Monday, October 29, 2012

Jagger's Hope - Finale & Epilogue


“OH MY GOD… pustahan lang ang lahat?”
            Natutop ni Hope ang bibig niya upang hindi humulagpos ang impit niyang pag-iyak. Hindi siya makapaniwala na nagawa sa kanya ni Jagger at ng pamilya niya ang ganoong bagay. Kakatok na sana siya sa library nang mapansin niyang nakabukas na ang pinto niyon. Akmang itutulak na lamang niya iyon nang marinig niya ang sinabi ng kanyang ama. Hindi niya maiwasang mapangiti sa sinabi ng huli. Pero agad ding naglaho ang mga ngiti niya ng marinig niya ang sinabi ng Uncle Marco niya kay Jagger at ang isinagot ng huli. Nagimbal siya sa rebelasyong iyon at tila umaalingawngaw ng paulit-ulit sa isipan niya ang mga sinabi ng mga ito at ni Marianna sa kanya. Nang humupa ang pagtangis niya ay agad napalitan iyon ng galit. Agad niyang pinalis ang mga luhang walang humpay ang pagpatak mula sa kanyang mga mata. Kasabay niyon ay ang pagtiim ng mga bagang niya at pagkuyom ng kanyang mga kamao. Bago pa malaman ng mga ito ang presensiya niya ay dali-dali siyang umalis sa lugar na iyon.
            I hate all of you! Napaka-walanghiya mo, Jagger del Cielo!

“WHAT do you mean nawawala ang anak ko?”
            Nanggagalaiting tanong ng ina ni Hope sa mga tao roon. Malalim na ang gabi pero wala pa rin si Hope. Walang makapagsabi kung saan ito nagpunta. Nang puntahan niya sa opisina nito ang nobya ay sinabi ng mga kaibigan ng huli na maaga itong umuwi. Napansin din niya ang aloofness na pakikittungo ng mga ito sa kanya na ipinagtataka niya. He sensed that there’s something wrong that time. Pero binalewala niya iyon dahil nag-alala siya sa nobya. Ilang beses na niya itong tinatawagan pero hindi nito sinasagot ang tawag niya hanggang sa hindi na niya ma-contact ang cellphone nito. Agad siyang humingi ng tulong sa magulang ni Hope ngunit magpasanghanggang ngayon ay hindi nila ito mahanap. Napapitlag pa siya nang tawagin siya ni Mrs. Leviste.
            “Jagger!”
            “Yes, Ma’am…”
            “Nag-away ba kayo ng anak ko?”
            “No, Ma’am!”
            “Then, where is my daughter?”
            Hindi siya makasagot sa tanong ng ginang. Frustrated na tumingin ito sa kanya at tinalikuran na siya. Naupo ito sa sofa sa sala at humagulhol ng iyak. Agad namang dinaluhan ito ng kabiyak nito. Pasimple naman siyang hinila ni Marco palabas ng sala. Doon siya nito dinala sa lanai. Halata ang pamumutla sa mukha nito.
            “Marco, ba’t namumutla ka? May problema ba?”
            Tumikhim muna ito. “Jagger, may problema. Ayon sa isang kasambahay nina ate Marita eh dumating kanina dito si Hope noong nasa library tayo. Pero nakasalubong daw uli nito si Hope na dali-daling lumabas ng bahay at sumakay ng kotse nito. And worst of all, she’s crying.”
            “Oh, shit!” Sambit niya. Nakadama agad siya ng kaba. Maang na napatingin siya sa lalaki. “Baka narinig niya ‘yung biruan natin kanina about sa partnership natin.”
            “Exactly my sentiments.” Nanlulumong sagot naman ni Marco. Nasa ganoon silang sitwasyon nang humahangos na dumating ang mga kaibigan ni Hope. Agad din naman silang pumasok ni Marco sa loob.
            “Tito, Tita, alam na namin kung nasaan si Hope!”
            “Where is she?” Agad naman niyang tanong sa mga ito.
            “Where’s my daughter?” Tanong din ng ina ng nobya niya.
            Nagkatinginan naman ang mga ito bago sumagot. “She’s in a hospital right now.”

NAGISING si Hope sa isang pamilyar na lugar. Sandaling inisip niya kung patay na siya at nasa langit na siya. Nang lumabas kasi siya ng silid, natanaw niya ang isang bakuran na punong-puno ng mga tanim na iba’t-ibang uri ng mga halaman at bulaklak at parang binabalot niyon ng katahimikan ang puso niya. Sa di kalayuan ay natatanaw naman niya ang isang malawak at luntiang kapaligiran. Pakiramdam niya ay nasa mataas siyang lugar.
            Biglang humangin ng malakas at niyakap niya ang sarili.
            “Giniginaw ka ba?”
            Nilingon niya ang nagtanong. Nakita niya ang isang matangkad na lalaki na mayroong napakaganda at napakabait na mga mata. Tinitigan niya ang mukha nito pero hindi niya maalala kung sino ito.
            “Hope sweetheart?” Mahinang tawag nito sa kanya. Mababakas ang pag-aalala sa boses nito. Hindi siya sumagot.
            Nakatitig pa rin sa kanya ang lalaki. Hindi niya gusto ang pakiramdam sa dibdib niya dahil sa pagkakatingin nito. Parang sinasaklot ang puso niya. Parang sasabog ang dibdib niya.
            Tumalikod siya upang muling humarap sa bakuran. Umupo siya sa isang upuan na naroroon upang kalmahin ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.

NAKATAYO si Jagger sa pintuan habang pinapanood si Hope. Isang linggo na niyang binabantayan at inaalagaan ang nobya sa kubong pag-aari niya na nakatayo sa isang mataas na lugar na sakop ng hacienda nila. Pero hindi pa rin nagbabago ang kondisyon nito. Hindi pa rin ito nakikipag-usap kahit kanino lalo na sa kanila na tila hindi sila nito kilala. Nang araw na puntahan nila ito sa hospital na pinagdalhan dito ay hindi niya naiwasang mapaluha sa nakitang kondisyon ng nobya. Naabutan nila ito na nakatitig lang sa kawalan at walang patid ang pagtulo ng mga luha nito. Natagpuan rin nila doon ang kapatid ni Tristan na si Trina na siyang nakakita kay Hope na namamaluktot sa tabi ng puntod ng lalaki habang umiiyak at yakap-yakap ang larawan ng huli.
            Ayon sa psychiatrist na tumingin dito ay nagkaroon ito ng mild catatonia na resulta iyon ng nervous breakdown at isang panandaliang kondisyon lang. Hindi naman daw ito malala dahil nagre-react pa ito sa mga nangyayari sa paligid. Kaya lang ay hindi ito nagsasalita o nagbibigay ng impresyon na may gusto itong sabihin. Kung mabibigyan ito ng sapat na pag-aalaga, mabilis daw ang magiging recovery nito.
            Humakbang siya palapit dito ngunit hind man lamang ito tumingin sa kanya. Lumuhod siya sa harap nito at humaplos ang kamay niya sa pisngi nito.
            “I’m sorry, sweetheart. I never meant to hurt you.” Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at tinitigan ito. “Mahal na mahal kita…”
            Kumurap ito at marahang tumulo sa magkabilang pisngi nito ang mga luha. Niyakap niya ito ng mahigpit upang iparamdam dito kung gaano niya ito kamahal, na nagsisisi rin siya na nasaktan niya ito ng labis. Hinigpitan niya ang pagkakayakap dito kasabay ng pagtulo ng mga luha niya.

MADILIM pa ng magmulat ng mga mata si Hope. Ang malamlam na ilaw na nagmumula sa lamp shade ang tanging nagbibigay ng liwanag sa silid na kinaroroonan niya. Inilibot niya ang paningin at nakita niya ang isang pigura na nakahiga sa sofa. Nilapitan niya iyon.
            “Jagger…” Nang banggitin niya ang pangalang iyon ay unti-unting nagbalikan sa kanya ang alaala. Muli siyang nakaramdam ng paninikip ng dibdib. Gusto niyang gisingin ang lalaki ngunit nagpasya na lamang siyang lumabas ng silid patungo sa verandah. Bahagyang sumisilip na ang liwanag sa madilim na paligid.
            Nahulog siya sa malalim na pag-iisip at bumabagabag sa kanya ang lahat ng mga bagay na pinigilan ng isip niyang isipin sa loob ng mga nagdaang araw. Tinanaw niya ang kapaligiran at nalaman niyang naroon siya ngayon sa kubo ni Jagger. It was so beautiful it brought fresh tears to her tired eyes. Pinahid niya ang mga luhang naglandas mula sa kanyang mga mata.
            “Hope!” Narinig niya ang pagtawag at ang nag-aalalang boses ni Jagger mula sa loob.
            “I am here.” Mahinang tugon niya pero hindi niya nilingon ang lalaki. Naramdaman niyang nasa tabi na niya ito at nagpasya siyang humarap dito. His features were perfectly defined and she knew exactly how she would sketch his handsome face.
            “Nakikilala mo na ba ako?”
            Ngumiti siya ng marahan sabay sambit sa pangalan nito. “Jagger…”
            Agad siyang niyakap nito ng mahigpit. “Thank God, you’re back!”
            Kumawala siya mula sa pagkakayakap nito. “Don’t worry, I’ll be fine.”
            Tila nagulat naman ito sa malamig niyang pakikitungo dito. “Hope?”
            Tinalikuran niya ito at naglakad na muli siya papasok ng silid.
            “I’m sorry…” Narinig niyang sabi ni Jagger.
            Umiling siya. “No, Jagger. I’m sorry. Ipinagpilitan ng pamilya ko ang sarili ko sa’yo. Hindi mo na rin kailangang kaawaan ako lalo na ang pagpustahan ako!”
            “Hindi lang iyon awa, Hope. Hindi ka rin namin pinagpustahan. Kailanman ay hindi mangyayari ‘yun. Nagbibiro lang si Marco nang marinig mo iyon. I really do love you.”
            Umiling na muli siya at narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Jagger.
            “Ano’ng kailangan kong gawin para paniwalaan ako?”
            “Hindi yata ikaw ang may kailangang gawin. Kailangan kong sigurong hanapin ang sarili ko. At kapag nagawa ko na iyon, baka matutuhan ko uling maniwala.”
            Naghari ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Hinawakan siya nito at hinayaan na lamang niya ang lalaki.
            “Okay, Hope. Do that. I will wait for you.” Pangako nito sa kanya.

THREE MONTHS LATER…
            “Good morning, Ms. Leviste!” Nakangiting bati sa kanya ni Kean at ng mga kabataang naroroon sa maliit na function hall ng Inn Sagada and Restaurant. Tatlong buwan na siyang nagbabakasyon doon mula ng umalis siya sa kubo ni Jagger. Bago magtungo sa lugar na iyon ay nag-iwan na lamang siya ng sulat sa mga magulang at kaibigan na kailangan muna niyang lumayo para makapag-isip. Hindi niya sinabi kung saan siya pupunta para hindi siya masundan ng mga ito. Tinatawagan na lang niya paminsan-minsan ang mga ito para hindi na mag-alala pa. Napadpad siya sa Sagada sapagkat nakita niya ang calling card ni Kean Rodriguez na nailagay pala niya sa kanyang bag noong araw na nag-eskandalo sa opisina niya si Marianna. Pinuntahan niya ito at nagpakilala siya na isa sa mga may-ari ng Fetê Accompli. Idinahilan na lamang niya na gusto niyang makita ang lugar na pagdadausan ng okasyong iseselebra nito para daw sa inaanak nito. Agad naman siyang winelcome nito at binigyan siya ng kuwartong may pinaka-magandang view ng Sagada. Halatang nagulat ito ng sabihin niyang ilang buwan siyang mag-istay doon ngunit hindi na ito nagtanong pa. Sa tagal ng pag-istay niya sa guesthouse ay parang kapamilya na rin ang turing ng mga tao roon sa kanya. Katulad ngayon, napagkasunduan nila ng lalaki na magdaos ng training/seminar para sa mga kabataan doon na mahilig sa photography. Pinaunlakan naman niya iyon para may pagkaabalahan na rin siya.
            “Good morning sa inyong lahat!” Nakangiting bati niya. Nang magtama ang kanilang paningin ni Kean ay sumenyas ito na bumagay sa kanya ang bagong gupit niyang buhok na hanggang baba na ang haba. Napailing na lamang siya at sinimulan na niya ang pagtuturo sa basic photography.

“HOPE!”
            Nilingon ni Hope ang tumawag sa kanya. Nakita niya si Kean na nakatayo malapit sa kanya. Agad niyang nginitian ito. Kasalukuyan kasi silang nasa isang view point na malapit sa Echo Valley at Hanging Coffins. Doon niya dinala ang mga estudyante nila upang kumuha ng mga larawan.
            “Kean, what are you doing here?”
            “May naghahanap sa’yo.” Sabi na lamang nito at nang umalis ito mula sa kinatatayuan ay tumambad sa kanya ang malaking bulto ni Jagger. Napamaang siya nang mabistahan ang hitsura nito. Mukhang pagod na pagod ito at may stubbles na rin sa paligid ng mukha nito. Lalo pang nakadagdag appeal sa lalaki ang hitsura nito.
            “Jagger?”

“I MISS YOU, Hope…”
            Bungad agad ni Jagger sa kanya. Sila na lamang dalawa ang naiwan sa lugar na iyon. Humalikipkip siya habang nakatanaw sa kabundukang nasa harapan niya.
            “What are you doing here, Jagger?”
            Hinawakan siya nito at iniharap siya. Mataman siyang tiningnan nito sa mga mata niya. “Hindi na ako makapaghintay sa pagbabalik mo kaya hinanap kita. Hindi ko kayang hindi kita nakikita at nakakasama sa loob ng isang araw. Three months and it’s pure hell to me.”
            “Jagger…”
            “Mahal na mahal kita, Hope!” Madamdaming sabi ng lalaki sa kanya. “Maniwala ka sana…”
            Napabuntong-hininga siya upang maibsan ang emosyong nagsisimula ng bumalot sa puso niya. Hindi na niya maikakaila sa sarili na sa loob ng ilang buwan na nahiwalay siya sa lalaki ay araw-araw niyang dinadalangin na sana ay hanapin siya nito upang makapagsimulang muli sila. Mahal na mahal din niya si Jagger at matagal na rin niya itong napatawad. Sinapo niya ang magkabilang pisngi nito sabay gawad ng mabining halik sa mga labi nito na labis nitong ikinagulat.  
            “Hope…”
            “I want to be with you forever so that I can love you in a way that no one else can and care for you in a manner that only I would. But they broke my heart when they said forever isn’t true. Can we prove them wrong by working on forever, just me and you?”
            Halatang hindi makapaniwala si Jagger sa sinabi niya. “Hindi ka na galit sa akin? Pinapatawad mo na ba ako?”
            Tumango siya. “Noon pa. Noong nasa kubo tayo. Gusto ko lang mahanap ang sarili ko.”
I just want you to know how happy am I to have you in my life and I thank God for that. Thank you for the love and the joy you bring. I love you so much, sweetheart!” Sabi ni Jagger sabay yakap ng mahigpit sa kanya.
“I love you too, Jagger…”
And they sealed it with a kiss.

“JAGGER, paano mo nga pala ako nahanap?”
            Tanong ni Hope sa kanya habang magkahawak sila ng kamay na naglalakad pabalik ng Inn Sagada and Restaurant.
            Napangiti siya at dinampian niya ng halik sa sentido ang nobya. “Mr. Rodriguez contacted me.”
            Napamulagat ito. “Si Kean?”
            Tumango siya bilang pagsagot. “Concern daw siyang kaibigan. Hindi na daw niya matiis ang mga paghihirap mo gabi-gabi. Hindi mo ba alam na naririnig niya ang mga iyak mo? Tapos nung minsang magkayayaan kayo ng mga kaibigan niya na mag-inom at malasing ka, bigla ka na lang daw nagkuwento sa kanila about us. Kaya hayun, ipinahanap niya ako.”
            “Si Kean talaga…” Napapailing ngunit napapangiting sambit ng nobya niya. Pinagmasdan niya ito at walang anu-ano ay biglang lumuhod siya sa harapan nito at sa kalagitnaan ng daan na ikinagulat ng huli. “Jagger, what are you doing?”
            Ginagap niya ang kaliwang kamay nito at isinuot ang diamong engagement ring sa palasingsingan nito. “When I say I love you, please believe it’s true. When I say forever, you know I’ll never leave you. When I say goodbye, promise me you won’t cry. Because the day I’ll be saying that would be the day I die.
            “Oh, Jagger…” Mangiyak-ngiyak na sabi ni Hope sa kanya.
            “Hope Marie Leviste, would you be my wife and the mother of my children?”
            “Of course, yes, Jagger! I would love to!”
            Agad siyang tumayo at niyakap niya ang nobya ng mahigpit. Mariing naglapat ang mga labi nila upang ipadama ang pagmamahal nila sa isa’t-isa.
            This is the start of our forever… I love you so much, Hope!



Epilogue

SYDNEY, AUSTRALIA… after a month
            Nakatayo si Trina sa harap ng isang glass wall panel sa isang private facility doon habang pinagmamasdan ang taong nakahimlay sa isang hospital bed. Kung anu-anong aparato ang nakakabit sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nito. Maririnig din ang tunog ng cardiac monitor na nasa gilid ng kinahihigaan nito. Mahigit isang taon ng comatose ang kuya Tristan niya nang dahil sa isang aksidente. Hindi na halos makilala ang hitsura nito sapagkat hupyak na hupyak na ang pisngi nito. Hindi na naman niya mapigilang mapaiyak at wala sa sariling napahawak sa salaming nakapagitan sa kanilang dalawa. Hawak naman niya sa isang kamay niya ang isang wedding invitation. Imbitasyon iyon para sa kasal ng dating nobya ng kuya niya na si Hope at ng kasintahan nitong si Jagger.
            “Kuya, I have news for you.” Lumunok muna siya bago muling nagsalita. “Ikakasal na si ate Hope. Sayang, ‘no? Sana kayo na ang mag-asawa ngayon pero hindi nangyari. Alam mo naman siguro kung bakit hindi kayo nagkatuluyan, ‘di ba?”
            Bumuntong-hininga muli siya at pilit pinapalis ang mga luhang namamalisbis sa pisngi niya. “Sana, kuya Tristan, sa paggising mo eh mapatawad mo kami nina Papa at Mama sa ginawa namin sa inyong dalawa ni ate Hope.” Lalo siyang napahagulhol sa sinabi. “Maiwan muna kita. Babalik na lang uli ako bukas. I love you, kuya…” Huling sambit niya bago iwan ito. Hindi na niya nakita ang paggalaw ng mga daliri ni Tristan at ang pagmulat nito.
            “Hope…” Sambit ni Tristan bago uli siya nilamon ng kadiliman.   

- WAKAS -


<< Previous

2 comments: