne sa sariling kabina niya sa M/V Empress Aurora kahit alam niyang tutol na tutol ang dalaga ngunit pinili na lamang nitong manahimik. Doon sila kumain ng lunch upang walang makaistorbo sa kanilang gagawing pag-uusap. Agad na tinanggal niya sa ulo ng dalaga ang bull cap na isinuot ni Jaq dito. Agad nag-protesta ito ng inihagis na lamang niya kung saan ang sombrero.
            “Hey!” Reklamo nito. “Kay Jaq-Jaq yung cap.”
            “Naandito ka sa teritoryo ko at bawal na bawal ang mga gamit na galing sa karibal ko. Wala ka ring magagawa kasi ako ang masusunod dito.”
            “Chayce…”
            Napangiti naman siya ng tawagin na uli siya ni Xianne sa pangalan niya. “That’s better, sweetheart.” Hinaplos naman niya ang pisngi nito. “God knows how much I missed you. It’s killing me since then. Mahal na mahal kita, Xianne.” Napansin niyang lumamlam ang  mga mata ng dalaga. Napabuntong-hininga muna ito bago siya tinitigan.
            “Why did you do that to me, Chayce? Ano pa bang kulang sa akin at nagawa mo pang pumatol kay Keeshia? Hindi pa ba ako sapat sa’yo?”
            “No, that’s not true. Hindi kita ipagpapalit kahit kanino lalo na kay Keeshia.”
            “Then why did you do that? It really hurt me.” Hindi na napigilan ng dalaga ang mapaiyak sa harap niya. Kinabig naman niya ito palapit sa kanya at niyapos ng mahigpit.
            “Sweetheart, listen to me please. Believe it or not, pinasok ako ni Keeshia nung time na ‘yon. Eksakto namang kakalabas ko lang ng banyo kasi nanligo para sa pagsalubong ko sa’yo ay mabango naman ako. Tapos ganun na nga ang nangyari at naabutan mo kami sa ganoong eksena.”
            “Kahit na pinasok ka pa niya, sana hindi mo na pinatulan.”

Tuesday, December 10, 2013

Next Time I Fall - Chapter 10

HALOS dalawang buwan na ang nakakaraan mula ng makipaghiwalay si Xianne kay Chayce ngunit hindi pa rin makag-move on ang dalaga. Paano ba niya makakalimutan ang binata kung palagi itong gumagawa ng paraan para mapatawad niya kahit magkalayo sila? Halos balik si Chayce sa panliligaw sa kanya at kahit nasa malayo ito ay araw-araw itong nagpapadala ng bulaklak at chocolates sa kanya pati love letter. Ngunit paano ba niya mapapatawad ito kung hindi pa rin maalis sa isipan niya ang nangyari? Magpasa-hanggang ngayon ay hindi pa rin niya sinasabi sa pamilya niya at mga kaibigan kung anong nangyari at sa tuwing nagtatanong ang mga ito ay pawang iling lamang ang sagot niya. Tulad na lamang ngayon, si Bleu naman ang nagpupumilit sa kanya na sabihin niya ang tungkol sa pagitan ng paghihiwalay nila ni Chayce.
            “Bleu, hindi mo ba ako titigilan?” Naiinis na niyang sabi sa lalaki.
            “No, I won’t. Ano ba talaga ang naging kasalanan sa’yo ni Capt. Mijares at ganoon na lang ang tindi ng galit mo sa kanya?”
            “I don’t want to talk about it. Could you please respect my silence?”
            “Ok, if that’s what you want.” Sumusukong sabi ni Bleu sa kanya. “By the way, Xianne, sinabi na ba sa’yo ni Sir Treize na ibabalik na uli dito ang Empress Aurora?” Nagulat siya sa ibinalita ni Bleu sa kanya. Napabuntong-hininga na lamang siya.
            “I see.”
            “At ikaw uli ang coordinator ng vessel na ‘yun.”
            “Ikaw na lang muna ang maging coordinator ng Empress Aurora, Bleu. Magli-leave muna ako ng mga isang buwan o ‘di kaya ay magreresign na kung sakali. Uuwi na muna ako sa family ko sa Australia.”
            “Xianne…”
            “Don’t dare to stop me, Bleu.”
            “Kapag nag-resign ka, mawawalan na ako ng magaling na partner.”
            Napangiti naman siya sa tinuran ng lalaki. “Shut up, Bleu.” Biro niya sa kaibigan na ikinatawa ng huli.

NANG bumalik sila ni Bleu sa opisina ay nagkakagulo ang mga kasamahan nila lalo na ang mga kababaihan sa pangunguna ni Miley. Nagtataka silang nagkatinginan ni Bleu bago nagpasyang pumunta na sila sa kanya-kanyang cubicle. Dali-dali namang nilapitan siya ni Miley pati na rin sina Teri at Elvie ay nagsilapitan sa kanya at pawang mga kinikilig ang mga ito.
            “Hi, girls.” Bati niya sa mga ito. “Mukhang kinikilig na naman kayo.”
            “Bakit ngayon ka lang, Xianne? Sayang at hindi mo naabutan si Sir Jaq!” Sabi ni Miley.
            “Huh?” Napakunoot-noo niyang sabi. “Sino naman ‘yon?”
            “Siya lang naman ‘yung magiging director sa magiging commercial ng company natin!” Sagot naman ni Elvie sa kanya. “Shocks, Xianne! Ang guwapo-guwapo niya talaga!”
            “Makalaglag panty!” Impit na tili ni Teri na ikinagulat nila sapagkat isa ito sa pinaka-manang ng opisina nila.
            Napatango na lamang siya sa tatlo. “Ah okay.”
            “Iyan lang ba magiging reaction mo?” Nanggigilalas na tanong sa kanya ni Miley.
            “Ano ba ang gusto n’yong maging reaction ko?”
            “Wala naman.” Tipid na sagot naman ni Elvie.
            “Ang gusto lang namin, Xianne, eh maging masaya ka na uli.” Sabi naman ni Teri sa kanya.
            “Don’t worry, guys, I’m fine. Mahirap pero kailangang gawin.” Tipid siyang ngumiti sa mga ito. “I hope you understand me.”
            “We’re always here for you, Xianne.” Sabay-sabay na turan ng mga ito na ikinatango na lamang niya bilang pagsagot.

MAKALIPAS ang isang linggo ay dumating na mula Caticlan ang M/V Empress Aurora. Ito pala ang gagamiting vessel para sa gagawing commercial para sa company ng Monte Cristo Shipping Lines. Sumalubong naman ang buong staff ng naturang kumpanya maliban kay Xianne na nagpaiwan na lamang sa opisina nila. Ngunit kahit nagpaiwan ang dalaga ay tinatanaw nito mula sa bintana ng opisina nila ang pagadating ng barko habang hawak-hawak ni Xianne ang dogtag na isinuot sa kanya ni Chayce.

NAGPAKAIN si Sir Vince ng lunch sa mga crew ng M/V Empress Aurora kasama ang buong staff ng opisina bilang welcome home party sa mga ito. Kanina pa hinahanap ni Chayce si Xianne ngunit bigo itong makita ang dalaga. Agad naman niyang nilapitan ang mga kaibigan ng dalaga upang tanungin kung nasaan ito.
            “Hi, girls!” Magiliw niyang bati sa mga ito na mukhang ikinilig naman ng mga kababaihan.
            “Hello, Capt.! Welcome back po!” Chorus nina Miley, Teri at Elvie.
            “Ahmm… nasaan ang sweetheart ko? Hindi ko pa siya nakikita simula nang dumating kami.” Hindi agad nakaimik ang tatlo at binigyan siya ng alanganing ngiti. Si Miley ang unang nakabawi.
            “Eh Capt., nagpaiwan sa office. Doon na lamang daw siya.”
            “Mag-isa lang siya doon?”
            Tumango naman si Elvie. “Yes, Capt.”
            “But don’t worry, Capt. Pinasusundo siya nina Sir Vince at Sir Treize kay Bleu para pumunta dito.” Sagot naman ni Teri.
            Napatango naman siya sa isinagot ng mga ito. Maya-maya pa’y tinawag siya ni Rad sapagkat magsisimula na ang meeting nila with the advertising executives na gagawa ng commercial nila. Nagpa-excuse naman siya sa tatlo pagkatapos magbilin tungkol kay Xianne.

NANLALAMIG si Xianne habang umaakyat sila ni Bleu patungo sa aircon accommodation ng M/V Empress Aurora. Wala rin siyang nagawa ng maya’t-maya tinatawagan siya ng mga amo niya upang pumunta sa barko at makihalubilo sa kanila. “Bahala na…” Usal niya sa sarili at nag-sign of the cross muna siya bago pumasok sa lugar. Pagkapasok nila ni Bleu sa aircon accommodation ay natahimik ang lahat ng bigla na lamang siyang yakapin ng isa sa mga executive ng naturang advertisement company na ikinagulat din niya ng labis at halos ikadurog ng puso ni Chayce.
            “Xianne!” Sigaw pa ng lalaking yumakap kay Xianne.

Friday, December 6, 2013

Next Time I Fall - Chapter 9

HALOS kalahating oras bago nagising si Xianne mula nang mawalan ito ng ulirat. Agad nilapitan ni Chayce ang kasintahan ng magising ito.
            “Xianne, sweetheart…” Agad na ginagap nito ang kamay ni Xianne. “Kumusta na ang pakiramdam mo?”
            “Chayce, what happened? Ba’t naandito ako sa clinic?”
            “You passed out.”
            “I see. Could you please help me up?”
            Agad namang kumilos si Chayce upang tulungan si Xianne na bumangon. “Gusto mo buhatin na lang kita?” Umiling na lamang si Xianne bilang sagot ngunit inalalayan pa rin ng binata ang kasintahan sa paglalakad. Pagkatapos i-confirm ng company nurse na p’wede nang i-discharge ang dalaga ay bumalik na sila sa departamento. Pagdating nila doon ay pinatawag agad sila ni Sir Treize. Sumunod silang dalawa sa lalaki patungong conference room at pagdating nila doon ay bumungad sa kanila ang big boss nila at may-ari din ng Monte Cristo Shipping Lines. Nagkatinginan ang magkasintahan sapagkat hindi maipinta ang mukha ng amo nila.
            “Good morning, Sir Vince.” Sabay nilang bati sa lalaki.
            “Maupo kayong dalawa.” Naupo naman silang dalawa pagkasabi nito. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa sa inyong dalawa. Maraming nakakarating sa akin tungkol sa mga hindi magandang pangyayari nitong mga nagdaang araw na involve kayong dalawa lalo ka na Xianne.”
            “Sir, we can explain.” Sabay na sabi nina Chayce at Xianne kay Sir Vince.
            Matamang tiningnan ng lalaki sina Chayce at Xianne. “Xianne, Capt. Mijares, alam kong may mga dahilan kayo kung bakit nangyari ang mga ganoong bagay. Ang sa akin lang ay hindi ko alam kung ano ang ipapaliwanag ko sa mga magulang n’yo lalo na sa Kuya Xavier mo, Xianne, na bestfriend ko. Mahigpit na ipinagbilin ka nila sa akin. Ano na lamang ang sasabihin nila?”
            “Sir Vince, I can handle the situation with my family.” Sagot ni Xianne sa amo. “Ang pakiusap ko lang po ay sana ay huwag n’yo ng iparating sa kanila ang mga nangyari dito.”
            Napailing naman ang lalaki. “Xianne, I’m sorry to say this but I’ve already told them. Ayaw ko namang sa iba pa nila malalaman ang mga nangyari sa iyo. Any time soon, uuwi na sila.” Pagkasabi nito ay binalingan naman ni Sir Vince si Chayce. “Capt. Mijares, napagdesisyunan ko na pansamantala muna kayong maa-assign sa byaheng Roxas – Caticlan. Kailangang maayos muna ang mga kaguluhang ito.”
            Nagulat si Capt. Mijares sa naging desisyon ng amo nila. “Sir, mawalang-galang na po, hindi ko po maaaring iwan si Xianne dito sa Batangas. Lalo na’t pinagbantaan siya ni Garcia.”
            “Chayce, don’t worry. We’ll take care of Xianne.” Sabat naman ni Sir Treize. “Pansamanatala lang naman kayo doon sa Caticlan. Hindi rin tumitigil ang management sa pag-oobserba sa ikinikilos ni Capt. Garcia. ”
            “But... ” Hindi na naituloy ni Chayce ang sasabihin sapagkat nagsalita ng muli si Sir Vince.
            “I’m sorry, Capt. Mijares. My decision is final.” Pagkasabi niyon ay bumaling naman ang lalaki kay Xianne. “Xianne, huwag kang mag-alala. I’m not against with your relationship with Capt. Mijares but we will settle first the issues. I hope you understand me.” Napatango na lamang sina Chayce at Xianne sa sinabi ng kanilang amo. Maya-maya pa’y nagpaalam na sa kanila si Sir Vince at naiwan na silang tatlo na walang kibuan sa loob ng conference room. Tumikhim si Sir Treize para makuha ang atensyon ng dalawa. Sabay naman napabaling ang dalawa sa lalaki.
            “Guys, konting tiis lang hangga’t maayos ang problema. And Chayce, ipinagpaalam na muna kita kay Boss na bigyan ka ng two days vacation so that you can settle everything before you leave for Caticlan.”
            “Salamat, kuya.” Sabay buntong-hininga ni Chayce. “Kuya, ikaw na muna ang bahala kay Xianne habang wala ako. Aaminin ko, natatakot ako sa naging banta ni Garcia. Hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kanya oras na gawan niya ng masama si Xianne.” Habang nagsasalita si Chayce ay nakatingin ito sa kasintahan. Nilapitan niya ito at mahigpit na niyakap si Xianne.
            “Chayce, I’m also afraid but we need to be strong for each other.” Sabi naman ni Xianne sa binata.
            “Xianne is right, Chayce. I’m assuring you na kahit dulo ng buhok ni Xianne ay hindi mahahawakan ni Capt. Garcia.”
            “Salamat naman kung ganoon, kuya.” Nasambit na lamang ni Chayce habang yakap-yakap pa rin ang babaeng minamahal.

NANG araw ding iyon ay pinauwi na ni Sir Treize sina Xianne at Chayce upang makapahinga muna na pinayagan naman ni Sir Vince. Dumaan muna ang dalawa sa mall upang magtanghalian bago dumiretso sa village na tinitirhan ni Xianne. Halos wala silang imikan ni Xianne habang kumakain at napansin din niyang hindi masyadong ginagalaw ng kasintahan ang pagkain nito.
            “Xianne sweetheart, don’t you like the food?”
            “Chayce, magkakalayo na tayong dalawa.”
            Ginagap niya ang kamay ng kasintahan at pilit siyang magpakatatag dito. “Don’t worry, I’ll be coming home every week so that I can spend my time with you.”
            “Paano si Capt. Garcia?”
            Napatiim-bagang siya sa binanggit ni Xianne. “Papakiusapan ko si Kuya Treize na ihanap ka ng taga-bantay habang nasa malayo ako. Hindi ko hahayaang malapitan man lamang ng lalaking ‘yun! Mapapatay ko talaga siya!”
            “I love you, Chayce. I’ll take care of myself just for you.”
            “I love you so much, Xianne.”

IT’S been a month since Chayce left for Caticlan together with his crew. Halos araw-araw itong tumatawag kay Xianne upang masiguradong nasa mabuting kalagayan ang kasintahan. Dumating naman ang mga kapatid ni Xianne para magbakasyon sa Pilipinas. At dahil na rin sa banta ni Capt. Garcia kay Xianne ay todo ang naging pagbabantay ng pamilya niya pati na rin ang pamilya ni Chayce. Tulad ngayon, ang Kuya Xavier ni Xianne ang sumundo sa kanya paglabas ng opisina.
            “Kuya, ang aga mo naman. Wala pang 5 pm.” Bati ni Xianne dito sabay halik sa kapatid.  Umupo namam ito sa visitor’s chair na nasa cubicle niya.
            “Lumabas ka ng maaga ngayon, sis. Nasa mall ngayon sina ate at misis pati mga bata. Doon daw tayo magdidinner.”
            “Okay.”
            “Kumusta na si Chayce? Kailan ba namin siya makikilala?”
            “Okay naman daw sila doon sa Caticlan. Lalo daw nag-tan ang kulay niya.”  
            “Kelan siya uuwi dito? ”
            “Sabi n’ya, baka makauwi siya ngayon. Pero hindi pa siya sure. Excited na ngang ma-meet kayo.”
            “Mamamanhikan na ba siya?” Biro ng kapatid ni Xianne. “Bilisan na niya habang naandito pa kami. Ako na ang bahala kina Daddy at Mommy.” Namula naman si Xianne sa tinuran ng Kuya Xavier niya.
            “Hindi pa namin pinag-uusapan ang ganyang bagay, Kuya. Napakaaga pa.”
            “Darating din kayo doon, Xianne. Excited na sina Daddy at Mommy sa mga magiging apo sa iyo.” Napangiti na lamang si Xianne sa huling sinabi ng kapatid niya.

HINDI nakadalaw si Chayce nang weekend na iyon kaya nagpasya na lamang ang mga kapatid ni Xianne na sila ang dadalaw sa binata bago sila tumulak papuntang Boracay para sa get together ng pamilya. Agad namang ibinalita ni Xianne sa nobyo ang plano ng pamilya at hindi maiwasang ma-excited ng dalawa sapagkat magkikita sila makalipas ang isang buwan.
            “Xianne, miss na miss mo na si kapitan, ‘no?” Tanong ni Miley sa kanya na may nakakalokong ngiti nakapaskil sa labi nito. Hinarap naman ni Xianne ang kaibigan na may ngiti sa labi.
            “Oo naman! It’s been a month since we’ve been together.”
            “Paano ba ‘yan? T’yak na pagnagkita kayo sa Boracay eh magkakasarilinan na kayo. Tiyakin n’yo lang na gagamit kayo ng proteksyon.” Sabay hagikhik ni Miley na ikinapula naman ng mukha ni Xianne. Pinandilatan naman ng huli ang kaibigan.
            “Ano ka ba naman, Miley? Ang bibig mo. Nakakahiya sa makakarinig.”
            “Ito naman, binibiro lang. Pero seryosohan tayo, friend. Huwag kang magagalit sa itatanong ko ha.”
            “Tungkol ba saan?”
            “Nag-do na ba kayo ni kapitan?” Nanlaki ang mga mata ni Xianne sa itinanong ni Miley sa kanya at lalong namula ang mukha niya.
            “Miley, ano ba?” Pabulong na sita niya sa kaibigan. “Sari-sari ka naman eh.”
            “I’m just asking lang naman.”
            “Hindi namin ginagawa ang ganoong bagay.”
            “Ah okay. Sorry ha?”
            Nginitian na lamang ni Xianne ang kaibigan at bumalik na uli sila sa pagtatrabaho.

EXCITED si Chayce ng dumating na ang oras ng pagkikita nila ni Xianne. Hindi magkamayaw ang kantyawan sa barko nila sa pangunguna nina Rad at Axe. Napag-alaman ng mga ito na padating si Xianne kasama ang pamilya ng dalaga. Kakatawag lamang sa kanya ng kasintahan upang sabihin sa kanya na malapit na ang mga itong dumating sa Roxas Port. Hindi siya mapakali ng mga sandaling iyon sapagkat sabik na sabik na niyang makita ang dalaga makalipas ang isang buwang pangungulila ditto at magkakasama uli sila nito. Hindi niya namalayan ang paglapit nina Rad at Axe sa open deck ng M/V Empress Aurora.
            “Pareng Chay-cee, baka mahimatay ka na sa sobrang kaba!” Pang-aasar ni Axe sa kanya na sinegundahan naman ni Rad.
            “Oo nga, pare. Parang makikipag-first date ka ng lagay na ‘yan sa hitsura mo.” Tiningnan niya ang dalawa at nginitian ng buong tamis.
            “Inggit lang kayo! Walang pakialamanan, ‘no.”
            “Hay naku, Chayce, para ka namang bading n’yan eh.” Pang-aasar pa rin ni Axe sa kanya. Maya-maya pa’y natahimik bigla sina Rad at Axe sapagkat hindi nila inaasahan ang pagsulpot ni Keeshia kung saan. Napuna naman ni Chayce ang biglang pagtahimik ng dalawa.
            “O ba’t natahimik kayo?” Sinundan niya ang tinitingnan ng dalawa at hindi niya naiwasang sumama ang mukha ng makita si Keeshia na nasa tabi na niya. “What are you doing here?”
            “Hi, Chayce! I missed you so much!” Akmang yayakapin siya ng dalaga ngunit agad niyang iniiwas ang sarili.
            “Don’t you dare, Ma’am Keeshia.” Seryoso niyang banta sa dalaga. “And please, don’t you have an ounce of decency with yourself?” Hindi napigilan nina Rad at Axe ang mapasinghap at napansin niya ang sakit ng tinuran niya sa babae na ikinasama nito ng mukha. Hindi nila inaasahan ang biglang pag-iyak ni Keeshia.
            “How dare you, Chayce! Akala mo kung sino kang nilalang ng Diyos. Hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo.”
            “Kung hindi lang ako ang lalaki sa mundo, bakit hinahabol-habol mo ako?”
            “Pagbabayaran mo ang ginagawa mo sa aking ito. At ipinangangako ko na hindi kayo magiging masaya ni Xianne!”
            “Kung wala ka ng iba pang sasabihin, Ma’am Keeshia, aalis na ako para matigil na ang walang kwentang usapang ito. Excuse me.” Dali-daling tinalikuran ni Chayce ang babae at nagpasyang doon na lamang hintayin ang kasintahan sa mismong daungan ng barko. Naririnig pa rin niya ang pagtutungayaw ni Keeshia na ibinaling naman nito kina Rad at Axe. Naramdaman na lamang niyang sinundan siya ng dalawa at tatawa-tawa sa magkabilang tabi niya.
            “What’s so funny, guys?” Naiiritang tanong niya sa dalawa.
            “Nakakatawa kasi si Ma’am Keeshia. Kulang na lang ay kainin ka nung tao.” Natatawang sabi ni Rad. “Pero kawawa naman siya. Gustong-gusto ka talaga ng babaeng ‘yon.”
            “Eh wala naman siyang magagawa kung hindi siya gusto ni Chayce.” Sabi naman ni Axe.
            “Huwag na nga nating pag-usapan ‘yan. Excited na akong makita ang sweetheart ko.”