Monday, January 26, 2015

If You Asked Me To - Chapter 5 (Partial Only)

NAGISING si Rhyce sa isang hindi pamilyar na silid. Bumangon siya at inalala ang nangyari kagabi. Nang walang maalala ay nagpasya siyang bumaba mula sa kama. Akmang tatayo na siya nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Phoenix na may bitbit na isang tray ng pagkain.
Hindi na siya nakakibo nang mapagmasdan ang kabuuan ng binata. Bagong paligo ito at mamasa-masa pa ang buhok. Nalalanghap niya ang pinaghalong amoy ng sabon at after shave cologne nito. Humahakab ang magandang katawan nito sa suot nitong puting t-shirt at faded jeans. Kinalma niya ang sarili at baka mayakap ito ng wala sa oras.
“Kumusta na ang pakiramdam mo?” Tanong ni Phoenix sa kanya habang ipinapatong nito sa bedside table ang dalang pagkain. Naupo ito sa tabihan niya. Pasimple naman siyang umisod palayo sa lalaki at hindi siya makatingin ng diretso.
“Okay na ako. Ano bang nangyari at nasaan ako?”
“Naandito tayo ngayon sa condo unit ko. Bigla ka na lang kasing nawalan ng malay nang sunduin ka namin ni Jay kagabi.”
Tumigin siya dito. “Where’s Jay?”
“Lumabas lang saglit.”
Napatango na lamang siya ngunit agad din niyang napansin ang kakaibang kislap ng mga mata ng lalaki habang pinagmamasdan siya. “What?”
“That black lingerie looks good on you.”
Napakunot-noo siya sa sinabi nito. Awtomatikong bumaba ang tingin niya sa kanyang katawan at nanlalaki ang mga mata ng saka lang niya napansin na iba na ang suot niya. Napatili siya. Pakiramdam niya ay nasira na ni Phoenix ang puri niya sa uri ng pagkakatingin nito sa katawan niya. Agad niyang hinagilap ang comforter at ibinalot iyon sa katawan niya bago hinarap ang lalaki na noo’y tatawa-tawa na.
            “Don’t cover it, Rhyce.” Nakakalokong sabi pa nito. “You will pass as cover girl for men’s magazine.” Sabay kindat pa nito.
“Napakawalanghiya mo talaga! Bastos! Manyakis!”
Mukhang hindi naman ito apektado sa mga pinagsasabi niya sapagkat nagawa pa nitong humalakhak. Napahiga pa ito sa kama habang sapo-sapo ang tiyan. Awang-awa siya sa sarili. She felt disgraced and embarrassed that moment. Naramdaman na lamang niya ang pagpatak ng mga luha niya.

AWTOMATIKONG napatigil sa paghalakhak si Phoenix nang maramdaman niya ang pagtahimik ni Rhyce. Nang lingunin niya ito ay tahimik na lumuluha na ang dalaga. Nasagad na ang pasensya nito sa sobrang sutil niya. Bumangon siya at dahan-dahang nilapitan ito. Hindi niya naituloy ang balak na paghawak sa balikat nito nang matalim itong tumingin sa kanya.
            “Don’t you dare touch me, Phoenix Mondragon!” Mahinahon ngunit mariin nitong sabi.
            “Rhyce, I-I didn’t mean to---”
            “Please leave.”
            “Rhyce…”
            “I said leave!”
            Wala siyang nagawa kundi sundin ito. Bago lumabas ay nilingon uli niya ito. Nakasubsob ang mukha nito sa mga palad at patuloy pa rin sa pag-iyak. Gusto niya itong yakapin ngunit nagpigil siya para hindi na madagdagan pa ang galit nito.

            “Kainin mo agad ang mga pagkain bago lumamig ang mga ‘yan. Nasa salas lang ako.” Bilin niya bago isinara ang pinto.

Thursday, May 22, 2014

Thursday, March 27, 2014

To Love & Protect Series


Another ordinary day in this life.
Just like yesterday and the day before.
Then in the blink of an eye, your life will be changed forever!

Just as sudden as your change of your luck, your life has become one of constant danger! How will you deal with this new dangerous life situation?

You are assigned with your very own bodyguard who'll protect you with his life 24/7. He will serve you, has his own unique personality and will react differently, driving the story in completely different directions!

Through the adventure that you encounter together with your protector maybe, just maybe... sparks will fly!

"To Love & Protect Series" is an action and romance story. Feel the excitement and thrill of being in risky love with your dream guy, all at your fingertips!

COMING SOON...

Wednesday, December 25, 2013

Sana Ngayong Pasko


“PASKO na naman, ngunit wala ka pa. Hanggang kailan kaya ako maghihintay sa iyo?”

PAKIRAMDAM ni Yachi ay tila isinasampal sa kanya ang lyrics ng kantang kasalukuyang tumutugtog sa stereo ng kanilang kapitbahay. Gusto sana niyang sugudin ang mga taong nakatira doon upang papalitan ng masasayang awitin ngunit pinigilan niya ang sarili. Ayaw niyang sirain ang magandang atmosphere ng araw na iyon sapagkat halos lahat ng tao ay nagdidiwang sa araw ng kapaskuhan maliban sa kanya. Sa halip na makisaya siya ay mas pinili niyang magkulong na lamang sa loob ng kanyang silid at sarilinin ang kamiserablehang nararamdaman niya. Kung tutuusin, ang araw ng Pasko ang pinakapaborito niyang araw sa buong taon maliban sa kaarawan niya. Noon iyon, iba na ngayon. Ang Pasko na ang pinakaitinuturing niyang sumpa sa kanyang buhay mula nang iwan siya ng kanyang asawang si Drachen at ipinagpalit sa ibang babae. Dalawang taon na ang nakakaraan ngunit hindi pa rin niya malimutan ang mga pangyayari noon. Sariwa pa sa alaala niya kung paano siya iniwan ng asawa sa mismong araw ng Pasko. Hindi man lamang ito nakapaghintay na makalipas ang Bagong Taon bago siya iniwan. Hindi niya maiwasang mapaluha muli habang unti-unting bumabalik sa alaala niya ang nangyari noon.


BISPERAS noon ng Pasko at masaya siyang naghahanda ng mga pagkain para sa media noche nilang mag-asawa. Si Drachen naman ay kasalukuyang nasa sa kuwarto nila at noong huli niyang silipin ito ay nakahiga pa ito sa kama nila. Nag-aalala kasi siya sa asawa sapagkat nang dumating ito buhat sa trabaho ay tila napakalalim ng isip nito at mukhang pagod na pagod. Hindi na nga siya nagawaran ng halik nang dumating ito. Tinanguan lamang siya nito bago tumuloy sa kanilang silid. Inintindi na lamang niya ito kahit may kaba na siyang nararamdaman nang dumating ito katulad ng mga nakalipas na buwan. Hindi man niya sinasabi ngunit tila nanlalamig na ito sa kanya. Tila nakalimutan na rin nito ang mga dating gawa at mga paglalambing na pinaparamdam sa kanya ni Drachen tulad noong sila ay maging mag-nobyo hanggang sila ay maikasal. 

     Anim na taon na silang kasal ngunit hindi pa rin nabibiyayaan kahit isang supling. Ayon sa doctor nila, pareho naman silang walang diperensya. Pareho silang healthy. Stress lang daw sila pareho sa trabaho. Masinsin silang nag-usap noon at nagpaubaya na siya na lamang ang magreresign sa trabaho niya upang sila ay makabuo na ng pamilya. Ngunit magpasahanggang ngayon ay hindi pa rin sila nabibiyayaan ng anak. Ang asawa pa niya ang nagpapalakas ng loob niya tuwing siya ay nalulungkot kapag nasasabik na siyang magkaroon ng anak. Ginawa na rin nila ang lahat para magkaanak lamang tulad ng pagsasayaw sa Obando pagnonovena at pagsisimba sa iba’t-ibang simbahan. Magkatulong silang dalawa at patuloy na umaasang magkakaanak din sila balang-araw.

     Ngunit nitong mga nagdaang buwan ay tila nag-iba na ng pakikitungo ni Drachen sa kanya at tila unti-unti na itong lumalayo sa kanya. Hindi na ito ang malambing at mapagmahal na asawa. Lagi na lamang itong nakaangil sa kanya. Konting pagkakamali lamang niya ay sobra na agad ang galit sa kanya. Hindi na rin siya nito niyayakap at hinahalikan. Inaamin naman niya sa sarili na sobrang nami-miss na niya ang dating Drachen.

Friday, December 20, 2013

Next Time I Fall - Epilogue

One year later…
Xianne lovingly surveyed the blissful scene before her. She was surrounded by the people she loved. Halos lahat ng mga mahal nila sa buhay ay naandoon sapagkat binyag ng kanilang five-month-old na panganay na anak nila ni Chayce at kasalukuyang ginaganap ang reception sa malawak na hardin ng bahay nila sa Tagaytay Highlands. She and Chayce were blessed with a baby boy named Xander Caldwell. Carbon copy ng asawa niya ang panganay nilang anak and both of them were very proud of their son. And yes, masusundan na ang panganay nila. She was two months pregnant now kaya abot-abot ang kantyaw na natamo nilang mag-asawa mula sa kani-kanilang pamilya at mga kaibigan. Tinanaw niya mula sa buffet able ang kaniyang mag-ama. Pinadedede ni Chayce ang baby nila habang abala ito sa pakikipagkwentuhan kina Rad at Axe. Mukhang na-miss ng mga ito ang isa’t-isa. Habang pinagmamasdan niya ang asawa at anak ay hindi niya maiwasang maalala ang nakaraan.
Sa loob ng isang taon ay maraming nangyari sa buhay nila. Bago itakda ang kasal nila ni Chayce ay sinampahan ng kaso ng Monte Cristo Shipping Lines sina Capt. Garcia at Keeshia kasama na ang kasong physical abuse at attempted rape. Matapos makunan ng salaysay silang dalawa ni Chayce pati na rin si Jaq ay pinasalamatan sila ni Sir Vince at sinabihan na ipapatawag na lamang sila kapag may schedule na ng hearing. Kasabay noon ay nag-file na sila ng resignation upang pagtuunan ang pag-aayos ng kasal nila. Ayaw man silang payagan ni Sir Vince ay walang magawa ang lalaki sapagkat ayon kay Chayce ay mas pagtutuunan na lamang nito ng pansin ang magiging pamilya nila at ang mga negosyo ng kanilang pamilya ganoon din siya na mas piniling maging plain housewife na lamang at tutulungan si Chayce sa mga negosyo nito. She and Chayce got married in a simple ceremony attended only by their families and immediate friends. Jaq was Chayce’s bestman while Miley was her maid of honor. Groom’s men naman sina Rad at Axe habang sina Elvie at Teri ay bride’s maids niya. They vowed toeach other that they will give each other a really warm, loving, nurturing home. Their own family.
“Xai…” Narinig niyang tawag ni Jaq na ikinalingon niya. Inakbayan siya nito at tinanaw din sina Chayce. “Very proud daddy ang kumpare ko ah.” Natatawang sabi nito sabay inom sa juice na hawak nito.
Napangiti naman siya sa tinuran nito. “That’s why I love him.”
Tiningnan siya ng kaibigan at nginitian din siya. “I’m happy for you, Xai.”
“Thanks, Jaq-Jaq!” Pagkasabi niyang iyon ay napansin niyang nawala ang pagkakangiti nito. Sinundan niya kung ano ang ikinaseryoso nito at ang nakita niya ay ang cute at makulit na pinsan ng asawa na palapit na sa kanila. Naramdaman niyang na-tensyon sa tabi niya ang binata at hindi na maipinta ang mukha nito. Nginitian siya ni Colleen samantalang tinaasan lamang nito ng kilay si Jaq.
“Hi, Colleen! Thanks for coming!” Bati niya sa dalaga sabay halik sa pisngi nito. “Kumain ka na ba?”
“Yes, ate Xianne.” Sagot nito nang biglang nangislap ang mga mata nito. “I heard you’re pregnant again. Grabe, si kuya Chayce ah! Balak n’yo bang bumuo ng isang football team?” Sabi nito sa kanya na ikinapula ng mukha niya. Sumabad naman si Jaq na mukhang iritado pa rin.
“Ano namang masama kung makabuo sila ng isang team? Palibhasa, wala kang matris.”
Napanganga naman si Colleen sa tinuran nito at tiningnan ng masama si Jaq. “Aba’t…”
Nagpasya siyang pumagitna sa dalawa. “Guys, tama na. Ayaw ko ng eskandalo sa binyag ng anak ko. Mapapagalitan kayo ng asawa ko.” Speaking of her husband, heto na nga at nakalapit na agad ito sa kanila. Pagkatapos siyang halikan ay hinarap na nito ang dalawa habang karga-karga pa rin ang anak nila. “Maghiwalay nga kayong dalawa.” Utos ni Chayce sa mga ito. “Colleen, tigilan mo na si Jaq.”
Nahindik naman si Colleen sa paninita ng asawa niya. “What?! Why me?!”
Hindi naman ito pinansin ng lalaki at hinarap din nito si Jaq. “Ikaw naman, Jaq, tigilan mo na rin si Colleen.” Mahinahong sabi Chayce na ikinawalang-kibo lamang nito. Maya-maya pa’y napangiti ang asawa niya. “Hindi kaya, may gusto lang kayo sa isa’t-isa kaya kayo nagkakaganyan?” Pagkasabing iyon ng kanyang asawa ay lalong nagpalitan ng maaanghang na salita ang dalawa at pasimple na nilang iniwan ang mga ito. Nakarating sila ni Chayce sa nursery room sapagkat nakatulog na ang anak nila. Maingat na inilapag ng asawa niya sa crib si baby Xander. Inakbayan siya nito at pinagmasdan nila ang natutulog na anak. Naramdaman niyang hinalikan siya ng asawa sa ulo niya kaya nilingon niya ito. Sinalubong naman siya nito ng halik sa labi. He groaned when she deepened their kiss. She giggled when she saw the longing expression of her husband.  “Chayce ha…”
“Let’s go to our room. Tulog na naman si baby. I want to make love with you.”
“Sweetheart, hindi pa pwede. May mga bisita pa tayo.”
“Hayaan mo muna sila. Hindi nila mapapansin na wala tayo doon.”
Niyakap niya ang kanyang asawa at masuyong hinalikan sa mga labi. “Thank you for coming into my life, sweetheart.”  He chuckled then he became serious. Kinuha nito ang kamay niya at masuyong dinala ang mga iyon sa mga labi nito.
“I’m also thankful and I love you so much. I’ll always be here for you, sweetheart.”
“I love you too, Capt. Chayce Romualdo Mijares.”


- Wakas -

<<<Previous