Monday, October 29, 2012

Jagger's Hope - Finale & Epilogue


“OH MY GOD… pustahan lang ang lahat?”
            Natutop ni Hope ang bibig niya upang hindi humulagpos ang impit niyang pag-iyak. Hindi siya makapaniwala na nagawa sa kanya ni Jagger at ng pamilya niya ang ganoong bagay. Kakatok na sana siya sa library nang mapansin niyang nakabukas na ang pinto niyon. Akmang itutulak na lamang niya iyon nang marinig niya ang sinabi ng kanyang ama. Hindi niya maiwasang mapangiti sa sinabi ng huli. Pero agad ding naglaho ang mga ngiti niya ng marinig niya ang sinabi ng Uncle Marco niya kay Jagger at ang isinagot ng huli. Nagimbal siya sa rebelasyong iyon at tila umaalingawngaw ng paulit-ulit sa isipan niya ang mga sinabi ng mga ito at ni Marianna sa kanya. Nang humupa ang pagtangis niya ay agad napalitan iyon ng galit. Agad niyang pinalis ang mga luhang walang humpay ang pagpatak mula sa kanyang mga mata. Kasabay niyon ay ang pagtiim ng mga bagang niya at pagkuyom ng kanyang mga kamao. Bago pa malaman ng mga ito ang presensiya niya ay dali-dali siyang umalis sa lugar na iyon.
            I hate all of you! Napaka-walanghiya mo, Jagger del Cielo!

“WHAT do you mean nawawala ang anak ko?”
            Nanggagalaiting tanong ng ina ni Hope sa mga tao roon. Malalim na ang gabi pero wala pa rin si Hope. Walang makapagsabi kung saan ito nagpunta. Nang puntahan niya sa opisina nito ang nobya ay sinabi ng mga kaibigan ng huli na maaga itong umuwi. Napansin din niya ang aloofness na pakikittungo ng mga ito sa kanya na ipinagtataka niya. He sensed that there’s something wrong that time. Pero binalewala niya iyon dahil nag-alala siya sa nobya. Ilang beses na niya itong tinatawagan pero hindi nito sinasagot ang tawag niya hanggang sa hindi na niya ma-contact ang cellphone nito. Agad siyang humingi ng tulong sa magulang ni Hope ngunit magpasanghanggang ngayon ay hindi nila ito mahanap. Napapitlag pa siya nang tawagin siya ni Mrs. Leviste.
            “Jagger!”
            “Yes, Ma’am…”
            “Nag-away ba kayo ng anak ko?”
            “No, Ma’am!”
            “Then, where is my daughter?”
            Hindi siya makasagot sa tanong ng ginang. Frustrated na tumingin ito sa kanya at tinalikuran na siya. Naupo ito sa sofa sa sala at humagulhol ng iyak. Agad namang dinaluhan ito ng kabiyak nito. Pasimple naman siyang hinila ni Marco palabas ng sala. Doon siya nito dinala sa lanai. Halata ang pamumutla sa mukha nito.
            “Marco, ba’t namumutla ka? May problema ba?”
            Tumikhim muna ito. “Jagger, may problema. Ayon sa isang kasambahay nina ate Marita eh dumating kanina dito si Hope noong nasa library tayo. Pero nakasalubong daw uli nito si Hope na dali-daling lumabas ng bahay at sumakay ng kotse nito. And worst of all, she’s crying.”
            “Oh, shit!” Sambit niya. Nakadama agad siya ng kaba. Maang na napatingin siya sa lalaki. “Baka narinig niya ‘yung biruan natin kanina about sa partnership natin.”
            “Exactly my sentiments.” Nanlulumong sagot naman ni Marco. Nasa ganoon silang sitwasyon nang humahangos na dumating ang mga kaibigan ni Hope. Agad din naman silang pumasok ni Marco sa loob.
            “Tito, Tita, alam na namin kung nasaan si Hope!”
            “Where is she?” Agad naman niyang tanong sa mga ito.
            “Where’s my daughter?” Tanong din ng ina ng nobya niya.
            Nagkatinginan naman ang mga ito bago sumagot. “She’s in a hospital right now.”

NAGISING si Hope sa isang pamilyar na lugar. Sandaling inisip niya kung patay na siya at nasa langit na siya. Nang lumabas kasi siya ng silid, natanaw niya ang isang bakuran na punong-puno ng mga tanim na iba’t-ibang uri ng mga halaman at bulaklak at parang binabalot niyon ng katahimikan ang puso niya. Sa di kalayuan ay natatanaw naman niya ang isang malawak at luntiang kapaligiran. Pakiramdam niya ay nasa mataas siyang lugar.
            Biglang humangin ng malakas at niyakap niya ang sarili.
            “Giniginaw ka ba?”
            Nilingon niya ang nagtanong. Nakita niya ang isang matangkad na lalaki na mayroong napakaganda at napakabait na mga mata. Tinitigan niya ang mukha nito pero hindi niya maalala kung sino ito.
            “Hope sweetheart?” Mahinang tawag nito sa kanya. Mababakas ang pag-aalala sa boses nito. Hindi siya sumagot.
            Nakatitig pa rin sa kanya ang lalaki. Hindi niya gusto ang pakiramdam sa dibdib niya dahil sa pagkakatingin nito. Parang sinasaklot ang puso niya. Parang sasabog ang dibdib niya.
            Tumalikod siya upang muling humarap sa bakuran. Umupo siya sa isang upuan na naroroon upang kalmahin ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.

NAKATAYO si Jagger sa pintuan habang pinapanood si Hope. Isang linggo na niyang binabantayan at inaalagaan ang nobya sa kubong pag-aari niya na nakatayo sa isang mataas na lugar na sakop ng hacienda nila. Pero hindi pa rin nagbabago ang kondisyon nito. Hindi pa rin ito nakikipag-usap kahit kanino lalo na sa kanila na tila hindi sila nito kilala. Nang araw na puntahan nila ito sa hospital na pinagdalhan dito ay hindi niya naiwasang mapaluha sa nakitang kondisyon ng nobya. Naabutan nila ito na nakatitig lang sa kawalan at walang patid ang pagtulo ng mga luha nito. Natagpuan rin nila doon ang kapatid ni Tristan na si Trina na siyang nakakita kay Hope na namamaluktot sa tabi ng puntod ng lalaki habang umiiyak at yakap-yakap ang larawan ng huli.
            Ayon sa psychiatrist na tumingin dito ay nagkaroon ito ng mild catatonia na resulta iyon ng nervous breakdown at isang panandaliang kondisyon lang. Hindi naman daw ito malala dahil nagre-react pa ito sa mga nangyayari sa paligid. Kaya lang ay hindi ito nagsasalita o nagbibigay ng impresyon na may gusto itong sabihin. Kung mabibigyan ito ng sapat na pag-aalaga, mabilis daw ang magiging recovery nito.
            Humakbang siya palapit dito ngunit hind man lamang ito tumingin sa kanya. Lumuhod siya sa harap nito at humaplos ang kamay niya sa pisngi nito.
            “I’m sorry, sweetheart. I never meant to hurt you.” Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at tinitigan ito. “Mahal na mahal kita…”
            Kumurap ito at marahang tumulo sa magkabilang pisngi nito ang mga luha. Niyakap niya ito ng mahigpit upang iparamdam dito kung gaano niya ito kamahal, na nagsisisi rin siya na nasaktan niya ito ng labis. Hinigpitan niya ang pagkakayakap dito kasabay ng pagtulo ng mga luha niya.

MADILIM pa ng magmulat ng mga mata si Hope. Ang malamlam na ilaw na nagmumula sa lamp shade ang tanging nagbibigay ng liwanag sa silid na kinaroroonan niya. Inilibot niya ang paningin at nakita niya ang isang pigura na nakahiga sa sofa. Nilapitan niya iyon.
            “Jagger…” Nang banggitin niya ang pangalang iyon ay unti-unting nagbalikan sa kanya ang alaala. Muli siyang nakaramdam ng paninikip ng dibdib. Gusto niyang gisingin ang lalaki ngunit nagpasya na lamang siyang lumabas ng silid patungo sa verandah. Bahagyang sumisilip na ang liwanag sa madilim na paligid.
            Nahulog siya sa malalim na pag-iisip at bumabagabag sa kanya ang lahat ng mga bagay na pinigilan ng isip niyang isipin sa loob ng mga nagdaang araw. Tinanaw niya ang kapaligiran at nalaman niyang naroon siya ngayon sa kubo ni Jagger. It was so beautiful it brought fresh tears to her tired eyes. Pinahid niya ang mga luhang naglandas mula sa kanyang mga mata.
            “Hope!” Narinig niya ang pagtawag at ang nag-aalalang boses ni Jagger mula sa loob.
            “I am here.” Mahinang tugon niya pero hindi niya nilingon ang lalaki. Naramdaman niyang nasa tabi na niya ito at nagpasya siyang humarap dito. His features were perfectly defined and she knew exactly how she would sketch his handsome face.
            “Nakikilala mo na ba ako?”
            Ngumiti siya ng marahan sabay sambit sa pangalan nito. “Jagger…”
            Agad siyang niyakap nito ng mahigpit. “Thank God, you’re back!”
            Kumawala siya mula sa pagkakayakap nito. “Don’t worry, I’ll be fine.”
            Tila nagulat naman ito sa malamig niyang pakikitungo dito. “Hope?”
            Tinalikuran niya ito at naglakad na muli siya papasok ng silid.
            “I’m sorry…” Narinig niyang sabi ni Jagger.
            Umiling siya. “No, Jagger. I’m sorry. Ipinagpilitan ng pamilya ko ang sarili ko sa’yo. Hindi mo na rin kailangang kaawaan ako lalo na ang pagpustahan ako!”
            “Hindi lang iyon awa, Hope. Hindi ka rin namin pinagpustahan. Kailanman ay hindi mangyayari ‘yun. Nagbibiro lang si Marco nang marinig mo iyon. I really do love you.”
            Umiling na muli siya at narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Jagger.
            “Ano’ng kailangan kong gawin para paniwalaan ako?”
            “Hindi yata ikaw ang may kailangang gawin. Kailangan kong sigurong hanapin ang sarili ko. At kapag nagawa ko na iyon, baka matutuhan ko uling maniwala.”
            Naghari ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Hinawakan siya nito at hinayaan na lamang niya ang lalaki.
            “Okay, Hope. Do that. I will wait for you.” Pangako nito sa kanya.

Friday, October 26, 2012

Jagger's Hope - Chapter 9


HINDI makapaniwala si Hope na magkikitang muli sila ng nakababatang kapatid ni Tristan and of all places dito pa sa Laguna sila nagkita. Simula kasi nang mamatay si Tristan ay naisipang mag-migrate na sa Australia ang pamiyang Young upang maka-move on sa pagkamatay ng dati niyang nobyo.
            “Ate Hope!” Tawag muli sa kanya ni Trina sabay yakap ng mahigpit sa kanya.
            “Trina…” Ganting yakap naman niya. Hindi niya napigilang mapaluha at ganoon din ang dalaga sa kanya. Nang mahimasmasan ay nagkatinginan at nagkatawanan pa. Pinaupo niya ito at agad niyang tinawag ang waiter upang umorder. “What do you want to eat, Trina?”
            “Kahit ano na lang, ate.”
            Tumingin siya sa waiter at ibinigay ang order niyang merienda para sa dalaga. Nang makaalis ang waiter ay ginagap niya ang kamay ni Trina. “I can’t believe you’re here, little sis.”
            “Me too, ate…” Kiming sagot nito pero nakangiti naman.
            “Is there something wrong?” Seryosong tanong niya. Mukha kasi itong balisa at hindi makatingin sa kanya ng diretso. Mahigpit rin ang pagkakahawak nito sa bag na dala nito. “Trina?”
            Halatang nagulat ito sa pagtawag niya. “Ate, sorry…”
            Nginitian naman niya ito at tinapik-tapik ang kamay nitong hawak niya. “It’s okay, Trina.”
            “Naninibago lang kasi ako, ate. It’s been a year since we saw each other.”
            Ngumiti na lamang siya sa sinabi nito. “By the way, kailan ka pa dumating at paano mo ako natunton?”
            “Kadarating ko lang two days ago.” Sagot naman nito. “I-I went to your office and they told me that you’re here in Laguna. They gave me your address.”
            Napatango na lamang siya. Mukhang may sasabihin pa ito pero dumating na ang order nito. “Kain ka na muna, Trina. Alam kong napagod ka sa byahe.”
Tumalima naman ito at habang kumakain ay pinagmamasdan niya ang bunsong kapatid ni Tristan. Mukhang nangayayat ito at nababakas sa mukha nito na may matinding problema itong dinadala. O baka naman nagkakamali lamang siya. Pagod lang siguro ito sa byahe. Bumuntong-hininga muna siya bago nagsalita. “Kumusta ang Papa at Mama mo? Sino nga pala ang kasama mo pagpunta dito?”
“May kasama akong driver.” Tugon nito. “I-I went here just to see you if you were doing fine, Ate Hope.”
Napangiti naman siya. “I’m doing fine now, Trina.”
“That’s good to hear.” Sabi nito sa pagitan ng pagkain. “Balita ko rin, may nagpapatibok na uli ng puso mo.”
Hindi niya maiwasang mapangiti sa binanggit nito. Nagliwanag ang mukha niya nang maalala ang nobyong si Jagger. Hindi nakaligtas kay Trina ang emosyong dumaan sa mukha niya. Nabigla na lamang siya ng biglang may pumatak na luha sa mga mata ng dalaga. Nag-alala naman siya para dito.
“Oh my God, Trina, what’s wrong?”
Umiling naman ito at mahigpit na humawak sa kamay niya na nakapatong sa lamesa. “Ate, I-I’m just happy for you. I thought hindi ka na makaka-move on sa pagkawala ni kuya. But…”
“But what, Trina?”
Umiling lamang ito. “Isa lang ang hihilingin ko sa’yo, ate Hope.”
“Your wish is my command, little sis.”
“Just don’t forget kuya Tristan in your heart. He loves you so much and wherever he is, alam kong masaya na rin siya para sa’yo.”
“I know, Trina. And don’t worry; he will always be in my heart.”

“WHO’S that?”
            Tanong ni Jagger kay Hope nang makalapit siya sa dito at makita niya ang nobya na may kinakawayang papalayong sasakyan sa labas ng coffee shop na napag-usapan nilang pagtatagpuan. Tumingin naman sa kanya si Hope sabay yakap sa beywang niya at nginitian siya. Nag-alala siya ng makitang medyo pugto ang mga mata nito. “What happened? Umiyak ka ba?”
            “Wala ito, Jagger.”
            “Anong wala? At sino ba ‘yung kinakawayan mo?”
            “Si Trina ‘yun. Kapatid ni Tristan.” Sagot nito na ikinakunot ng noo niya. “Dinalaw n’ya ako. She wanted to make it sure of I’m doing fine.”
            “Ah, okay.” Tanging sambit na lamang niya. “Sayang hindi ko man lamang naabutan upang makilala ko siya.”
            “Maybe next time, sweetheart.” Sagot naman ni Hope sa kanya. “So, tara na sa loob para makapag-merienda ka na.”
            “Let’s go.” Sabi niya sabay akbay sa nobya.

NAPAGKASUNDUAN nina Hope at ng mga kaibigan nito na pwede once a week lang muna siya magtatrabaho hanggang wala pang clearance ang doctor niya na fit na siyang mag-work uli. Noong una ay ayaw pumayag ni Jagger pero sa bandang huli ay napapayag din niya ito. Pero sa kondisyong tuwing Lunes lang siya papasok. Pagkatapos nilang magsimba ng linggo ay inihahatid na siya ng nobyo pauwi sa bahay nila sa Makati at uuwi naman ito ng Laguna matapos ang hapunan sa bahay ng mga magulang niya. Kapag may emergency sa barangay hall at hindi siya maihahatid nito ay kay Jakobe siya nito pinasasabay pagluwas ng Maynila. Susunduin naman siya ni Jagger tuwing Lunes ng hapon para umuwi na ng Laguna.
            Tulad ngayon, nasa Fetê Accompli siya to check everything in her department. Kasalukuyang nagmi-meeting sila sa conference room ng kumpanya nila. Madami kasi silang naka-line up na projects and events para sa mga darating na mga araw at buwan. Ang pinaka-malayong lugar na gustong kumuha ng serbisyo nila ay sa Sagada. Napasipol siya ng makita ang wishlist ng magiging kliyente nila na taga-doon. After reading it, a certain Kean Rodriguez signed their client’s information sheet.
            “Wow, ang yaman ng Sagada client natin.” Taas-kilay na sabi niya.
            “Sinabi mo pa, sissy!” Kinikilig na sabi ni Geo. “According to him, walang problema sa kanya ang gastos.”
            “Talaga lang ha?” Sabi naman niya. “Eh bakit kinikilig ka d’yan?”
            “Paano naman, Hope, sobrang guwapo ni Mr. Rodriguez.” Sabat naman ni Ymilia na sinegundahan naman ni Sherry.
            “Ang guwapo n’yang taga-bundok!” Sabi naman ng huli na sinang-ayunan ng mga kababaihan doon.
            “Super duper gwapo ni Sir Kean!”
            “Makalaglag underwear!” Halos sabay-sabay na sabi ng mga kababaihang staff nila na ikinapalatak na lamang ng mga kalalakihan doon.
            “Okay, enough of Mr. Rodriguez.” Awat niya sa mga ito na ikinatahimik naman ng mga naroroon. Humalikipkip siya habang sumandal sa executive chair na naroroon. “So, who’s willing to go to Sagada?” Agad nagtaasan ng mga kamay ang mga naroroon including Geo na nangniningning ang mga mata. She tried to suppress her smile. Napatawa naman sina Sherry at Ymilia. “I have a suggestion na para makasama ang lahat sa Sagada ay isasabay na rin natin ang annual vacation ng company. What do you think, guys?” Tanong niya sabay tingin sa mga kaibigan niya.
            “That’s a good idea for me. Maiba naman. Lagi na lamang kasi tayo sa beach.” Sang-ayon naman ni Ymilia.
            “Okay lang sa akin basta maraming guwapo.” Sabi naman ni Sherry sabay hagikhik nito. Nag-high five pa ang mga ito at si Geo. Nagkatinginan na lamang sila ni Ymilia at napailing.
            “Sige, pag-usapan nating mabuti. Ang department ni Sherry ang bahala sa budgeting.”
            “Ako naman ang bahala kay Mr. Rodriguez!” Malanding tili ni Geo na ikinatawa ng lahat. Nasa ganoon silang eksena nang kumatok at pumasok ang receptionist nila.
            “Ma’am Hope?”
            “Yes, Kayt?”
            Alanganing ngumiti ito sa kanya. “Ma’am, may bisita po kayo sa labas.”
            “Sino daw?”
            “Yung artista pong si Marianna Saavedra.”
            Nakarinig siya ng mga anasan sa loob ng conference room. Nagkatinginan naman sila ng mga kaibigan niya with a puzzled look on their faces. Napabuntong-hininga muna siya bago uli sinulyapan si Kayt na nakatayo pa rin sa tabi niya.
            “Send her in to my office and give her something to drink.”
            “Yes, Ma’am.” Sagot ng dalaga sa kanya bago tumalima ngunit tinawag niya uli ito.
            “Marami ba siyang kasama ngayon?”
            “Wala po. Siya lang po mag-isa.”
            “Okay.” Kibit-balikat na lamang niya. “Susunod na lang kamo ako after five minutes.”
            “Okay po.” Lumabas na ng conference room si Kayt at nang tingnan uli niya ang mga ka-meeting niya ay matamang nakatingin ang mga ito sa kanya.
            “What?”
            “Haharapin mo si Marianna?” Sabay-sabay na sambit ng mga kaibigan niya. Nababanaag sa mga mukha ng mga ito ang pag-aalala.
            “Oo nga, Ma’am Hope. War-freak si Ms. Saavedra.” Sabi naman ng isa sa mga empleyado nila.
            Nginitian naman niya ang mga ito. “Don’t worry, guys. Potential din nating client si Marianna. Malay n’yo, she came here to book an event. Be positive!” Masayang sabi niya para hindi na mag-alala ang mga ito lalo na ang mga kaibigan niya.
            “Hope…” Tawag sa kanya ng mga kaibigan niya.
            Umikot ang mga mata niya sa OA na reaksiyon ng mga ito. “I have to go. Baka mainip si Marianna. Ituloy n’yo na lang ang meeting.” Sabi na lamang niya at iniwan ang mga ito.

Wednesday, October 24, 2012

Jagger's Hope - Chapter 8


ISANG araw ay naisipang lumuwas ng Maynila ni Hope upang dalawin ang puntod ni Tristan. Maaga siyang umalis, drive ang kanyang Mini Cooper. Sa kanyang lola na lamang siya nagpaalam. Hindi na siya nagpaalam kay Jagger sapagkat magpupumilit pa ang lalaki na sumama sa kanya. Ayaw naman niyang maabala ito dahil magiging abala ang lalaki sa isang charity event na gaganapin sa barangay nila. Doon ito idadaos sa maluwang na covered court ng lugar nila. Sa halip na tawagan o itext, nag-iwan na lamang siya ng mensahe para dito sa isang tanod na naka-duty ng mga oras na iyon. Bumili muna siya ng mga pasalubong para sa mga magulang niya at mga kaibigan. Nang makarating sa Maynila ay dumaan muna siya sa bahay nila sa isang exclusive village sa Makati. Nasorpresa ang mga magulang niya nang dumating siya. Hindi magkamayaw ang mga ito sa pagyakap at paghalik sa kanya. Sobrang namiss nila ang isa’t-isa.
            “Kumusta ka na, anak?” Tanong sa kanya ng Mama niya habang nag-aagahan sila sa lanai. “Ibang-iba na kasi ang aura mo ngayon. Hindi tulad ng dati nang ihatid ka namin sa lola mo.”
            “May nagpapasaya na ba uli sa’yo, iha?” Untag naman ng kanyang ama.
            Nginitian niya ang mga magulang bago sagutin ang mga ito. “I’m doing great, ‘Ma, ‘Pa.” Sinserong sagot niya na ikinangiti ng mga magulang niya. “That’s why I’m going to visit Tristan after this. I need to talk to him and para makapag-paalam na rin sa kanya.”
            “Gusto mong samahan ka namin?” Ang Mama niya.
            Umiling siya. “No, ‘Ma. I want to be alone with Tristan for the last time.”
            “Hayaan muna natin si Hope, Hon.” Sabi naman ng Papa niya. “Ang mahalaga ay nakapag-moved on na ang anak natin.”
            Lumapit naman sa kanya ang Mama niya at niyakap siya. “We’re happy for you, anak. Kung sinuman ang may kakagawan ng pagbalik ng kislap uli ng iyong mga mata, ay nagpapasalamat ako sa kanya ng lubos.”
            “Hope anak, kailangang makilatis namin ang lalaking ‘yun.”
            “Mama…Papa…” Namumulang sabi niya at pumasok ang imahe ni Jagger sa isip niya.

“HI, Tristan…”
            Bati ni Hope sa malaking litrato ng dating kasintahan na nasa loob ng musuleo ng pamilyang Young sa Heritage Park sa Fort Bonifacio. Nang mailagay at maisaayos ang mga bulaklak na dala niya para dito ay naupo na siya tabi ng puntod nito. Matapos masindihan ang mga kandila ay hinaplos muna niya ang malamig na lapida nito bago umusal ng panalangin. Nang makapagdasal ay kinuha niya ang larawan nito at niyakap habang nakatitig siya sa puntod nito.
            “Tristan…” Panimula niya. “Thank you for everything that you’ve done for me and everything that you gave to me.” Bumuntong-hininga siya sapagkat nagsisimula ng mamasa ang mga mata niya. “Sa loob ng pitong taong pagsasama natin, ang mga taong iyon ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. You always make me happy during those years. Kahit minsan eh inaaway na kita dahil lamang sa maliliit na bagay but you’re still nice and patient to me. You always care about me.”
Tuluyan na siyang napahagulhol at lalong napahigpit ang yakap niya sa larawan ni Tristan. “Nung mawala ka, gumuho ang mundo ko. Tila naligaw ako ng landas dahil wala ka na para i-guide ako. Nawalan ng buhay at kulay ang kapaligiran ko mula nang mawala ka. Hindi ko alam kung saan at paano ako magsisimula muli. Noong halos mawalan na ako ng ganang mabuhay, may dumating na isang tao na handang damayan ako sa kamiserablehan ko. He helped me to take away all the pains and sorrows I’ve been through. Hindi siya sumuko, Tristan until now. He is the reason why I gave my life another chance to live and to love again.”
Nagpahid siya ng luha at bahagyang napangiti nang pumasok sa isipan niya si Jagger bago nagpatuloy uli. “He is the reason why I’m here. Gusto kong ipaalam sa’yo na handa na akong harapin ang panibagong yugto ng buhay ko sa piling ni Jagger. Hayaan mo, I’ll bring him to you para makilala mo. He’s a great guy, Tristan!” Hindi na niya naitago ang sayang nararamdaman. “Bukod sa’yo, siya lang ang lalaking nakapagpatibok muli ng puso ko. He always makes me happy.” She sighed.
Hinaplos niya ang larawan ni Tristan at tinitigan bago nginitian. “Thank you for the love that you gave to me. I will surely miss you. I will miss everything about you. Always remember that, I will always love you and someday, we will see each other again. Thank you and goodbye, Tristan…”
Buong puso niyang hinalikan ang larawan ng dating kasintahan bago ibinalik sa kinalalagyan nito. Pagkatapos umusal muli ng panalangin ay nilisan na niya ang lugar kung saan doon nagwakas ang magandang istorya ng pagmamahalan nilang dalawa ni Tristan.

MULA ng umalis ng Laguna hanggang dumating si Jagger sa opisina ng Fetê Accompli ay hindi na ito mapakali. Paroon at parito ito sa loob ng conference room. Doon siya ini-entertain ng mga kaibigan ni Hope. Matamang pinapanood siya nina Geo, Sherry at Ymilia. Pinipigilan lang niyang mainis sa mga ito dahil pinagtatawanan siya ng mga ito sa ginagawi niya.  Nang matanggap niya ang mensahe ni Hope ay hindi siya nagdalawang-isip na sundan ito sa Maynila ngunit sa kasamaang-palad ay naudlot ang pag-alis sapagkat nagdatingan agad ang mga panauhin nila para sa charity event na gaganapin sa lugar nila. Isang oras pa ang itinagal niya bago pa siya nakaalis. Matapos ang opening address niya ay agad siyang nagpaalam sa mga ito pero nangakong babalik agad. Nagpahatid na lamang siya sa sakayan ng bus patungong Maynila. Hindi na siya nagpahatid sa driver niya at inutusan na lamang niya ito na magbantay sa naturang okasyon. Nakarating siya sa Rockwell dalawang oras bago magtanghali at iyon ay isang oras at kalahati na ang nakakaraan.
            “Kap, nahihilo na kami sa’yo kakalakad mo. Kalma ka lang, pwede?” Ani ni Geo habang may kung  anong binabasang papeles.
            “Oo nga naman, Kap.” Segunda naman ni Sherry na noo’y may nilalaro sa iPad nito. “Padating na si Hope. May pinuntahan lang.”
            “I already texted her. Wait na lang natin ang reply n’ya.” Sabad naman ni Ymilia habang hawak ang Blackberry phone nito.
            Wala siyang nagawa at humalikipkip na lamang sa isang tabi habang nakatanaw sa buong Makati. Bumuntong-hininga muna siya bago nagsalita. “Saan ba siya nagpunta? She’s not even answering my calls. Nagriring lang.” Narinig niya ang sabay na pagbuntong-hininga ng tatlo kaya napalingon siya sa mga ito. Nagkatinginan pa ang mga ito bago siya tiningnan. Si Geo ang sumagot sa katanungan niya.
            “Pumunta siya sa Heritage Park. Matagal na kasing hindi niya nadadalaw si Tristan eh.”
            Napatango na lamang siya at bago pa siya makapagsalita ay bumukas na ang pinto ng conference room. Iniluwa noon ang bulto ni Hope. Agad siyang napangiti ng makita ito ngunit agad ding naglaho iyon ng mapansin niyang namumugto ang mga mata nito. Mukhang hindi pa siya napapansin nito. Nang matapos makipag-beso ang dalaga sa mga kaibigan ay itinuro siya ng mga ito dito. Bakas sa mga mukha nito ang pagkagulat nang makita siya sa isang bahagi ng conference room.
            “Jagger?”
            Nginitian niya ito at nilapitan. “Hi, sweetheart!” Sabay gawad ng mabining halik sa nakaawang nitong labi. Nakarinig sila ng mga pagtikhim sa mga kaibigan nito. Hinapit naman niya sa beywang si Hope na wala pa ring imik mula pa kanina.
            “Maiwan muna namin kayong dalawa.” Si Geo uli. “Sa Banana Leaf lahat tayo magla-lunch. Nagpa-reserve na ako doon.”
            “Bye, guys! See you later.” Paalam pa ng mga ito sa kanilang dalawa.
Nang maisara ang pinto ay agad niyang niyakap ng mahigpit si Hope bago matamang tinitigan. Namumugto talaga ang mga mata nito.
“What’s wrong, Hope? Saan ka ba galing? Nag-alala ako nang malaman kong umalis ka ng Pila kanina.” Biglang yumakap sa kanya ang babae ng mahigpit. “Sweetheart…”

KUMALAS ng yakap si Hope kay Jagger at nginitian ito.
            “I visited Tristan for the last time. And…”
            “And what, sweetheart?”
            “Ahmmm… I said goodbye to him. I told him that I moved on and I’m giving myself a chance to live and to love again.”
            Nagningning ang mga mata ni Jagger sa huling sinabi niya. “You mean, you’re my girl now?”      
            Nahihiyang tumango siya sa binata. Hindi naitago ni Jagger ang kasiyahan sa mukha nito. Agad siyang siniil nito ng halik.
Pagkatapos ng pinagsaluhan nilang halik ay buong pagmamahal na tiningnan siya nito.  “I love you so much, Hope.” Madamdaming sabi ni Jagger sa kanya. “I love you… not only for what you are. But for what I am, when I am with you. I have smiled to many people for more than a billion times but when I first saw you, my heart took over and smiled for the first time.”
“Oh, Jagger…” Naluluhang sambit niya. “I know that when you say you love me and I admit that I’ve fallen for you. I know that I wouldn’t shed any tears from now on. Mahal na mahal din kita, Jagger del Cielo.”
And they sealed their love with a kiss.

Monday, October 22, 2012

Jagger's Hope - Chapter 7


“JAKOBE! HOPE!”
            Nagulantang at natahimik ang lahat nang dumagundong ang baritonong boses ni Jagger sa kapaligiran. Kulang na lang ay kumain ng tao ang hitsura nito at namumuti na ang mga kamao nito dahil sa pagkakakuyom. Nagkatinginan naman sina Jakobe at Hope. Nakita ng huli ang pangambang nakabanaag sa mata ng lalaki.
            “Patay…” Nakangiwing sabi ni Jakobe sa kanya.
            Nagkibit-balikat lamang siya. “May sumpong na naman ang kuya Jagger mo.” Nakarinig sila ng malakas na pagbulusok ng tubig at nakita na lamang nila si Jagger na naglalangoy palapit sa kanila. Nanlaki ang mga mata niya sapagkat hindi man lamang nag-abala itong hubadin ang suot na damit at basta na lamang tumalon sa ilog.  Nang malapit na sa kanila si Jagger ay napansin niyang nawala na rin sa tabi niya si Jakobe. Natanawan niya ang huli na naandoon na agad sa tabi ni Jarron at ng mga kaibigan niya. Bahagya pa itong nagkubli sa likod ng malaking bato roon. Napapitlag din siya nang biglang may humawak sa kamay niya at nakita si Jagger na nasa tabi na niya. Hindi maipinta ang mukha nito at nangangalit ang mga bagang.
            “Jagger, you’re here…” Sambit niya.
            “Let’s go!”
            “Where?”
            “Basta!” Sabi na lamang nito sabay alalay sa kanya paalis ng ilog. Nang makaahon sila sa tubig ay kulang na lang ay kaladkarin siya habang naglalakad. Mahigpit ang pagkakahawak ni Jagger sa kanyang kamay. Alanganin ang mga ngiting iginawad ng mga taong naroon. Natatakot marahil ang mga ito na salubungin ang galit ng lalaki. Walang imik na pinasakay siya ng lalaki sa sasakyan nito at nang makasakay ito sa driver’s seat ay agad nitong pinaharurot ang sasakyan palayo ng lugar.

HINDI maiwasang mamangha ni Hope nang matanawan ang isang nipa hut na may katamtamang laki. Nakatayo ito sa isang mataas na bahagi ng hacienda ng mga del Cielo. Maraming nakapalibot ditong mga puno, halaman at iba’t-ibang uri ng mga bulaklak. May isang bahagi din na halos tanaw mo ang kabuuan ng hacienda. Nang tumigil ang sasakyan ay hindi na niya nahintay si Jagger upang ipagbukas siya ng pinto. Agad siyang bumaba ng sasakyan upang pagmasdan ang kapaligiran.
            “Ang ganda-ganda dito, Jagger!” Sabi niya at nilingon ang lalaki na noo’y nakababa na rin ng sasakyan at naglalakad na papalapit sa kanya. Hindi pa rin maipinta ang mukha nito. “Alam mo, hindi ka bagay sa lugar na ito. Sinisira mo ang kagandahan ng lugar na ito dahil hindi maipinta ang mukha mo. Lagi ka na lang galit, Jagger.”
Pinamaywangan siya nito pero inismiran lamang niya at ipinagpatuloy ang pagmamasid sa paligid. Bahala ka sa buhay mo! Nagulat na lamang siya ng biglang hinapit siya ng lalaki palapit dito at ikulong siya sa mga bisig nito. “Jagger…”
“Hope, you’re mine… only mine!” Mariing sabi nito habang hinahalik-halikan ang tuktok ng ulo niya. “Ayaw kong may iba pang manliligaw sa’yo even my own brother. Gusto ko sa akin ka lang mai-inlove. Hindi p’wede sa iba!”
Napatingin siya dito at kahit kinikilig ay hindi niya napigilang mapatawa na lalong ikinakunot ng noo nito.
“What’s so funny?”
“Nakakatawa ka kasi.”
“Ganun? Tinatawanan mo lang ang nararamdaman ko para sa’yo?”
Lalo siyang napatawa dahil sa naging ekspresyon ng mukha nito. “Jagger…Jagger…Jag—” Hindi na niya naituloy ang sasabihin sapagkat siniil na siya ng halik ng lalaki. Napapikit siya sa sensasyong dulot ng halik nito. Awtomatikong tumaas ang dalawang braso niya sa leeg nito at sinuklian niya ang halik nito. Dahil sa pagtugon niya ay lalong lumalim ang halik na ginagawad sa kanya ng binata. “Ooohhh… Jagger…”
“I love the way you mention my name, sweetheart…” Anas ni Jagger sa pagitan ng halikan nila. “I want to hear my name when we make love… only my name, Hope.”
Me too, Jagger… only mine!

HINDI na nakatiis si Jagger at pinangko na niya si Hope papasok ng kubo na pag-aari niya. Isinara na lamang niya ang pinto sa pamamagitan ng isang paa. Habang patungo sa pinaka-silid ng kubo ay magkahinang pa rin ang mga labi nila. Nagsisimula na ring gumapang ang init sa buong sistema niya dahil magkadikit ang mga basa nilang katawan. Nakasuot pa naman si Hope ng swimsuit at ramdam na ramdam niya ang malambot nitong katawan. Nang makarating sa silid ay dahan-dahan niyang ibinaba sa kama ang dalaga. Pansamantalang pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ni Hope.
“You’re so beautiful, my only Hope…” Siniil na muli niya ng halik ito habang tinatanggal ang suot nitong swimsuit.  

NAPAPAPIKIT si Hope dahil sa sensasyong nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Tuluyan ng nahubad ni Jagger ang mga saplot nila at ramdam na ramdam na nila ang init ng mga katawan nila. She gasped when she felt his mouth on her breast and sucking like a hungry baby while his hand is busy kneading her other breast.
            “Jagger…” Anas niya. Tuluyan na siyang napapikit nang biglang lumitaw sa isip niya ang mukha ni Tristan. Tila binuhusan siya ng malamig na tubig at biglang naitulak si Jagger na ikinagulat naman ng huli. Pakiramdam niya ay namula ang buong katawan niya dahil sa pagkapahiya. Hindi niya akalaing magagawa niya ang ganoong bagay.
Hope Marie Leviste! Hindi ikaw ito na basta na lamang bumibigay sa tukso!
Naitakip na lamang niya ang mga kamay sa mukha niya sapagkat hindi niya kayang salubungin ang nagtatakang mukha ni Jagger.

“WHAT’S wrong, sweetheart?” He asked her.
            Tanging iling lang ang sagot ni Hope sa kanya kaya nag-alala siya lalo na ng marinig ang mahinang paghikbi nito. Humagilap siya ng kumot upang ipangtakip sa mga hubad nilang katawan bago siya tumabi sa dalaga. Agad niyang niyakap ito mula sa likuran habang hinahalik-halikan ang makinis nitong balikat. “Sweetheart?”
            “I can’t do it…I’m sorry, Jagger.” Sabi ni Hope sa pagitan ng mga hikbi.
            “Hush, sweetheart.” Alo naman niya. “It’s okay. I understand.” Lalo namang napahikbi ito sa sinabi niya. “Hope sweetheart, tahan na. Kasalanan ko rin naman kasi hindi ako nakapagpigil. I always lose control when I’m with you.”
            Humarap ang dalaga sa kanya at hinaplos ang mukha niya. Hinuli naman niya ang isang kamay nito at hinalikan. “Maraming salamat, Jagger, sa lahat-lahat. Dahil sa’yo, nagsisimula na uli akong mabuhay. Sana hanggang sa mabuo na uli ang pagkatao ko ay naroon ka pa rin.”
            Napapikit ang dalaga ng gawaran niya ito ng halik sa noo. “Promise, sweetheart, I’m always here for you and willing to wait. Mahal na mahal kita…”
            “Thanks, Jagger.” Sagot naman ni Hope at nagyakap na sila ng mahigpit.

Friday, October 19, 2012

Jagger's Hope - Chapter 6


ARAW ng Sabado. Ilang minuto na lamang at magaganap na ang kasalang inorganisa ng Fetê Accompli para sa malayong kamag-anak nina Hope. Kumpleto ang staff nila pati silang apat na magkakaibigan ay present sa naturang okasyon. Kasalukuyan silang nasa labas ng simbahan. Naandoon na ang groom at marami-rami na ring tao ang nasa loob at labas ng simbahan. Hinihintay na lamang nila ang pagdating ng bride. Maaliwalas at festive naman ang atmosphere pero kabaligtaran ang nararamdaman ni Hope. Nanlalamig siya at masama ang kabog ng dibdib niya. Bahagya rin siyang pinagpapawisan. Upang maibsan ang nararamdaman ay ang camera na lamang niya ang pinagdiskitahan niya.
            “Hopia, okay ka lang?” Nag-aalalang tanong ni Geo sa kanya. Nang tumingin siya ay nakita niya ang pag-aalala sa mga mukha ng mga kaibigan niya.
            Nginitian naman niya ang mga ito. “Don’t worry, I’m fine.”
            “Namumutla ka eh.” Sabi naman ni Sherry. “At pinagpapawisan ka.”
            “Mabuti pa, Hope. Umuwi ka na muna para makapagpahinga. Sasamahan na kita pauwi.” Concern namang sabi ni Ymilia sa kanya.
            “I’m fine…”
            “No, you’re not!” Chorus na sabi ng mga ito. Napatingin tuloy ang ibang tao sa kinaroroonan nila.
            “Kaingay n’yo.” Sita niya sa mga ito. “I need to work.” Nagulat pa siya nang hilahin siya ng mga kaibigan sa isang tabi. “Ano bang ginagawa n’yo?”
            “We know how you feel right now.” Panimula ni Geo. “Hindi mo pa kayang makakita ng ikinakasal.”
            “Ho-how…” Hindi na niya itinuloy ang sasabihin at bagsak ang balikat na tumingin sa mga ito. “I thought, nakakapag-move on na ako when it comes to Tristan. Hindi pa pala. I mean sa mga bagay na may connection sa nangyari sa amin. I was wrong.”
            “Hope…”
            “Tama kayo, hindi ko kayang pumasok sa loob at mag-pretend na maayos lang ako. Pero kakayanin ko kasi trabaho natin ito.” Malungkot na sabi niya. Bago pa makapag-react ang mga kaibigan niya ay biglang sumulpot si Jakobe sa tabi niya. “Jakobe!”
            “Hello, ladies!” Suwabeng bati ng lalaki sa kanila. Kilala rin ito ng mga kaibigan niya sapagkat magkaka-batch sila noong college.
            “Hi, Jakobe!” Chorus na sabi ng mga kaibigan niya.
            Pagkatapos ng batian ay binalingan siya ng lalaki at napangiwi ito na ipinagtaka niya. “Okay ka lang, Hope? Ang putla-putla mo.” Sabi nito na sinuklian na lamang niya ng ngiti. “May sakit ka ba?”
            Sa halip na sagutin ang lalaki ay tinanong niya ito. “Ano’ng ginagawa mo dito?”
            Nagkibit-balikat lamang ito. “Napadaan lang. Akala ko kasi andito na si Kuya Jagger. Di ba ninong siya sa kasal?”
            Nagtikhiman naman ang mga kaibigan niya at nakakalokong sinulyapan siya ng mga ito. Inirapan lamang niya ang mga kaibigan. “Guys, okay lang ba kung sa reception na lang ako aattend? Hindi ko talaga kaya eh.”
            “May problema ba, Hope?” Nag-aalalang tanong naman ni Jakobe.
            “Mabuti pa, Jakobe, samahan mo muna ang kaibigan namin. She’s not fine.” Sabi ni Geo at pasimple na silang itinataboy paalis. “Sa reception na lang kayo pumunta at bahala na kami dito.”
            Binalingan naman siya ng lalaki. “So, let’s go?”
            Tumango na lamang siya at nagpaalam na sila sa kaniyang mga kaibigan.

HINDI naiwasang hampasin ni Jagger ang manibela ng sasakyan niya sapagkat natanaw niyang halos nakaakbay na ang kapatid niyang si Jakobe kay Hope.
            Jakobe! I’m gonna kill you!
       Hahabulin sana niya ang mga ito ngunit agad naman nakasakay ang dalawa sa Mini Cooper ng dalaga at ang magaling pa niyang kapatid ang magmamaneho kaya lalong nagngingitngit ang kalooban niya. Wala siyang nagawa at pagkatapos maiparada ng maayos ang kanyang sasakyan ay bumaba na agad siya mula doon. Marami na agad sumalubong at bumati sa kanya nang makalapit siya sa mga bisitang naroroon sa bungad ng simbahan.
            Nang makita ang mga kaibigan ni Hope ay kinawayan na lamang niya ang mga ito. Maya-maya pa ay nag-anunsiyo na ang wedding coordinator at sinabing magsisimula na ang kasal. Agad siyang pumuwesto sa hanay ng mga ninong at ninang. Bago lumakad ay nginitian muna niya ang kapareha niya.
            I can’t wait to be with you, Hope sweetheart… Jakobe, back off!

ILANG beses ng nagtatama ang mga mata nila ni Jagger mula pa noong nagsimula na ang wedding reception. Mukhang galit na naman ito. Hindi naman niya malapitan ito sapagkat nagtatrabaho pa siya bilang official photographer ng naturang okasyon. Bukod sa kanya ay may dalawa pa siyang assistant na photographer at videographer. May kasama din silang isang intern na tine-train niya.
            “Ma’am Ganda…” Untag ng intern niyang si Ryan sa kanya. Ma’am Ganda ang tawag nito sa kanya mula pa noong magsimula itong intern sa kanila.
            “Yes, Ryan?”
            “Huwag po kayong magagalit sa sasabihin ko po ha?”
Napakunot-noo siya. “Dependa sa sasabihin mo.”
“Eh, Ma’am Ganda…” Bumuntong-hininga muna ito bago nagpatuloy. “Kanina ko pa po kasi napapansin ‘yung isang ninong sa kasal na simula nang dumating dito eh hindi na po humiwalay ang tingin sa inyo.”
“Sino bang tinutukoy mo?” Kahit alam na niya ang tinutukoy nito ay tinanong pa rin niya ang lalaki. Pasimple namang nilingon ni Ryan si Jagger na nakamasid sa kanila.
“You know what, Ma’am Ganda, obvious na obvious na may gusto siya sa’yo. Ang sama lagi ng tingin sa mga lalaking nagpapa-cute sa inyo.”
Hindi niya napigilang mapangiti sa sinabi nito. “Hay naku, tama na nga ‘yan. Let’s go back to work.”
“Yes, ma’am!” Sabay saludo nito sa kanya. Bago bumalik sa trabaho ay nilingon niya si Jagger na noo’y umiinom na ng wine habang nakatitig sa kanya.

NAKARAMDAM ng kaginhawahan si Hope nang magkaroon na siya ng pagkakataong makaupo. Doon siya pumuwesto sa bakanteng mesa na medyo malayo sa karamihan. Kasalukuyang nagkakasiyahan ang mga bagong kasal at mga bisita nang mga sandaling iyon. Nagpasya siyang magpahinga muna at ipinaubaya ang trabaho kay Ryan. Ang mga kaibigan naman niya ay nakikisali sa wedding programs na inihanda nila. Nang masigurong walang nakakapansin sa kanya ay pasimpleng ipinatong niya ang kanyang mga binti sa katabing silya ngunit laking gulat niya nang biglang may naglapag ng isang pinggang puno ng pagkain sa harapan niya. Nang tingnan niya kung sino ang may-dala niyon, ang nakita niya ay ang malaking bulto ni Jagger ang nakita niya. Naupo naman ito sa katabing silyang pinagpapatungan ng mga binti niya. Hindi niya maiwasang mamula sapagkat hinagod ng tingin ni Jagger ang nakahantad niyang mga binti.
            “Jagger!” Untag niya dito.
            Tumingin naman ito sa kanya ngunit hindi pa rin maipinta ang mukha nito. “Eat!”
            “Huh?”
            “I said… eat those foods.” Maawtoridad nitong sabi. “Lahat sila kumain na, ikaw na lang ang hindi. Hindi maganda sa kalusugan ang nagpapalipas ng pagkain lalo na pag nagtatrabaho.”
            “Huh?”
            Mukhang naaasar na sa kanya ang lalaki. “Kapag hindi ka pa kumain, Hope, ako ang magpapakain sa’yo!”
            Agad naman siyang tumalima at sumubo na sa mga pagkaing inihanda para sa kanya ni Jagger. Nakakailang subo na siya nang biglang napapitlag siya sapagkat may mga kamay na humahagod sa mga paa at binti niya. Buti na lamang at hindi siya napatili. Nakita niya si Jagger na minamasahe ang mga binti niya.
            “What are you doing?” Sita niya dito. Bahagya lamang siyang tiningnan nito bago nagpatuloy uli sa pagmamasahe sa kanya. Hindi niya maiwasang mapapikit sa ginagawa ng binata. “Jagger…”
            “Nasaan ang magaling kong kapatid?”
            “Si Jakobe? Umalis na nung maihatid ako.”
            “Is he courting you?” Diretsong tanong nito na ikinagulat niya. Sasagot na sana siya ngunit nagulat silang pareho ni Jagger nang biglang may nagpatong sa kandungan niya ng wedding bouquet. Sabay pa silang napalingon ni Jagger at nakita nila ang nakangiting mukha ng bride. Hindi agad sila nakahuma ni Jagger lalo na ng kumislap ang camerang hawak ni Ryan.
            Holy shit!